Chapter 23

5.3K 186 13
                                    


(Gwen)


"Panini, dalian mo dyan malalate na kami!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Sandali lang po" sigaw ko din.

Nag papahintay kasi ako kay mama. Sasabay ako papunta sa skul ko kahit iikot pa yung traysikel mula sa pinag tatrabahuhan ni Mama at papunta sa Campus. 7:00 ang time ng klase ko at 6:30 na.

"Mag traysikel ka na lang. Mauna na kami ni Liam." Sabi ni Mama.

"Sandali naman Mama eh" sabi ko bago lumabas ng kwarto. Pero wala na. Umalis na.

Tss.

Sasabay lang ako eh. Napakadamot. -.-

Kinuha ko yung sampung piso na nakapatong sa mesa. Sampung piso yung pamasahe e.

Nag ayos na ako ng madali at nakarinig naman ako ng potpot ng kotse sa labas. Ui, si Zac yun. 7 din time ng klase nya. Haha, sa kanya nalang ako sasabay. Para dagdag sa baon ko yung sampung piso.

Agad kong kinuha ang blouse ko at bag. Hindi ko pa nabu-butones ng ayos ang blouse ko at nakasabit sa leeg ko yung ribbon, nag tatakbo na ako palabas. Kita tuloy ang abs ko. Charot!

Okay lang yan, sina Tita lang naman ang makakita at sanay na sila. Kaya nga lagi nila ako napapagalitan kasi para daw akong lalaki mag bihis, sa labas pa nag bibihis ng tshirt. Hindi na daw nahiya. Excuse me no. Half lang naman yung nakikita sa upper body ko. Tinatakpan ko na yung boobs ko no ng shirt kapag alam kong aabot hanggang labas ng bahay ang pagsusuot ko ng tshirt.

"Zac! Zac! Sandali. Sabay ako" sabi ko habang binobutones ang blouse ko. Tinatap ko pa yung bintana. Hindi ko makita ang driver eh. Kay Zac ba talaga tong kotse? Bakit parang nag curve o kaya bumilog? Tapos ang kintab. Ganito ba yung kotse ni Zac . Eh madumi yung kotse ni Zac, hindi kasi nya nililinis.

Bumukas ang bintana at nanlaki naman ang mata ko ng makita kung sino ang driver. Hindi si Zac.

"Hi baby. Weeew. Nice" sipol nya pagtapos habang nakatitig sa tyan ko. "M-Ms. Vien" gulat kong bati. Ngumisi sya habang palipat lipat ng tingin sa tyan at mukha ko.

"C'mon sumabay ka na" offer nya bago binuksan ang pinto ng passenger seat.

"Wag na." Mataray kong sagot at tinalikuran sya. Inayos ko yung butones ng blouse at yung necktie ko.

"Hey, Sumabay ka na. Malalate ka na." Sabi pa nya. Lumingon ako. Nasa labas na sya ng kotse nya.

"Gwen, c'mon." Pakiusap nya.

Inis naman akong lumingon sa kanya. Nakangiti sya. Naiinis ako kapag ngumingiti sya, napapangiti din ako. Nawawala bigla pagkainis ko. Nakakatuwa talaga yung mga ngiting pinapakita nya. Pero dapat hindi ko ipahalata na natutuwa ako kapag ngumingiti sya.

"Gwen, tara na. Please" pakiusap nya. Yung mukha nya ang cute tingnan.

"Ano po ba ginagawa nyo dito?" Inis kong tanong. Lumapit na ako sa kotse nya. Umikot ako patungong pasenger seat bago pumasok sa loob. Pumasok na rin sya sa loob ng kotse.

"Actually, susunduin ka"

Ano daw?

"A-Ano po Ms. Vien?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"You heard me right. Lalabas na sana ako kanina pero nakita na kitang in a hurry then pansin ko na papunta ka sa kotse ko. At naka unbutton pa yang blouse mo. Hindi ka ba nahihiya? I mean you don't need to be ashamed of kasi maganda naman yang kurba ng tyan mo but, still babae ka at nakikita ang hindi dapat nakikita." Sermon nya.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Место, где живут истории. Откройте их для себя