#NoGunsNoEntry Intense Party

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bahala ka. Basta, kinikilig iyong tao kasi nginitian mo. In short, crush ka n'on. Naks." Sabi ni Miene sabay wiggle ng kilay.

Bakit ang daming baliw sa party na ito? Kasama na siya sa listahan ng mga isip bata. Una si Coldie, next si Bea, ngayon naman si Miene. Akala mo mga hindi mapakabasag pinggan at inosenteng mga bata, kayang kaya namang pumatay.

"Manahimik ka na nga lang pwede ba?" sabi ko na tinawanan na naman niya.

"Shit. Ang kyot mo mainis. Kung hindi mo trip iyong Dark, pwede pa naman iyong offer ko last time." Sabi ni Miene sabay kindat.

Doon ako natawa sa ginawa niya. Miene is an open lesbian. Lipstick lesbian. Ang gandang babae pero sorry na lang sa mga lalaki diyan, babae din hanap niya.

Last time kasi na nagkakasama kami tinanong niya ako kung open daw ba ako sa mga babae. I turned her down. Hindi ako ganon kasama para magpaasa.

Ngumiti na lang ako tsaka umiling. Napangiti na rin si Miene. Alam niyang tatanggi ako. May sasabihin pa sana siya kaso naputol ang pag-uusap namin ni Miene ng marinig ko ang pagkalansing ng baso dahil sa mahinang pagtatama ng kutsara upang kunin ang atensyon ng lahat.

Nakatayo sa stage ang Head ng Elders. Nang makita niya na ang lahat ay saka niya hinawakan ang mikropono.

"Good evening, Ladies and Gentlemen! May I propose a tose for this event." Sabi niya sabay taas ng kupita na hawak niya sa isang kamay.

"Ang pagdiriwang na ito ay para sa pagbubukas ng evaluation para sa Empire. Next month, magaganap ang taunang Elimination Event ng mga miyembrong wala namang kwenta dito sa ating samahan. Kasama sa mga mga huhusga ay kaming mga pinakamatatandang miyempro ng Elders." Sabi niya na akala mo ay tatakbo sa susunod na halalan.

Buti naman alam niyang matanda na sila.

"Ang buong council.." Pagkabanggit sa Council ay may tumapat na spot light sa puwesto nila. Seryoso ang mukha ng buong council. Lahat sila ay matimtim na nakatitig sa mga nasa paligid nila.

"Ang Empress..." Kagaya ng nangyari sa Council ay may tumapat din na ilaw sa akin. Hindi ako ngumiti o tumango man lang.

"At ang kumakatawan ng buong student body ng Academy..." Nagtaka ako ng bitinin ng Head ng Elders ang kaniyang sasabihin at saka ngumiti sa akin. I can smell something that is not good.

"Ang Top Student..."

What the f*ck?

Alam kong hindi lang ako ang nagulat sa pinahayang na iyong ng pinuno ng mga Elders. Maging si Dark ay halatang nagulat ng sa gitna ng kaniyang pag-inom ng alak ay nabanggit ang kaniyang pangalan at tumama ang isang liwanag sa kaniya.

"To the glory of Empire!" sabay taas na naman ng kopita ng matandang iyon na sinundan naman ng pagtaas din ng kopita ng ibang mga panauhin.

"What the f*ck is this?" pabulong na sabi sa akin ni Thres. Hindi ko kaagad namalayan na nakalapit na pala siya. Masyado akong naiinis sa matandang hukluban na iyon.

"Mukha bang alam ko? Mukha ba, ha?" pabulong na sabi ko pero naglalabasan na ata ang lahat ng ugat ko sa panggigigil. Hindi ko mapigilan. Nakakainis ang gurang na iyon. He thinks that he can play with me.

"That a$$hole don't know what real power is." Sabi ko na nagngangalit ang bagang. Idadamay pa niya si Dark. P*tang!*na. Ginagawa niya ito para ibalik si Zitty. Sinisindak niya ako gamit ang tanging lalaking mahal ko.

If he think that I will f*cking give in to his game, die first a$$hole. Baka sa kabilang buhay may pag-asa ka na.

Alam kong gusto na ding mag-wala ni Thres dahil gusto ng mga hukluba na ito na gawin kaming mga puppet. Pati si Sarah nadamay dahil sa kaartehan ng invitation details nila. Lahat ng iyon para lang sindakin ako?

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon