TLLEP 35: Escaped:

44.1K 1.4K 90
                                    

Note : di ko masyadong babaguhin to dahil super memorable sakin tong chapter at si ericka ang POV. =)


Edited : 3-29-19


Ericka's POV


*cough* *cough* n-nasaan ako?


"mahal na hari gising na po sya," rinig kong sabi ng isang lalaki


nasaan ako? bakit ang dilim?

"Buti naman" sabi nung tinawag ng lalaki, hinawakan nya yung buhok ko at hinila palapit sa kanya.

"Nasaan ang prinsesa ng echantia? sumagot ka kung ayaw mong mamatay."  banta nya sa akin habang hinihila yung buhok ko.


*cough* *cough* ang sakit sa lungs neto, mga hinayupak! bakit ako tatanungin nila sa mah--- sht! it means nasa ... AKUMA PALACE AKO!? sht what on e---ARAY! Peste! sambunot pa kuya!

"SUMAGOT KA!" sigaw nya sa akin at naglabas ng dark sphere. Wao, akala naman nila matatakot akosa nilabas nila. Tsk. 


"patayin mo man ako wala akong aaminin sa inyo." mariing sabi ko habang kinakalas yung pagkakatali nila ng hindi nila napapansin mga weak kasi magtali ribbon yung pagkakatali nila! WOW grabe! nahiya ako sa tali nila sa kamay ko.


Medyo nahirapan akong kalasin  triple ribbon eh isip bata yata tong mga to. Pagkatapos kong kalasin ay inuntog ko yung lalaki ng buong pwersa napa 'aray' naman sya. Grabe ang tigas ng bungo ng lalaking to. Feeling ko nahilo ako  pagtapos ay nagpalabas ako ng Isang electric sword at tinusok sa tagiliran ng lalaking nasa likod ko. Napabuga naman sya ng dugo at natalsikan pa ako sa mukha---PESTE! Ewww!! Kadiri!

Tinignan ko kung may tao sa paligid pero wala akong nakitang tao kaya pagkakataon ko nang tumakas, hindi ako makakapagteleport sa lugar na ito. Biglang nagsidatingan yung mga iba pang dark elementalers,kaya napatago ako sa gilid ng isang pader. Naku please lang ayokong mamatay ng walang asawa! Marami pa akong pangarap sa buhay!


Sa sobrang pag iisip ay biglang may nagtakip sa bibig ko


ASDFGHJKL!!! HINDI AKO MAKAHINGA!!


nag eye language yung nagtakip sa akin. Sabi nya 'wag-kang-titili' look. Eh di sinagot ko ng 'tangina-oo-na' look. Binitiwan nya yung pagkakahawak nya sa akin. At nakahinga na rin ako ng maluwag. Putangina ng lalaking to papatayin pa yata ako!


"Putan----"


Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan nya ng kamay nya ang bibig ko. Tangina! Patatayin nga talaga ako ng gagong to.


"Wag kang maingay,gusto mo bang mahuli nila?" tanong nya sa akin. Sabi ko nga eh tatahimik na eh.


"Teka sino ka ba?" balik kong tanong sa kanya. Napangisi naman sya sabay kurot ng pisngi ko.


PUTANGINA! THE FEELS!


"Ako si Aldrich Ashwood. Isa rin akong white elementaler nakatakas ako sa kulungan ko ng dahil sayo." nakangiting sabi nya. Teka ng dahil sa akin? Wow! Ano namang ginawa ko at nakatakas sya?

The Long Lost Elemental Princess [Completed]Where stories live. Discover now