Wizard's Tale 2: Chapter 21

121K 2.9K 430
                                    


(Brylle POV)


Si Night Hollowick, nagmula siya sa pinakamasama at kinatatakutang angkan sa buong Otherworld. Sinaktan niya si Yana at balak pa niya ngayong itakas ang amulet. Tingin ba niya, basta-basta na lang siyang makakatakas?

"Incendia Regnen!" Pinaulanan ko siya ng mga naglalakihan at nagliliyab na bato ngunit nagpalabas siya ng black force field upang hindi siya tamaan. "Ibalik mo ang Lux Amulet!"

"Talaga bang ito ang uunahin mo kaysa sa kundisyon ng Prinsesa niyo?"

Napatingin ako sa direksyon ni Yana at wala pa rin siyang malay. "Kapag nakuha ko pabalik ang Lux Amulet, maililigtas ko si Yana. Kaya hindi ko hahayaang makatakas ka dala ang kwintas!" Saka ko siya muling tinira, "Igneus Pfeile!"

Tuluyan nang naging seryoso ang mukha ng kalaban at naghahanda na para gumanti. But before he can manage to cast a dark spell, someone from behind attacked him.

Dumating na si Vander kasama sina Master Lorcan, Prince Rouel, Myera, Sylfer at mga kasama naming kawal ng Auserwalt. "Batang Zaffiro, nasaan na ang Prinsesa?"

"Mamamatay na siya," sagot ni Night. "At susunod na kayong lahat dun."

And it wasn't just a plain threat.

Naglabasan ang itim na usok sa paligid at agad kaming napalibutan ng mga tauhan ni Night Hollowick. Hindi pa natapos doon, nagdatingan din ang mas marami pang dark creatures at sabay-sabay na umatake sa grupo nina Master Lorcan.

Nagsimula na ang magulong labanan at ito ang ginamit na pagkakataon ni Night para tumakas.

"Bumalik ka rito!" Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Prince Rouel.

"Wag mo na siyang sundan!"

"Tinira niya ng Dark Spell si Yana at ninakaw pa ang Lux Amulet. Nasa panganib ngayon ang buhay ng Prinsesa!"

Nang marinig nila ang mga sinabi ko, susundan na sana ni Master Lorcan si Night pero pinagtulungan siya ng mga Dark Sorcerers. Sina Sylfer at ang ilang kawal naman, abala na sa pakikipaglaban sa mga halimaw.

Sina Vander at Myera pa lamang ang nakalapit kay Yana. Nagpalabas sila ng pader bilang proteksyon ngunit sadyang mapangahas ang mga halimaw at pilit na pinababagsak ang harang.

Nagtulungan naman kami ni Prince Rouel na labanan ang mga halimaw sa harapan namin. "Wizard, ikaw na ang bahala sa Prinsesa. Ako na ang susunod sa Hollowick na 'yun at babawiin ko ang kwintas!"

"At bakit kailangang ikaw ang gumawa nun?"

"Dahil isa akong Luxurian! And believe me, I have more chances of getting it back than you."

Nang matalo namin ang huling halimaw na paharang-harang, nagmadali nang umalis si Prince Rouel para sundan si Night. He's maybe right and we have no time to argue.

Habang nagkakagulo, "Ilayo mo na ang Prinsesa rito! Nagkakagulo na sa bayan at hindi natin maasahan ang tulong nina Chief Clive at ibang Terrashaw," utos sa akin ni Master Lorcan.

And Sylfer added, "Kami nang bahala rito, Zaffiro. Siguraduhin mong ligtas ang Prinsesa." Ibinubuhos nila ang kanilang makakaya sa pakikipaglaban.

Hindi na rin naman na ako nagpaliguy-ligoy pa at lumapit na kanila Yana. Nang makita ko ang kalagayan niya, nanginginig ang kanyang buong katawan. Nangingitim ang balat, daliri at labi at nang silipin ko ang mga mata niya, kulay itim na ito.

"Malubha siya, Brylle," sabi ni Myera na mukhang nasuri na ang kalagayan ni Yana. "I'm pretty sure it's a certain type of Death Curse. Hindi na siya magtatagal kung wala ang Lux Amulet."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon