Chapter 1:Meet the College of Engineering

279 11 1
                                    

Sinipa ko muna ang paa ng study table ko bago ako lumabas ng bahay. Para hindi malasin.

Pagkalabas ko sa pulang gate ng bahay namin, agad ko naman nakita ang puting sasakyan na nakaparada sa front gate namin. Puting Hilux. Iisa lang ang laging pumaparadang sasakyan sa harap namin maliban lang kung bibisita si dad paminsan-minsan. At gaya ng dati, lumabas mula sa sasakyan ang isa sa mga kaklase ko. Melissa Godongwi. Tiningnan nya ako mula paa hanggang ulo.

"Oh My God Jake! Ang ganda mo ngayon!" tulad ulit ng inaasahan, niyakap na naman nya ako ng mahigpit. Ganyan ka Over-acting nitong klasmet ko slash Best friend na itinuturing kong kapatid.

"Hello Mel. Good Morning. Bumati naman tayo paminsan-minsan" Pa-pilosopa kong sabi at mukhang na intindihan naman nya  ang ibig kong sabihin dahil tumawa sya.

"Good Morning pala Jake! Sumakay ka na kaya baka mahuli pa tayo sa klase. Excited na ako!" sabi nyang halatang atat na atat . Kinaladkad nya ako at pina-pasok sa sasakyan nya sa front seat.

Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho at sa wakas ay nasa cars parking lot na kami ng campus ay nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko mawawalan na ako ng pandinig dahil sa kada-daldal ni Melissa kung gaanu sya ka-excited ngayon.

I wished I was too.

Pagbaba ko mula sa sasakyan, agad kong naramdaman ang simoy ng sariwang hangin. Ang ganda ng panahon ngayon. Ang sarap pagmasdan ang mapuputi at ma-asul-asul na mga ulap sa kalangit at ang sayang pagmasdan ang nag-gagalawang mga punong kahoy sa may paligid dahil sa ihip ng hangin.

Hinawi ko ang ilan sa buhok kong dumikit sa mukha ko dahil sa pag-ihip ng  hangin. Baka mapag-kamalan pa akong Sadako dito dahil sa haba ng buhok ko.

It's the month of April. Which means summer and enjoying a vacation but for us college students, Summer Vacation becomes summer class. Laging Stress ang nakukuha kapag walang pahinga.

Pero ayos lang dahil last summer ko na ito pati yong mga ka-blockmates ko.

I'm a graduating student of this University. Pagkatapos nitong summer class ay Fourth Year na ako.

Agad kaming naghiwalay ni Melissa dahil magkaiba naman ang klase namin. Tumalikod akong naiinis at nakasimangot na humarap sa College of Engineering building. 

The building I hated since I was just one of the freshmen here back then. Sa kasamaang palad, ako lang sa mga klasmet ko ang natapon sa bulok na building na ito

Well actually, College of Engineering is the biggest building here in University. It was painted in a white with light greens. While our building was painted in a light blue color.

Bago pa ako tumapak sa entrance nila, Ipinagdarasal ko muna sa lahat ng diwata, engkanto, duwende at kung kukulangin sila'y isasama ko na ang mga multo na sana, hindi dumikit sa katawan ko ang kamalasan. Pagkatapos ng madamdaming dasal ko'y tumapak na ako sa white floor nila. Kawawa naman ang mga janitors nila.. ang puti at makintab pa sana.

"Shit!" tahimik akong napamura. Hindi inaprobahan ang dasal ko dahil katatapak ko palang sa sahig nilang abnormal ay muntikan na akong dumulas. Buti walang naka-pansin kaya nagsimula na akong lumakad.

Nang mahanap ko na ang Room 102, huminga muna ako ng malalim at saka mahinhing binuksan ang pinto. Nang makapasok na ako, may nagsasalitang professor sa harapan. Tiningnan ko ang relo ko.

9:15.

What the Heck? hindi pa naman nag 9:30 at nagsimula na sila? I'm sure na hindi late ang oras sa relo ko. Tumigil ang professor sa pagsasalita at tumingin sa direksyon ko pati ang mga estudyante. Yong iba, nginitian pa ako. BITCHES. Hindi na nila kailangan magpaka-plastik dahil kabisado na ang mga ugali nilang bulok gaya ng building nila.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon