Chapter 2: Kevin

45.6K 608 19
                                    

Chapter 2: Kevin.

Kukunin ka niya, saakin

Kukunin ka niya, saakin

Kukunin ka niya, saakin

 Paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi niya, parang nag-eecho sa isipan ko, Pagulong-gulong ako sa higaan ko. Andito na ako sa Bahay, Tumingin ako sa relo ko.

5:30 P.M. na pala.

 Kapag ganitong oras dapat gumawa na ako ng pang-miryenda ni Sir Lance. Tawag ko dapat sa kanya Sir Lance lalo na pag nasa bahay. Kaya naman bumangon na ako at nag-suot na ng pang-maid. Gusto niya kasi akong mag-suot ng ganun lalo na pag ganitong oras. Or should I say... Pinagtritripan niya ako. Arghhhhh! Inutos niya saakin this weekend lang naman. 

 Agad kong inayos ang buhok kong hindi ko pa nasusuklayan and I stood up papuntang pintuan ng kwarto ko.Pagkabukas ko..

"S-Sir Lance??" sabi ko, at halatang pati siya'y nagulat rin. Nakataas ang kamay niya at parang kakatok rin sa pintuan ko.. "Ano pong kailangan niyo?" tanong ko ng naka-bow

"Ikaw" sabi niya. Napatingin ako sa kanya, Baliw ba siya? Seryoso?!  "A-ako" nakaturo pa ung daliri ko sa aking sarili. Agad agad naman siyang tumango-tango.

 "Bakit niyo po ako kailangan?" nakangiwing tanong ko. Ewan ko, feeling ko trip nanaman ako nito. Sa totoo lang, pag iniinis niya ako. Unti unti ko siyang sinasaksak! Sinasakal!

...sa isipan ko, kaya minsan nangingiti akong parang tanga.Problema ba kasi ni Mr. Utos na 'to?

"Pa-pag-luto mo ako ng merienda" nauutal na sabi niya, ahh.. yun lang pala.  

"Eto na nga PO kaya PO ako bababa kasi gagawan ko PO kayo ng Merienda, okay na?! " sabi ko. Ang weird niya kasi.. "A-ah ganun ba?" sabi niya ng nakangiti..

 It starting to creep me out. At hindi ko ipagkakailang gwapo si Lance kaya di na ako magtataka kung bakit maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya. 

Pero di ako naapektuhan ng Charms niya dahil si Kevin lang ang gusto ko. Ano ba yan! Kinikilig nanaman ako. Hindi lang naman kasi gwapo si Kevin kaya nagkagusto ako sakanya..

Siya yung tipong hindi katulad ng iba, yung.. may respeto sa babae. Unlike this man infront of me. Grrr, nangngigil ako.

Napatingin ako sa bulsa ko, bigla kasing nag-ring. Kaya naman napatingin si Lance sa bulsa ko dahil umiilaw ito, at syempre na rin sa tunog ng ringtone ko. "May text ka" sabi niya at naglakad papuntang room niya. Gusto ko sanang sabihin na "Alam ko, tanga ba you?" kaso kailangan ko rumespeto sa nag papaaral saakin, I mean.. kailangan eh, ano lang ba ako rito? Kaya naman kinuha ko sa bulsa ko

 "sabi na siya yun eh!" bulong ko at binasa ung message.. 

Si Kevin.. 

-

 From: Superman ♥

Hello Aril, nakauwi ka na ba?? Next time sasama ka na sa'akin huh?? anong meron kay Lance?? ikaw lang sinesendan ko ng PM huh..

-

Napangiti naman ako.. habang binabasa ko ang message niya, nakangiti ako. Lagi akong ganito, ngiting ngiti talaga lalo na pag kausap ko na siya sa personal.

 "Hoy! Anong nginingiti mo!?" sigaw ni Lance saakin, teka nga! Wala pa siya sa kwarto niya, akala ko nasa kwarto na siya? 

kinakabahan ako nung lumapit siya saakin at inulit ang tanong niya "Anong nginingiti mo dyan?" 

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon