"Hoy, hindi ko tinatanong! E, ano naman kung may boyfriend 'yong babaeng 'yon? Wala akong pakialam."

"Pero alam kong may nanliligaw sa kanya, e."

"Ha?! Sino?"

"Ang isda nga naman, nahuhuli sa sarili niyang bibig. Haha!"

Sinamaan na naman ako ng tingin. Ang sarap asarin ni Kuya lalo kapag si Ate Serina 'yong topic.

"Ewan ko sa 'yo."

Pinaandar niya nang mabilis 'yong kotse kahit hindi pa ako nakakapag-seat belt. Aba, gumaganti siya, ha? Ang sama talaga niya. Huhu! Kakainis, muntik na akong ma-untog do'n, ah. Okay lang, alam ko namang si Ate Serina lang ang katapat niya, e. Humanda ka sa 'kin mamaya, Kuya Charles, papapuntahin ko mamaya si Ate sa bahay. Wahaha!

Pagka-park pa lang ng sasakyan, bumaba na agad ako ng kotse. Itutulak na naman ako ng magaling kong kuya, e. Habit niya na 'yon, e.

Dumiretso agad ako sa room namin. Kaso lahat pala sila, nasa gym na. Ay, shete! P.E. pala ngayon. Nakalimutan ko 'yong P.E. uniform ko huhu, paano na 'yan? Noong nasa gym na ako, lahat sila, naglalaro na ng volleyball.

"Candice, magpalit ka na."

"Miss Farrah, nakalimutan ko po 'yong shirt at pants ko. Sorry po."

"Hmm, okay, sige. Mamaya naman, manonood lang din tayo ng cheering. Sige, umupo ka na lang do'n sa may bench."

Buti na lang talaga, mabait si Miss Farrah. Umupo na lang ako sa bench. As usual, ang sama ng tingin sa 'kin ng Powerpuff Girls. Laki ng problema nila sa 'kin. Ano bang pinaglalaban nila?

Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ko sa bench, may narinig na kong nagtatawanang mga babae. Tumingin ako sa likod at nakita ko sina Stacey. Ayoko namang makinig sa pinag-uusapan nila kaso narinig ko ang pangalan ko. Lumapit ako sa kanila pero siyempre, nakatago lang ako.

"Ang swerte mo nga, Stacey, e, fiancé mo si Jeydon. Ang hot-hot kaya niya, tsaka balita ko, super rich pa nila!" sabi si Amber, 'yong kaibigan ni Stacey. Bale, tatlo silang nag-uusap pero hindi nila kasama si Abby.

"Siyempre, super rich din naman kami, e. Isa pa, perfect match na kami ni Jeydon. Nagpapakipot lang 'yon sa 'kin. Haha!" 'Sus, parang hindi naman.

"Paano kapag bumalik ulit 'yong dati niyang fiancée? Balita ko, mas yumaman sila ngayon."

"Oh, dears... Matagal na siyang wala sa buhay ni Jeydon. Isa pa, kinamumuhian na siya ng baby ko. So why bother? Isa pa, ako na 'yong fiancée niya." Baby raw? Kailan pa niya naging baby si Jeydon?

Teka lang nga, may fiancée pang iba si Jeydon? Sino naman kaya 'yon? Tsaka bakit niya kinamumuhian? At bakit na-curious ako bigla?

"That's the spirit, girl. But lately, napapansin kong napapalapit na si Candice kay Jeydon pati kina Marky at Troy. Hindi ka ba nababahala? To think na may gusto si Candice kay Jeydon."

OMG! Ako nga ang pinag-uusapan nila. Yuck! Wala akong gusto ro'n sa Doraemon na 'yon 'no?

"Seriously? Ano bang panama niya sa 'kin? I'm prettier, hotter, and more famous than her. Hindi ako dapat ma-threaten sa Candice na 'yon."

E di, siya na. Siya na talaga.

"Pero si Marky nga, nagkagusto sa kanya. Imagine, si Abby na 'yong kalaban niya, ah. Posible ding maakit niya si Jeydon."

Waaah! Ako, aakitin 'yong abnormal na 'yon? No way. Mortal enemies lang kami, 'yon lang 'yon.

"Girls, si Abby kasi, hindi marunong dumiskarte. But don't you worry. Kapag humarang sa daan ko 'yang Candice na 'yan, aapakan ko siya nang buhay! Remember, I'm the school Queen Bee."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Where stories live. Discover now