Chapter 1: First Encounter.

Magsimula sa umpisa
                                    

"At gusto mo pang palabasin na ako ang may kasalanan?"

"Oo" sabay kindat

Aba loko to ah! Ano akala nya nakikipagbiruan ako?

"Alam mo hindi porket gwapo ka ay hindi na kita papatulan, hindi mo ako madadaan dyan sa mga papogi mo" sabay tadyak sa ano nya, alam nyo na

"Aaaaaaaah! Shit ang sakit nun ah!" Sabi nya habang hawak ng ang ano nya at medyo tumatalon, huh sadyang masakit yan sinubukan mo ako eh, away ang gusto mo? Ibibigay ko!

"Alam mo madali lang naman akong kausap, kung humingi kalang agad ng ng sorry baka di ko nagawa sayo yan" sabay bigay ko ng dont-dare-me look!

"Miss hindi sorry ang kelangan mo, kundi psychiatris! Tignan mo nga, nasaktan kaba? Ha? May nangyare ba sayo? Nasugutan kaba? Nabangga ba kita? hindi diba?!"

"Oo hindi nga ako nabangga at hindi nga ako nasaktan pero...." Hindi ko na natapos sasabihin ko nagsalita na sya

"Eh yun naman pala anu pang iniinarte mo dyan?" Sabi nya at natulala lang ako sa sinabi nya at hindi na nakagalaw, teka bakit bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?

Natauhan nalang ako ng umalis na sya, "MAY ARAW KA RIN SAKIN" mga lalaki talaga ngayun haaaaaaaay!





Nakapasok na ako sa gate, isa pa tong problema, hindi ko alam san ako pupunta!

"Excuse me po! Pwede pong magtanung bago lang po kasi ako dito eh san po dito to?" At pinakita ko yung papel na hawak ko

"Sa 2nd floor to, ikaw ba yung si Ms. Malabanan?"

"Opo ako nga po"

"Ah sige nabilin ka sakin Mr. Castro teka dito kalang muna tatawagin ko sya"

"Ah sige po salamat po!" At umalis muna sya, napatingin ako sa mga studyante na nasa loob ng room, wala yung prof nila kaya alam nyo na, pag wala ang prof oras na para sa daldalan,

Biglang may bumanga sakin, nakaharang pala ako sa pinto, "sorry" sabi ko dun sa lalaking pumasok, pero di man lang din humarap para magsorry, di ba nya narealize na may nabangga syang tao?

Tinitigan ko lang sya, hanggang sa nakarating na sya sa upuan nya at nakita ko na mukha nya!

Pagsinuswerte ka nga naman! Kakasabi ko lang kanina na may araw ka din sakin, at di ko alam ngayun din ang araw na yun!

At dahil nga mainit ang ulo ko hindi ko napigilan ang sarili ko at nilapitan ko na yung lalaking yun!

"Akalain mo makikita ulit kita dito" bigla syang tumingin sakin ng anong-problema- mo look

"Wag mo ako tignan ng masama dyan baka nakakalimutan mong hindi kaba humingi ng despensa sa muntik mo na akong sagasaan at dahil din sayo kung bakit din ako late ngayun"

"Tapos kana? Makakaalis kana" sabi nya sabay lagay ng earphones sa tenga, aba bastos tong lalaking to ah!

Tinanggal ko sa tenga nya ang earphones "gaano ba kahirap sayo humingi ng sorry?"

Tumayo sya at nanlilisik na ang mata "seryoso kaba? Pagkatapos ng ginawa mo sa alaga ko inaasahan mong hihingi ako ng sorry sayo?" Bigla syang naglakad palabas

Bago pa sya nakalabas ng room biglang pumasok si Ms. Santos,

"Oh Mr. Erguiza san ka pupunta?"

"Punta lang po ako ng banyo, napuruhan po kasi ng sobra!" Sabay tingin sakin ng pagalit

"Napuruhan ang alin?" Pagtatakang tanung ni Ms. Santos, bastos talaga ang lalaking yun!



P

agkatating namin wala lang normal lang na nagpakilala ako tapos pinaupo na ako at nagsimula na ang klase!

After 3 hours break time na! Tumayo ako at naglakad palabas sana ng room dahil wala naman akong gagawin dito eh sayang 30 minutes lilibutin ko nalang sana ang university para alam ko na sa susunod kung saan ako pupunta at para di na din ako maligaw

Naglalakad na ako ng biglang may tumalisod sakin, buti nalang di ako tuluyan nadapa at na-balance ko agad ang sarili ko

Sa sobrang inis ko humarap ako sa nasa likod ko at tinignan ng sino-kayo-para-tisudin-ako look

"Ano angal ka?" Sabi sakin nitong babae na parang espasol ang mukha sa kapal ng makeup

"Alam mo babaeng espasol wala akong panahon para makipagtalo sayo" tumalikod na ako at naglakad ulit kaso biglang hinigit ang buhok ko

Sa sobrang sakit hinampas ko ang kamat na nakahawak sa buhok ko,

"Aba papatol ka tala..." Balak ako sampalin nung isa pang babae pero nakuha ko ang kamay nya at pinilipit ang kamay nya, tatlo kasi silang nambubwisit ng araw ko

"Alam nyo hindi kasi talaga ako pumapatol sa mga BITCH na katulad nyo! Pero wag na wag nyong hintayin na maubos ang pasensya ko sa kanya dahil makakatikim kayo ng masama sakin" sabay bitaw sa babae at alis


Wag nila akong susubukan dahil nagaral ako ng jujitsu nung nasa Batangas pa ako!

Grabeng 1sy day ha! Wala pa akong nakakasalubong na matino dito? Lahat nalang ba ng tao bubwisitin ang araw ko? Kanina yung lalaki na muntik na akong sagasaan tapos ngayun naman nakita ko tong tatlong bibe nato!

Araw ko na talaga to na puro malas nalang lahat! Waaaaaaaaaaaaaaaaah

............

PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!

SALAMAT ^_^

Be my Girlfriend for 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon