He sighed before releasing my hand. Alam ko na hindi okay sa kanya pero dahil siguro ayaw niyang mag-away kami, pinalagpas na lang niya. Typical Shiloah. Masyadong mabait.

Dapat ay sa labas ng building kami kakain pero maraming nakaabang na mga fans sa labas. Doon kami napunta sa resto sa loob ng building na walang masyadong kumakain. Doon kami sa gilid pumwesto.

"May gusto ka bang kainin?"

I shook my head and just looked at him.

"May dumi ba iyong mukha ko?"

I shook my head.

"Na-miss lang kita."

He smiled and then held my hand.

"I love you din," sagot niya.

"Hindi naman ako nag-I love you."

"Hindi naman ako nagsasabi ng mahal kita para marinig na mahal mo rin ako. Sinasabi ko iyong I love you kasi iyon 'yung nararamdaman ko. Mahal talaga kita, e."

I tried to fight the small from creeping on my face but I failed miserably. Napangiti ako sa sinabi niya. Bakit ba sobrang sweet niya? Hindi naman niya sinasadya na maging sweet pero palagi na lang niyang napapalakas iyong tibok ng puso ko. He's just so honest but he's honesty is enough to sweep me off my feet.

Umorder na siya ng pagkain. As usual, iyong maraming gulay ang binili niya. Hindi na ako nagreklamo dahil lately, iyon din naman talaga ang gusto kong kainin.

"May gagawin ka ba sa Saturday?" I asked him dahil gusto kong bumalik doon sa pinuntahan namin ni Tobi.

Napahinto siya saglit pero sinabi niya na may shoot daw siya para maging cover ng isang magazine. I congratulated him. Grabe. Ngayon pa lang, pakiramdam ko ang hirap na niyang abutin kahit nasa harap ko lang naman siya.

"Bakit?" he asked.

"May gusto kasi akong puntahan. Magpapasama na lang ako sa iba."

"Sino?" mabilis na tanong niya.

"Hindi ko pa alam, e," I told him. Balak ko sanang tawagan si Mari pero hindi naman kami magkita-kita. Kapag busy ako, at saka siya walang ginagawa. Kapag wala naman siyang ginagawa at saka ako busy. Ganito yata talaga kapag working na. Paano pa kaya kapag totoong nagtatrabaho na kami? Mawawalan na ba talaga ng oras para sa kaibigan? Ang lungkot naman nun.

"Si Mari?"

"Kapag hindi siya busy."

"Paano kapag busy? Sino ang kasama mo?"

Napakunot na ang noo ko. Bakit ba gustung-gusto niyang malaman kung sino ang kasama ko?

"Hindi ko alam," I told him. "Baka si Quin? Bahala na."

"Ako na lang," he replied instantly. "Sasabihin ko kay Marga may sakit ako."

Natawa ako sa kanya. "Para kang bata. Friends lang kami ni Quin. At saka 'wag ka ngang magsinungaling para sa akin."

Napa-buntong hininga siya. Mas hinigpitan ko iyong hawak ko sa kamay niya.

"Next Saturday na lang, isasama kita," I told him para mabawasan iyong kunot sa noo niya.

"Busy lahat ng Saturday ko," malungkot na sabi niya. "Pero pwede ako sa linggo. Hindi pwede na sa linggo na lang?"

I shook my head dahil Sabado lang naman bukas iyon. Kaya nga Salcedo Saturday Market, e. Bakit kaya hindi ko agad na-gets? Kaya siguro ako inirapan ni Tobi dahil ang slow ko talaga.

"Ipagluluto na lang kita sa Monday," I said. "Tsaka please lang, 'wag kang magselos kay Quin. Kapatid lang ang tingin ko ron," I sincerely told him. Parang kapatid ko lang talaga si Quin dahil sobrang magkasundo kaming dalawa. Plus siya iyong koneksyon ko kay Parker kaya magaan ang loob ko sa kanya. Parang kahit wala na si Parker, nandyan si Quin para kahit papaano maramdaman ko na nandun pa rin siya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now