1-Grade 5, The New Girl

3.1K 103 11
                                    

Nerdy na weird.

Iyan ang first impression ko sa new girl sa klase na abot-balikat ang buhok at naka thick-rimmed eyeglasses. Nakatayo siya ngayon sa harapan namin at kasalukuyang ini-introduce ang kanyng sarili.

"Hi... My name is Leianne Avila. I'm from Calamba, Laguna. I hope we... I hope we can be friends here."

Mahina siya magsalita, as if nakikipagusap lang siya sa sarili niya. Pero hindi ko maikakaila na mahusay siyang mag-Ingles. Paano ba naman, sa harap ako ng klase nakaupo, at ako lang yata ang nakakarinig sa kanya.

Halata sa kanya na ayaw niyang nagsasalita sa harapan ng klase. Napayuko siya habang tense na magkahawak ang mga kamay niya. Lalo tuloy natakpan ng buhok ang mukha niya.

"Thank you for introducing yourself, Leianne. You may now take your seat," tugon ng class adviser.

"Thank you Ma'am," mahina niyang sagot.

Naglakad siya sa pagitan ng mga rows ng upuan habang titig na titig ang mga kaklase ko sa kanya hanggang sa makaupo siya sa pinakalikod ng klase.

"Mukha siyang mahiyain na nerd," bulong ng katabi kong si Jabe. Best friend ko rin pala siya.

"Oo nga eh," agree ko.

"Ma'am, di ba Avila si Leianne, bakit di po siya sa harap nakaupo? Hindi na alphabetical order ang seating arrangement," pagmamagaling ng atribidang class president na si Leslie.

"Late enrollee na kasi si Leianne. At siya naman namili ng pwesto niya sa likuran," sagot ni Ma'am sa kanya.

Natahimik si Leslie at nagpatuloy ang daloy ng klase. Di na ako nakinig sa class discussion, kasi tungkol lang naman ito sa school rules and regulations na nadiscuss na rin last year. Boring.

Napalingon ako at tinignan si Leianne. Nakayuko siya habang nagsusulat sa notebook niya, at mukhang tense pa rin siya gaya kanina. Para bang kung may choice siya, mas gugustuhin niyang lamunin na lang siya ng lupa kaysa maupo sa klase namin.

"Pre, may naisip ako," siniko ako ni Jabe.

"Hoy! Sakit nun!" Ngitngit ko sa kanya habang hawak ang siniko kong tagliran. "Ano na naman ba iyon?"

"May bago tayong target." Napangiti si Jabe sabay lingon sa likuran kung saan nandoon si Leianne Avila. Agad kong na-gets ang ibig niyang sabihin.

"Genius ka ah!" Nakipag-high five ako sa kanya. "Bigyan natin siya ng magandang initiation rite!"

Maghanda ka, Leianne Avila. This will be a fun school year you will never forget.

My Geeky GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon