Chapter 8

17.1K 294 2
                                    

CHAPTER 8

ESTELLA

Sobrang saya ko dahil sa wakas ay natanggap na namin ang wedding pictures namin ni Raphael. Sa totoo lang ay iba ang pakiramdam na makita iyon na para bang totoong nangyari. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman.

"Hubby, look!" Nakangisi kong itinaas ang 100th day wedding album.

Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at halatang na-excite ring tingnan iyon.

"Really?" Agad niyang kinuha ang album at binuklat iyon.

Naupo ako sa kanyang tabi at sabay naming tiningnan isa-isa iyon. Sobrang gaganda ng mga kuha. We looked really happy on those pictures. Parang totoong in love nga kasi sa isat-isa.

Oh well, ako lang pala iyon.

"Isa lang 'to? Hindi ba dapat two copies 'to para tig-isa tayo?" aniya sabay senyas sa camera. "And where the hell is our kissing picture?" Kumunot ang kanyang noo nang makitang wala nga ang hinahanap niya. "It wasn't easy to kiss in public! This is way too much. I want those pictures!"

He looked really pissed. I fully understand why. Nahirapan din kaya akong i-kiss siya noon dahil may camera.

Bakit nga ba wala?!

"We have to call them," inis na aniya.

"For sure may number d'yan sa album."

Nang tingnan nga namin ang box ng album ay agad din naming nakita ang number ng studio. Wala na kaming inaksayang oras at agad na tinawagan ang studio.

Malumanay man siya sa pagsasalita ay bakas pa rin ang pagpipigil ng inis. Nag-request pa siyang dalawahin ang copy ng album para tig-isa nga naman kami. According sa kausap ni Raphael sa phone ay nakabukod daw ang kissing photo dahil ilalagay iyon sa frame na pang display. Matapos noon ay para rin namang nakuntento na siya.

That's when we decided to proceed to our mission letter.

Pero agad din kaming natahimik nang mabasa ang laman noon. Wala kaming kalam-alam na iyon na pala ang magiging pinakamalungkot naming mission.

Our Farewell Trip...

"Bakit farewell na?" nagtatanong na aniya.

Sa tingin ko ay medyo nawala rin siya sa mood.

"Oo nga. Hindi ko rin expect 'to," wala sa sarili kong sabi.

Mahirap itago ang lungkot. We've been living in one roof for months now. Umpisa pa lang naman, I am well aware that this virtual marriage is not gonna last forever. Pero naiisip ko pa lang na magkakahiwalay na kami ng landas ni Raphael ay naguluhan ako bigla. Dagdag pang hindi ko alam ang estado naming dalawa kapag natapos na ang lahat nang ito.

Kung magtutuloy ba kami sa kung anuman mayroon kami or tuluyang kalilimutan ang naganap sa pagitan naming dalawa.

"Let's just make a happy farewell. Do you agree?"

I knew he has something crazy going on his mind. Libangan namin ang mag-compete sa isat-isa kaya't nakalalamang na ganoon ang mangyayari sa aming farewell trip.

"Okay, fine!" sang-ayon ko na lang din.

Our relationship can both fall into a friendship or even lovers... Which is which? I have no clue.

"Let's wear a couple's tee, too," he suggested.

Kumunot-noo ako. "A-are you sure?" Hindi talaga ako makapaniwala. For months we've been together, I knew too well that he hated public display of affection.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon