"Baka kasi magalit ka kapag bigla na lang kitang hinila tsaka hinalikan."

I laughed and then pinched his nose. Parang bata talaga 'to. I leaned in and kissed his cheeks tapos tinapik ko iyong pisngi niya.

"Next time, just kiss me."

Lumabas na kaming dalawa at naghihintay na pala iyong team sa aming dalawa. Sanay naman na sila na palagi kaming magkasama ni Shiloah. Though no one even asked me once kung ano ang meron sa amin ni Shiloah. Pakiramdam ko ay nasabi na ni Marga na 'wag kaming guluhin. Anyway, kung anuman ang meron, nagpapasalamat na lang ako. Masyado na akong maraming iniisip. Ayokong idagdag pa iyong pagpapaliwanag sa mga tao kung ano kami.

Nagpaalam na kami kina Marga nung nasa tapat na kami ng tower. No one asked kung bakit sabay kami na bumaba ni Shiloah. Naglakad na kami papasok at medyo nauna ako dahil may kausap si Shiloah sa phone. Hindi ko tinanong kung sino dahil ayoko namang tanggalan siya ng privacy. I respect his space because I also want him to respect mine. Respect begets respect.

Nung nasa loob na kami, may napansin ako na isang grupo ng babae na nakaupo sa lobby. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar sila. Biglang nanlaki ang mata ko nung matandaan ko kung saan ko sila nakita.

"Bakit?" gulat na sabi niya sa akin nung hilahin ko siya palabas. I panicked because I realized that people were really curious about Shiloah's girl! Hindi ko kinakahiya si Shiloah but I freaked out when I saw his fans waiting for us—dito sa tower kung saan ako nakatira! Gods! Bakit alam nila?! It's too personal!

"Uhh... pwede mo ba akong bilhan ng gatas?" I said.

Mukhang naguluhan siya sa akin pero pumayag siya. Sinabi ko na lang sa kanya na mauuna na ako sa taas tapos sumunod na lang siya mamaya. Pinabili ko siya sa isang malapit na convenience store. Mabuti na lang at palagi ng nagdadala ng cap si Shiloah dahil na rin sa akin.

Mabilis akong pumasok sa tower at pumunta sa elevator. Mabuti na lang at busy sa cellphones nila iyong mga babae kaya hindi nila napansin na dumaan na ako. Para talagang sasabog ang dibdib ko kapag iniisip ko na sinusundan nila kami. Nakapasok ako sa unit ng walang sumusunod sa akin. Mabilis na naupo ako sa couch at saka ipinikit ang mata ko. I was fighting the urge to sleep pero hinihintay ko si Shiloah kaya naman pinilit ko na manatiling gising.

I forced myself to stand up and get myself a glass of water. Kailangan kong kumain kahit papaano para mainom ko iyong vitamins ko kaya naman kumain ako ng kapirasong tinapay. After a few minutes ay dumating na si Shiloah. Nagulat ako dahil ang dami niyang dalang gatas.

"Bakit ang dami mong dala?" I asked him while helping him dahil may dalawang paper bag siyang dala.

"Hindi ka kasi sumasagot sa tawag," sabi niya. Napatingin naman ako sa phone ko na nakataob sa lamesa. "Hindi ko alam kung ano'ng klaseng gatas, e."

Napailing na lang ako nung tinignan ko iyong laman nung paper bag. Mayroong non-fat, low-fat, full milk, at fresh milk.

"Sana isa na lang ang binili mo," I told him.

"Baka kasi hindi mo gusto, e."

"Sayang pera. Ang dami mong binili."

"Mas mahalaga ka naman sa pera."

"Kahit na."

He sighed. "Sorry," he said. "Sa susunod, tatanungin ko kung ano para hindi na masayang iyong pera. 'Wag ka ng magalit sa 'kin."

"Hindi naman ako galit," I told him at saka inilagay sa ref iyong mga binili niyang gatas. Buti na lang at malayo pa ang expiration date dahil hindi ko alam kung gaano ko katagal uubusin iyong mga binili niya. "May nakasalubong ka ba papunta dito?"

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon