TLLEP 37 :Angel Tear:

44.4K 1.4K 110
                                    

Ericka/Shanaia POV


"Oh,napadalaw ka sa nanay mo? Saan ka nanggaling? Alam mo bang 2 linggo kang nawala?" sunod sunod na tanong ni mama. Wala man lang 'hi' ang bruha, ginatungan pa ng mga tanong.


"Ma, HINDI MO BA ALAM NA NAHULI LANG NAMAN ANG NAPAKAGANDA NYONG ANAK NG MGA DARK ELEMENTALIST?!" sigaw ko sa kanya. Yung talo pa speaker sa MOA para dinig na dinig nya.


"Hindi, pagkakaalam ko wala akong anak na maganda." sabi nya at humagalpak ng tawa, Ayan nag nanay ko ABNORMAL.


"Ma, i'm serious. Pupunta ako kila athena, tinatamad na akong bumyahe. I teleport nyo na lang kami." boring na sabi ko kay mama. Alam nyo kahit hindi na ako mag PO at OPO sa kanya, mahal pa rin ako nyan.


"Napag alaman kong divorced na kayo ni papa, bakit ma?" tanong ko ulit. Umupo sya sa swivel chair at tumingin sa bintana ng office nya,


"Ayaw nya na eh, anong magagawa ko?" sabi nya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanya, alam kong naiyak si mama, alam kong weak sya emotionally.


Niyakap ko si mama ng patalikod, sabi na eh naiyak sya eh.


"Ma, kahit anong mangyari nandito lang ako, Mahal kita ma kahit hindi mo pansin yon." sabi ko. Nagsimula na rin pumatak yung luha ko ng hindi ko namamalayan.


"Salamat, anak."



----

"Aldrich! Nyeta naman oh! Bilisan mo nga lakad mo! Ang bagal bagal mo!" sigaw ko kay aldrich habang naglalakad, napaka bagal kasi ng lalaking to.


"Eto na, ang bilis mo naman kasing maglakad hindi ako makahabol." sabi nya. I just rolled my eyes, itineleport kami ni Mama sa Serain City at may natatanaw na akong isang kubo, nakakatamad kasi talaga byumahe. 

Pumunta kami mo aldrich sa kubo at nandun nga silang lahat. Nanonood ng coming soon?


"WAAAAA ALISSSSSSS!!!!" nakakarinding sigaw ni sam.


"Putangina naman sam, ang sakit sa tenga." sabi ko, bigla naman silang tumingin sa akin. Hindi na nila pinansin yung pinapanood nila, ang ganda ko talaga agaw atensyon hehi. 

"ERICKAAAA!" sigaw ni sam at niyakap ako,sa pagkakabigla ko napaupo ako sa sahig.

"Puta!! Ang bigat mong balyena ka!" sigaw ko sa kanya. Umalis naman sya sa pagkakadag an nya at tinulungan akong bumangon ni aldrich.

"Sino yan? Boyfriend mo?" nagtatakang tanong ni angel. Pfft. Patawa sya, eto boyfriend ko? Parang sinabi nya na rin na pakasal na ako sa aso. HAHAHA de joke lang!

"Nawp," simpleng sagot ko.

"Sino sya?" tanong naman ni sam

"Hello, Aldrich Ashwood here! Nice meeting you all." pakilala ni aldrich.

"Yo! Samantha here," pakilala ni sam.

"Angella."

"Ian."

The Long Lost Elemental Princess [Completed]Where stories live. Discover now