"Mabait ang anak ko na yun. Mabait ang kakambal ni Lily..." sabi pa niya.

Kambal pala sila.

"Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ko.

"P-patay na ang anak ko.." at bigla na lamang siyang humagulgol. Nagulat naman ako sa biglaang pag-iyak niya. Lumapit ako ng pagkaka-upo at hinagod ang likod niya upang patahanin.

"Pasensya na po" sabi ko.

"Hindi. Wala kang kasalanan. Naiiyak lang talaga ako" at pinunasan niya ang mga luha niya.

"Pwede ko po bang matanong kung paano siya n-namatay?" hindi ko alam kung dapat ba akong mangeelam ngunit kailangan ko ito. Kailangan kong malaman kung paano siya namatay.

Ngumiti muna siya ng malungkot atsaka sumagot.

"Nabundol siya ng sasakyan. Naaksidente siya"

Kung ganun? Aksidente lang ang pagkamatay ng kapatid ni Leila. Hindi kaya ang killer ang may gawa?

"Nasaan na po ang naka-bundol kay Leila?" tanong ko na para bang imbestigador sa mga nangyayari.

"Nasa kulungan na siya." muli akong napatahimik. Imposibleng ang killer ang sumagasa dahil nakakulong na iyon.

"Pero di ako naniniwalang namatay siya dahil sa aksidente" at muli na namang nabasag ang kanyang boses at nagsimulang umiyak.

"P-paano niyo po nasabi?" desperado kong tanong.

"Ang sabi ng mga pulis, may mga saksak ng kutsilyo sa iba't ibang parte ng katawan niya. May nagtangka sa buhay ng anak ko. Hindi lang siya basta naaksidente..." nanlaki naman ang mga mata ko nun.

Kung ganun, posible ngang biktima siya ng killer.

Lumipas ang oras, nanatili akong nandito sa pamamahay nila ngunit wala paring Lily na nagpapakita sakin. Nagkwento naman ang nanay niya tungkol sa mga anak niyang si Leila at si Lily.

Napatingin ulit ako sa orasn. 10:48 pm na.

Masyado ng gabi. Ilang bese na nila akong pinapauwi ngunit tumatanggi ako. Kailangan kong makumbinsi si Lily.

Pero bakit ganito? Habang tumatakbo ang oras, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Para bang may nararamdaman akong masamang mangyayari.

Wag naman sana...

Bahala na! Kung hindi ko makaka-usap si Lily. Ang mga magulang na lang niya ang sasabihan ko.

"Ma'am, may kailangan po kayong malaman" sabi ko sa ina niya.

10270171127DWhere stories live. Discover now