Chapter 18: Homecoming

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagulat ako nang tumunog ang phone ko. It's a text from one of my clients. It's about a wedding package. Napangiti ako. I expanded my business. I design gowns and suits for various occasions. Hindi nasayang ang pinag aralan ko nung kumuha ako ng short course sa fahion designing sa New Jersey. At si Haley ang nagsuggest sa akin nito.

" Napakainit talaga sa labas." reklamo ni Haley. " Ang layo naman ng parking mo. Sa kabilang side pa."

Speaking of the devil.

Ginagawa kasi ang kalsada sa tapat ng boutique kaya lahat ng customer ng shop sa kabilang side ngpapark.

"Tita Ninang!" tumakbo si Reese papalapit sa akin.

Ang bilis ng panahon. Dalawa na ang anak ni Haley. Pinagmasdan ko si Reese. Ang laki na niya. Nagdadalaga na. Nagiging kamukha na ni Russell ang bata. Lalo na ang mata. Seryoso at medyo may pagkasuplada.

Kung paano niya ako naging ninang. Hindi ko rin alam. To think na sa Spain sila nung bininyagan si Reese. Napag usapan na kasi namin ni Haley dati na magiging ninang ako sa unang anak niya. At ganun din siya sa unang anak ko. Sumunod na patakbong lumapit si Railey.

" Tita sexy!" 

"Hi baby!" kinarga ko ito at hinalikan sa pisngi.

" Are you excited?" tanong ko.

Sila ang magiging flower girl at ring bearer sa kasal ng kaibigan ni Russell. Si Kevin. Ang shop ang gagawa ng wedding gown ni Ashley at mga abay.

" Yes!" halos sabay nilang sagot.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Railey. Kamukha ito ni Haley. Bilog ang mga mata nito at medyo light brown ang shade ng hair niya. Parang naghati sila ni Russell. Si Reese kamuha ng ama. Si Railey kamukha ng ina.

" Ok." hinalikan ko ulit siya at ibinaba.

"Go to that room." tinuro ko ang area kung saan sinusukatan ang mga client. " Ate Roseann will make a nice gown and suit for both you." sabi ko sa kanya.

Tumalon si Reese. " I want pink!" sabi nito.

" I want blue." sabi ni Railey.

Nagkatinginan kami ni Haley. Old rose kasi ang motif ng kasal nila Kevin at Ashley.

Nilapitan ni Haley ang dalawang anak. " Ok. We'll get two gowns and two suits. And one of each is pink and blue. "

"Yeheyy!" Sigaw ng dalawa at tumakbo sa room.

Naiiling kong pinagmasdan ang dalawang bata.

" Mabuti kong gusto niyang isuot yung old rose colored na gown." natatawa kong sabi.

Si Reese ang tinutukoy ko. Mas inaalala ko siya kasi mas may isip na ito. At may sarili na itong preference. Kumpara kay Railey. At paborito ni Reese talaga ang pink.

" Bahala silang mag ama." natatawang sabi ni HAley. Medyo takot daw ito at sumusunod sa ama. Wala kasing alam isuot si Reese kundi kulay pink. Lahat ng gamit niya kulay pink.

Umupo si Haley sa tapat ko.

" Ayoko ng masydong maiksi ha." sabi nito.

Ako rin kasi ang gagawa ng isusuot nila ni Russell. Kasama sila ni Russell sa mga abay. Ayaw sanang pumayag ni Haley kasi buntis siya. Sabi ko naman ok lang yun kasi hindi pa naman halata ang tyan niya. At ayaw pumayag ni Russell hindi sila aatend bilang secondary sponsors. Nagpromise din kasi ito kay Kevin.

" Ayaw mo ng maiksi o ayaw ni Russell?' tukso ko sa kanya.

Hindi kaila sa akin na hindi gusto ni Russell na nag susuot siya ng maiiksi at mga revealing na mga damit. Kahit noong college days pa.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon