Tinignan ko iyong pizza sa plato ko. Dati naman ay mahilig ako sa pizza pero ngayon, parang hindi ko masyadong gustong kainin. Mas narerealize ko na buntis talaga ako dahil marami na akong biglang ayaw kainin. Kaya rin pala palagi akong inaantok. Kaya rin pala medyo tumataba ako.

Pinag-iisipan ko kung ano ang gagawin ko sa pizza ko nung biglang bumukas iyong pintuan. Biglang nagpalakpakan iyong mga tao kaya napatingin din ako.

Gods, I missed him!

Nilapitan siya nung mga tao at saka kinongratulate. I was so happy for him. Finally, he's getting all the credits he so much deserves. Finally, people are starting to appreciate the amazing person that he is.

Masaya niyang pinasasalamatan iyong mga tao pero nung nabaling iyong tingin niya sa gawi ko ay napatigil siya. Napaawang iyong labi niya na para bang nakakita siya ng multo. I forced a smile.

He excused himself from the crowd and made his way to me. Nakatingin lang siya sa akin. Parang ayaw niyang alisin ang mata niya dahil natatakot siya na bigla na lang akong mawala.

"Imo..."

"Congrats," I told him.

Pero imbes na sumagot siya ng thank you kagaya ng dapat niyang gawin, bigla niya akong niyakap. Mabuti na lang at abala sa pagkain iyong ibang mga tao kaya walang nakakita sa amin.

"May mga tao," I told him while he was still hugging me.

"I don't care," he replied. "Na-miss kita..." bulong niya sa akin. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. I looked around and decided not to care. Niyakap ko rin siya because he deserved it. He deserved it after all he's been through because of me.

Matapos ang ilang segundo, pinakawalan niya na rin ako pero nakahawak siya sa kamay ko.

"Ayos ka na ba?" he asked me and he looked really worried. Kanina ko pa iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya iyong tungkol sa kalagayan ko... Tama naman si Tobi, e. Shiloah deserved to know. He's the father and alam ko na magiging responsable siyang ama... Heck, I know he'd make a great father. There's too much love in his heart.

I nodded. Napatingin siya sa pizza na nakapatong sa inuupuan ko. Napasimangot siya.

"Gusto mong kumain?" he asked me and I nodded. Gusto ko rin na lumabas sa conference room dahil masyadong maraming mga tao. Tumayo kaming dalawa at saka lumapit kay Marga. He was still holding my hand. Gusto kong kuhanin iyong kamay ko pero ayaw niya namang pakawalan. "Marga, aalis lang kami."

Tumaas ang kilay ni Marga.

"Kapag talaga nandito si Imo, daig mo pa ang ninja dahil kung saan-saan ka nagpupunta!" pagalit ni Marga. "Pero sige. Balik kayo in 30 minutes, okay? Quickie lang. May interview pa si Shi mamaya. Hala sige, humayo!"

Napailing na lang ako sa kanya at saka lumabas kami. Kinuha ni Shiloah iyong gamit ko.

"Ako na. Hindi naman mabigat 'yan," I told him. Hindi naman kasi niya usually hinahawakan iyong gamit ko. Ayoko rin naman na siya ang magbitbit dahil hindi naman mabigat.

"Ang putla mo," he replied instead. "Gusto mong pumunta sa ospital?"

Agad akong umiling. Ayoko pang bumalik sa ospital. Heck, ni hindi ko pa nga nabibili iyong mga vitamins na sinasabi sa akin nung doctor, e! Bigla akong kinabahan dahil baka mapasama iyong baby ko. I made a mental note to swing by the pharmacy later. But for now, gusto ko munang makasama si Shiloah. Three days was a long time.

"Okay lang ako. Kulang lang siguro sa araw," I lied. Mabuti na lang at mukhang naniwala si Shiloah. "Iyong kamay ko," I told him nung hindi niya pa rin binibitawan. Maraming tao sa building na 'to at lalo na ngayon na mas sikat na si Shiloah, alam ko na mas maraming mata na nakamasid. Hindi naman masama na mag-ingat.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon