IAR [49]

70K 1.8K 347
                                    

Copyright © chiXnita

NANDITO NA kami ngayon sa Trese, sa Tuazon Island, particularly. Slightly rhombus ang hugis ng isla. Parang tabinging diamond na may mga branches. Mas malaki ang isla ng mga Tuazon sa Roa.

Wala pang dalawang araw ang preparation namin sa bakasyon na ‘to. Biglaan lang. Pero dahil si Kuya Clyde ang nagplano… natuloy.

Kumpleto ang Sexy Chicks. Si Green lang ang kulang sa Hot Dogs.

Nandito rin si Shantal at si Jensen, kuya ni Jerson. Hindi naman makakapunta sina Clarence (Kuya ni Keziah) at Kier (Kuya ni Vlaire) dahil nasa ibang bansa. Pero kung nandito ang mga iyon siguradong sasama sila.

Kararating lang namin, three hours ago. Mag-aalas dose na’t mainit ang araw. Pero maraming puno at mahangin. Malilim. Maingay din ang mga ibon. Maaliwalas at nakakawala ng pagod.

Nandito kami sa pinakagilid ng Tuazon Island. May maliit na parang isla sa bahaging ito. Mukha siyang isang higanteng bato. Ayaw kasi ni Kuya Clyde na sa mansion kami magstay. Wala raw thrill. Siya kasi ang nasusunod. Gastos niya lahat. Bigatin, eh.

At napapasunod niya lahat.

Kaya lahat kami ay may ginagawa sa mga oras na ‘to. Anong oras na pero ‘di pa kami nanananghalian.

Mga 6:00 AM kami umalis ng Manila. Private jet nina Gel ang ginamit namin. At may nalalaman pang seating arrangement si Kuya Clyde habang sa biyahe kami. Bantay-sarado niya rin si Gel. Hindi ko nga rin nakatabi si Grant dahil si Irish at Denice ang katabi ko.

Bawal tumabi ang lalaki sa babae. Grabe si Kuya Clyde. Dinaig niya pa si mommy.

Kaming mga babae ang nag-pe-prepare ng lunch at kung ano pa. Ang ilan ay nag-aayos ng mga gamit.

Ang Hot Dogs ay gumagawa ng kubong-bahay. Yes. Bahay-kubo.

May mga cottages naman para sa’min, bali limang cottages lahat. Kaso may iba yatang plano si Kuya Clyde. Si Jensen ay nakaupo lang sa isang tabi, pinagtatawanan ang mga HD. Habang si Kuya Clyde ang nagmamando.

“Bloody hell, Zyle! You weren’t supposed to cut that lumber on three pieces. Find a new one.”

“What’s with that gay expression, Cyclone? Did you just smash your fingers with the hammer? You’re an idiot!”

“Brix, did I tell you to slack off? You were just digging for fifteen minutes. Go back to work.”

“Why are you taking off your shirt, Dew? You aren’t here to model a boxer short for a photoshoot commercial. Get dress!”

Pati si Serg na maghuhubad na rin sana ng damit ay hindi na itinuloy. Tagaktak na kasi ang kanilang mga pawis.

Ngayon ko lang sila nakitang humawak ng pako, martilyo, lagari, pala at kung ano pa.

Nagbubungkal sila ng lupa. Naghahanap ng mga kahoy na p’wedeng gamitin sa kubo. Gumagawa rin sila ng bubong na yari sa dahon ng niyog. Mabuti na lang may mga mababang niyog dahil tiyak walang makakaakyat ni isa sa kanila. Ewan ko ba kung tama ang ginagawa nila. Wala akong ideya kung saan nakuha ni Kuya Clyde ang mga gamit na ‘yan.

Kinagat ko ang labi, pinipigilan ang matawa. Ang mga Sexy Chicks nga’y kanina pa nagbubungis-ngisan sa gilid. Hindi lang namin ineexpect na makikita silang magtrabaho na katulad ng isang karpentero. Wala pang sahod!

Lalong lumakas ang tawa ni Jensen. Siya ‘yong taong kabaliktaran ni Kuya Clyde. Kung si Kuya Clyde ay masalita, siya ay tahimik lang. Pero ang babaw ng kaligayahan. At mukhang pinagtitripan talaga nilang dalawa ang Hot Dogs.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon