Bumalik sa loob ng bahay yung babae ngunit di rin nag-tagal ay binalikan niya ako at sinamahan sa loob.

"Magandang gabi po." bati ko sa isang babae at lalaki na naka-upo sa sofa.

"Maupo ka muna hija" at sinunod ko naman ang sinabi ng babae.

"Kami nga pala ang mga magulang ni Lily, ano nga palang kailangan mo?" tanong sa akin ng mama ni Lily.

"Parehas po kami ng school na pinapasukan. Gusto ko ho sana siyang maka-usap." magalang kong tugon.

"Naku! Pasensya na ahh... Male-late ng uwi ang anak namin. Nasa bahay kasi siya ng kaibigan niya at may ginagawa silang project" sabi sakin ng tatay ni Lili.

Hindi na ako umimik at pinagmasdan lamang ang mukha niya. Mabilis ko namang nilabas sa bag ko ang picture at di nga ako nagkakamali. Tama! Siya nga ito...

"Kayo diba si Carlo Trinidad?" malamig na tanong ko. Medyo nanlaki naman ang mata niya sa tanong ko ngunit agad ding ngumiti.

"Hahaha. Oo ako nga hija"

"Ikaw po to diba?" at itinuro ko sa kanya ang lalaking kahawig niya sa picture.

"P-paano... Saan mo to nakuha?" gulat na gulat niyang tanong sa akin.

"Ako po si Hara Cereza" at mas nagulat siya nung sinabi ko ang pangalan ko.

"C-cereza?" di makapaniwalang tanong niya.

"Opo. Tama po kayo ng iniisip, anak nga po niya ako. Pwede ko ba kayong matanong? Kaano ano niyo ang tatay ko?" Napansin ko namang gulat parin ang ekspresyon sa mga mata niya may tumulong pawis sa mukha niya. Kumuha siya ng panyo sa bulsa at ipinunas iyon sa kanyang pawis.

"Hahahaha" tumawa lamang siya ngunit halata sa boses niya ang pagka-kaba.

Tumingin naman ako sa asawa niya na mukhang walang ideya kung anong nangyayari.

"Sa taas muna ako. May aasikasuhin pa akong business matters" at agad na umakyat sa pangalawang palapag ang tatay ni Lily.

Para bang iniiwasan niya ako...

"Hija, gabi na. Mabuti pa't bukas ka na lamang bumalik" sabi sakin ng mama ni Lily.

Napatingin naman ako sa orasan ko. 9:14 pm na...

"Hihintayin ko nalang po siya" sagot ko at tumango naman siya.

"M-may kapatid po si Lily hindi ba?" tanong ko.

"Oo, ang anak kong si Leila..." at ngumiti siya ngunit bakas sa kanya ang kalungkutan.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon