Chapter 1 im their maid

16.9K 353 11
                                    

"Bye mom, dad"

I said to them as i waved my hand as a sign of goodbye. Nasa gate na ako ng pinaalala nanaman ni dad ung bilin niya na halos 100 times niya ng sinabi sa akin.

"Anak, tandaan mo ahh, wag na wag kalilimutan ang tumawag. Pag sinaktan ka or pinahirapan ka nila, sabihin mo samin. Mag iingat ka."

"Yes dad. Don't worry about me. Malaki na ako, at kaya ko na ang sarili ko. Bye, i love you."

Tuluyan na akong lumabas ng house namin. Magcocommute lang ako. Ngaun kasi magsisimula ung trabaho ko. And guess what is my job ..

A maid!

Yes. KATULONG!

Hahah, nung sinabi ko nga kila mom and dad ung decision ko about sa pangangamuhan ehh pinagtawanan pa nila ako. Akala nila, im just kidding around but when i said to them na nakapag apply na ako ehh wala na silang nagawa. Well, nagalit sila at first, pero umoo nalang din sila. They even told me na nasa tamang edad naman na ako para magdecide sa sarili ko basta pag isipan ko lang daw ng mabuti at wag akong padalos dalos.

Hindi naman kami naghihirap. Sa katunayan, mayaman kami. Hindi sa nagmamayabang pero dad owned a 24 5star hotels here in the Philippines, tapos may business pa kami sa ibat ibang bahagi ng bansa. Siguro nagtatanong kau kung bakit pa ako magtatrabaho ng pagiging MAID kung mayaman naman kami.

Well, i want to experience a simple life. Gusto kong malaman kung ano ung pakiramdam ng hindi ka mayaman. Ung buhay ng maging mahirap. I want to experience something new. Nakakasawa na kasi pag nakukuha mo nalang lagi ung gusto mo ng hindi mo pinaghihirapan. Siguro sinasabi na ng iba sa inyo na ang weird ko. Well, un ung nararamdaman ko at gusto kong gawin, kaya wala kang pake, kung un ang gusto ko, bleeh :p xD

Nag doorbell na ako sa bahay ng pagtatrabahuan ko. Sa labas palang ng bahay nila, maganda na. Pano pa kaya ung loob?

Pero masasabi kong mas maganda at malaki parin ung amin :D

Bumukas naman agad ung gate nila. Bumungad sakin ang isang may edad na babae.

"Sinong hanap mo iha?"

Tanong naman niya saakin.

"Uhhm, ako po si Chelsca. Bago po akong katulong dito. Ako din po ung nag apply dito nung nakaraang araw."

Tiningnan naman ako ni manang ng para bang nagsisinungaling ako or what.

"Sigurado kaba iha? Abat ang ganda mo naman para maging katulong lang. Para kang isang anak mayaman. Hala at sige, pumasok ka na."

Nginitian ko lang siya saka pumasok na sa loob ng bahay nila. Nakita ko naman ung magiging amo ko. Si ma'am Elisa. Nasa garden kasi siya, at agad akong lumapit sa kanya noong nakita niya ako.

"Good afternoon po." Magalang na bati ko sa ginang.

"Good afternoon din iha."

May mga tinanong naman siya na kung ano ano tungkol sa akin, then pinahatid niya na rin ako kay manang Lorna sa magiging kwarto ko. Si manang Lorna nga pala ung nagbukas ng pintuan sakin kanina.

***********

Mabilis na lumipas ang araw, at medyo nakakasanayan ko na ung mga gawaing bahay. Nakakagulat nga para sa isang katulad ko na walang ka expe-experience sa mga ganitong bagay na nakaya ko un. Pero buti nalang talaga, palagi kong pinapanood ung mga maid namin pag gumagawa sila sa bahay namin at super laki ng tulong noon sakin sa kalagayan ko ngaun. Nakakapagod pala ano? Sa inaraw araw, same routine lagi ang ginagawa namin.

Maglinis, maglaba, magluto at kung ano ano pa. Hindi rin pala madaling maging katulong. (Kaya kayo guise, mag aral kau ng mabuti para mag karoon kayo ng magandang trabaho. But then, saludo ako sa inyong mga katulong. Mabuhay kau!! :D)

Hindi naman ako nagsisisi sa desisyon kong ito. Sa katunayan, nag eenjoy nga ako ee, kahit nakakapagod. Close ko narin ung mga iba pang katulong dito.

Kung hindi ko pa pala nasasabi sa inyo, bago ako magtrabaho dito ay may trabaho na talaga ako. Im a fashion designer sa company ng mom ko, pero hindi un ang profession ko. I really do want to be a chef. I love cooking and also do foods. (*__*)

Days passed, maayos naman ung naging takbo ng pangyayari sa buhay ko. Nasabi nga pala nila manang Lorna sakin na mukha daw talaga akong mayaman. Ang kinis kinis ko daw tapos ang ganda ganda ko pa at mukha pa daw akong hindi katulong. Hahahah. Tapos sabi pa nila, minsan daw naiilang silang mag utos sa akin dahil mukha daw akong amo nila kesa sa katrabaho nila.

-------------------------------------------------------------

Hello po sa inyo.
I know na sabaw siya, pagtyagaan niyo nalang po. Babawi ako sa nxt chapter.
Please support po.
Maaapreciate ko talaga ng sobra ang magiging votes and comments niyo.
Thankies :)

I'm His Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon