TLLEP 37 :Angel Tear:

Depuis le début
                                    

"Kenji."

"Daniel, tss."

Bakit may 'tss' tong mokong na 'to?

"Oh tara na sino magluluto? Nagugutom na ako," tanong ko sa kanila at umupo sa sofa at kumain ng popcorn,tumabi naman sa akin si aldrich.


"Feel at home aldrich," natatawang sabi ko sa kanya. Ngumuso na naman sya sa akin at nag eye languange 'natatakot-ako-sa-mga-lalaki-mong-kaibigan' look.


Ahh kaya naman pala. Hahaha.


-----



Athena's POV

"Maari mo nang itaas ang iyong ulo."

Itinaas ko na ang ulo ko at nakita ko ang reyna, ang ganda ng buntot nya.


"Seira, pumunta ka muna sa iyong silid."


"Opo ina."


Lumabas na si seira sa silid at lumapit sa akin ang reyna.


"Magkamukhang magkamukha kayo ni Reyna Aphrodite." sabi nya sa akin habang hinihimas himas yung buhok


"Nagkataon lang siguro." sabi ko.


"Kukunin mo na ba ang dyamanteng ito sa akin?" tanong ni reyna.


"Pero alam kong mawawala ka pag ginawa ko yun." sabi ko.


Napatawa naman ng mahina ang reyna.


"Napaghandaan ko na rin ito, alam ko na hindi na ako magtatagal sa kaharian, kaya ipinasa ko na kay sarah ang pwesto ko bilang reyna ng mga sirena." paliwanag nya sa akin.


Ang blue diamond ay nasa korona na suot nya, ieextract ko lang naman ang kapangyarihan nun diba?


"Pero hindi ako mapapatawad ni seira," sabi ko.


"Matatanggap nya rin na nakatadhana sa akin ito. Naalala ko pa noong binigay ko sa mahal na hari ng echantia ang angel tear," natatawang sabi nya.


Angel Tear?

*Flashback*


20 years ago ..


"Aking asawa wag kang mawawala hindi ko kaya." naiiyak na wika ng reyna habang hawak nito ang kamay ng kanyang asawa.

"*Hindi na ako magtatagal, tandaan mo mahal na mahal kita." Sabi ng hari sa kanyang reyna habang naghihingalo na, nang biglang pumasok ang reyna ng mga sirena.

"Serain! Salamat at dumating ka tulungan mo ako. Pagalingin mo ang aking asawa." nagmamakaawang sambit ng reyna,

Tumungo lang si serain at lumapit sa naghihingalong hari at ipinainom ang malamat na angel tears, isang mahiwagang panlunas na kada 10000 years lang lumalabas ayon sa alamat pero totoo pala ito.


"Mapapabilis ang paggaling nya Aphrodite, kailangan nya lang ng mahabang pahinga." sabi ni Serain bago tuluyang umalis.

>>>Fastforward>>>


5 years ago, nagkasakit naman si serain, walang magawa ang kanyang anak dahil hindi nila mahanap ang angel tears, kaya naman pumunta ang hari at reyna na palasyo ng mga sirena, isinuot ng reyna ang isang asul na dyamante sa korona ng reyna at ipinasuot kay serain, agarang gumaling si serain ngunit ito ay pansamantala lamang, ang dyamanteng iyon ay pagmamay ari ng isang dyosa, si Hera.




*end of flashback*


Baka naman meron pang ibang paraan para gumaling sya... Tama .. Yung angel tears, kailangan kong makuha yun.

"Saan lumilitaw ang angel tears?" seryosong tanong ko sa reyna, napangiti naman sya sa akin saka sinagot yung tanong ko.

"Sa pinaka delikadong lugar dito sa serain city,"

"Kukunin ko yon, para sayo reyna serain,"

"Hindi mo na kinakailangang gawin yan athena." sabi nya

"Gagawin ko. At isa itong pangako sa iyo, pag nagawa kong makuha ang angel tear gagaling ka at hindi mo na kailangang ipasa sa anak mo ang korona para lang sa dyamanteng iyan." seryosong sabi ko. Napabuntong hininga na lang si reyna serain.


"Sige kunin mo para sa akin." at sa sabi nyang yun ay napangiti na lang rin ako.

Tinawag nya ang isang kawal at may binigay sa aking kwintas, kaparehas ito ng suot ni seira.

"Magiging isa kang sirena once na sinuot mo yan," sabi ng reyna.

"Salamat makakaasa kayong makukuha ko ito." sabi ko at umalis na.







Deadliest place here? Hmmm Parang alam ko na kung saan yun.










The Long Lost Elemental Princess [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant