NOO! Hindi. Hindi, no! no! 

Umiling iling ako, mukha na talaga akong tanga. Sana hindi naman no? 

"Waaaaaah!" biglang may Yumakap saakin patalikod, eto na ba yun? Inilagay niya ang kamay sa bibig ko, di ako makagalaw. Wala pang tao na nadaan, ngayon pa?! Dinala niya ako sa madilim na pwesto ng buildings.

Eto na ba yung yayakapin ka patalikod, dadalhin sa may madilim na gilid at tutukan ng baril or whatever na kutsilyo, basta nakakamatay at matulis? sa leeg o ulo? Pipilitin na kuhanin ang pera mo o kung anong maibebenta? Tek---Di pa pala ako marunong mag japanese! Nakakainis, paano ko sasabihin na h'wag niya akong patayin? English? Kaya ba? Try nga. 

Lumunok ako at tumahimik saglit, pero umimik agad ako.

"Please, d-don't kill me" naiiyak na sabi ko, kasi naman.. ang tanga ko talaga! Lalabas ng mag-isa. Tapos sa hindi pang pamilyar na lugar!

"Ppffftttt" naguguluhan ako bakit natawa tong panget na nagdala saakin! Di ako makalingon dahil nakayakap siya saakin ng mahigpit, ng maalala ko na.. may ngipin pala ako!

"Arghhh!"

"OUCH! Aril!" napatingin ako sa lalaking balot na balot ng scarf! Kinagat ko siya sa kamay kaya nakawala agad ako, balak ko sanag tumakbo pero nakita ko ang mata niya.. Mata niyang di nakatakpan. 

"L-La--"

"Oo na, ako na si Lance." sabi niya habang nakangiwi. Tumalikod ako dahil naalala ko kagabing, siya ang kasama ko! Kasama nung nalock!

"ppfffttt--Alyana pala?" humarap ako sakanya at pinagpapalo siya. Nararamdaman kong uminit ang aking pisngi! 

Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiting nagsalita "Tama na Arilliana, hahaha!"

Ewan ko pero gumagaan ang loob ko sakanya, ngayon ngayon ko na lang naririnig ang full name ko. 

Napanganga ako ng bigla niyang isara ang bibig ko, "May langaw, hahaha!" pinalo ko ulit siya, nakakainis na eh!

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad, babalik na lang ako sa Hotel at mag aayos na ng gamit!

"Ano ba?" tanong ko nung hawakan niya ako sa kamay.

"Tara!" napakunot ang noo ko sa sinabi niya, ano daw? Tara? Huh?

"Andito na tayo" nagulat ako nung sumigaw siya. HALA! Bakit may.. may... Carnival rito? Paano kami napapunta rito? Ba't ang bilis, masyadong busy ang utak ko kanina kaya eto ako ngayon!

"Anong gagawin natin dito?" nanginginig na sabi ko. Naalala ko lang si Mama, dapat pupunta kami ng Carnival kaso.. 

Bumuntong hininga ako at tinignan siya, "Ano bang ginagawa sa Carnival?"

"D-di k---" di agad ako nakasagot kasi, ano nga ba? Nakapunta naman ako sa Star City, wahaha! Pero.. hindi pa sa Carnival?

"C'mon, parang star city lang 'to.." nakangiting sabi niya, "Oka----Waaah!" hinila nanaman niya ako.

Naalala ko, nasusuka ako sa mga matatas na heights. 

Sinakyan namin lahat ng pwedeng sakyan, hindi na ako masyadong nahihilo. Ang alam ko nagsasaya ako.. Biglang lumamig, pagabi na kasi.. 

"Ohhh" inilagay ni Lance yung scarf niya saakin, tumingin na lang ako sa rides. Nahihiya kasi ako na ewan, hindi kami masyadong nagusap puro tawanan lang ang maririnig ng mga tao saamin.

"Bumalik si Kevin ah?" nagulat ako sa tanong niya, "Ahh oo.. Bumalik nga siya" nakangiting sabi ko.

"Edi kayo na?"

I'm Just His MaidΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα