Chapter 3

21.2K 355 2
                                    

CHAPTER 3

ESTELLA

Maaga pa lang ay gumayak na ako para sa activity namin ni Hubby sa water park. Ang tagal ko nang hindi nakapupunta sa lugar na iyon at doble pa ang saya dahil kasama ko siya.

"Are you gonna wear a bikini?" kunot-noong tanong ni Raphael.

"Yup! I'm wearing underneath this." I was wearing a floral vest and shorts.

"Ang daming kids dito. Ayos na 'yang suot mo."

Ngumuso ako at umirap sa kawalan. Ang ganda pa naman ng bikini ko. Nice enough to make him stare at me!

"Sayang naman ang bikini ko! Bago pa naman 'to," kunwari'y maktol ko. Gusto ko lang din makita ang reaction niya.

"No. Everybody will stare at you. I don't like that."

Huh? Tama ba ako nang narinig? Ayaw niyang may ibang titingin sa akin? Kinagat ko ang aking labi at pinigilang ngumiti nang maluwag. I couldn't deny it, apektado pa rin ako sa pagiging gwapo niya kung kaya't kinikilig ako sa kaunting mga salita lang.

"E, kung nasa private pool tayo, okay lang?" I asked curiously.

"Okay lang kung ako lang ang kasama mo," seryoso pang sagot niya.

Kulang na lang ay magpapadyak ako sa kilig.

"Ang daming tao rito..." bulong pa niya nang igala ang tingin sa paligid.

May pailan-ilan pang mga babaeng kumakaway na nakalalamang ay mga fans niya. Pero dahil nagkalat ang mga security personnel ay kontrolado ang mga tao.

Alam kong ayaw niya sa ganitong lugar dahil matao at kaya lang siya pumayag ay dahil siguro hindi ako matanggihan.

"Oo nga. Parang any minute ay may ibang babaeng bigla ka na lang aagawin sa akin." Ngumuso ako at natatawa naman siyang umiling-iling.

Ang gwapo naman kasi talaga, e!

"That will never happen," he replied reassuringly. "Can you swim?"

"Yup. Ikaw?" I glanced at him.

He nodded. "Yeah, slight. You know what? Mukhang lahat ng first time, mararanasan ko dahil sa 'yo." Matamis pa siyang ngumiti na halos ikalaglag ng puso ko.

He should stop doing that!

"Hindi ka ba disappointed na lahat ng kabaduyan nararanasan mo?"

"Nope. Parang adventure lang 'to, di ba?" Nakangiti pa siyang kumindat sa akin.

Tumango-tango ako, though, alam kong hindi talaga siya komportable, natutuwa pa rin akong sinusubukan niya.

"Swim na tayo," aniya sabay lahad ng kamay.

Saglit akong nag-alangan, pero inabot ko rin agad iyon sa takot na magbago ang isip niya. Kinagat ko ang aking labi at pinigilang ngumiti. Hindi ko alam kung tinuruan lang ni Direk 'to or what.

"I can be really good at picking up things underwater. Want to try?" may pagyayabang pang himig niya.

"Talaga? Parang puppy lang?" natatawang biro ko.

"Yeah... Pero for my Buin lang. I won't do it with another woman."

May talent din palang magpakilig ang kumag na 'to.

"'Wag na." Umiling ako. "Ang daming tao. Baka kapag humiwalay ka sa akin, pagkaguluhan ka ng mga babae." Kunwari ay malungkot akong ngumuso.

"I don't think so. Alam nilang kasama ko ang wife ko." Natatawa pa siyang kumindat.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon