Chapter 10

17K 295 2
                                    

CHAPTER 10

RAPHAEL

Nanlalata kong idinilat ang aking mga mata at agad na tinutop ang ulo dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Hindi ko na rin alam kung anong oras kami nakatapos sa pag-iinuman. At lalong wala akong ideya kung papaano nakarating sa kwartong 'to. Katabi ko si Marlon sa bed. Si CJ ay nasa sofa. Kumunot-noo ako at agad na hinanap si Marco.

Where the hell does he sleep?!

Sobrang nalasing si Marco. Kung dati na siyang madaldal ay mas doble pa nang makainom. Gusto ko na nga'ng layasan kagabi dahil antok na antok na ako ay panay pa rin ang daldal!

Pumunta ako sa bathroom at nag-wash up lang nang kaunti.

Kumusta na kaya si Estella? Gising na kaya siya? Nasanay na yata akong nakikita siya sa tuwing magigising ako sa umaga.

Matapos gawin ang dapat na gawin ay saka ako nagdesisyong pumunta sa kwarto ni Estella. Pero ganoon na lang din ang pagtataka ko nang makitang nakabukas na ang pinto ng kwarto.

Pero agad din akong natigilan nang makita si Marco na natutulog katabi si Estella.

What the fuck?

"Hey!" Mabilis akong sumugod sa bed at agad na hinila si Marco sa kuwelyo ng damit nito at inilaglag sa bed.

Gulat namang nagising si Marco at napatitig sa akin. Maging si Estella ay naalimpungatan din.

"What the fuck is your problem, kid?!" sigaw pa nito sabay tayo kahit na medyo uuga-uga.

"Nag-iisip ka ba?! Your sleeping on my Buin's room!" galit na sigaw ko pa.

Tila noon na lang din tuluyang nag-sink in kay Estella ang nangyari at taranta itong tumayo at lumapit sa akin.

"I was so drunk! I didn't know na dito ako nakatulog! And for your info, wala akong ginawang masama!" galit na depensa ni Marco. Sobrang pula ng mukha nito.

"Raphael, please!" Pumagitna sa amin si Estella. Halatang nataranta rin sa ginawa ko.

Noon na rin nagpasukan ang iba pang couples sa kwarto. Mga nagulat din sa eksenang ako ang may kagagawan.

"Masyado kang mainit, bata," sarkastiko pang sabi ni Marco. He looked really pissed.

I must admit that I let my emotion get the best of me. I overreacted.

"S-sorry..." malumanay na sambit ko. Mabigat sa loob ko ang paghingi ng paumanhin dahil napahiya ako. Masyado akong nagpadalos-dalos.

Why am I acting like this? I think I already know the answer. I'm in love with Estella!

Fuck.

"I am on a dreamland, Raphael..." Umiling-iling ito. Halata sa mukha ang inis. "Fuck!" Padabog itong lumabas ng kwarto kasunod ang ibang couples samantalang naiwan sina CJ at Estella sa tabi ko.

"Raphael, ano bang nangyari?" usisa ni CJ.

Napabuntonghininga ako.

"Nakita ko kasi siyang dito natutulog sa room ni Estella," paliwanag ko. "I-i guess overreacted. Pasensya na kayo."

Napailing lang ito. Halatang dismayado rin.

"We'll fix this, okay?" Tinapik niya ako sa balikat bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Naiwan kaming dalawa ni Estella sa kwarto. Wala siyang kibong nakatitig lang sa akin.

"Say something!" I blurted out.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon