"S-sean..." agad ko siyang niyakap ng mahigpit at pinigilan ang sariling mapaluha.

"Miss mo na naman ako noh?" at narinig ko siyang tumawa kasabay ng pagyakap niya din sakin. Tumango tango na lamang ako.

Napakasama ng ginawa ko. Paano kung malaman ni Sean ang nangyari? Hindi ko kayang magalit siya sakin.

"I'm sorry Sean" biglaan kong nasabi.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Wala lang. Sean, mahal kita" niluwagan niya ang yakap namin at tinitigan niya ako sa mga mata. 

"Ikaw talaga. Oo na. Mahal din kita. Mahal na mahal" nakangiti niyang sabi sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.

Napangiti na ako ulit. Hindi talaga siya nabibigo sa pagpapangiti sakin. Sigurado na ako... si Sean ang mahal ko. Si Sean lang...

---

Inihatid na ako sa bahay ni Sean. Bumaba ako sa motor niya at nakita kong lumabas si Detective Reyes sa gate namin hanggang sa umalis ito gamit ang sasakyan.

Nagmadali naman akong pumasok sa loob ng bahay at sinundan naman ako ni Sean.

Agad kong nilapitan si manag na naka-upo sa sofa.

"Manang, bakit po nandito si Detective Reyes? May balita na po ba sa kanila mama?" sunod-sunod kong tanong. Naramdaman ko namang nag-init ang mga mata ko na hudyat na papaiyak na ako.

"Pumunta lang si Detective Reyes dito at nagtanong. May alam na daw sila kung nasaan ang mga magulang mo anak" sabi ni manag at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Nasaan sila manang? Nasaan sila mama at papa?" at bigla na lamang nang-hina ang katawan ko. Buti na lamang ay nasalo ako ni Sean at inalalayan maka-upo sa sofa.

"Hindi pa natin sigurado anak. Pero sa oras na tama nga ang hinala nila, babalitaan nila tayo agad. Mahahanap na din natin ang mga magulang mo" naka-ngiting sabi sakin ni manang.

Muli akong nagkaroon ng pag-asa na mabubuo na ulit ang pamilya namin. Napakasaya ko ngayon. Hindi na ako makapag-hintay na makasama silang muli...

---

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay nandito kami ni Sean sa kwarto ko. Sanay naman na kami na nandito lagi si Sean dahil sila manang na lang ang lagi kong nakakasama.

Kasalukuyan naming hinahanap ang susunod na biktima ng killer. Hindi ako dapat mag-aksaya ng oras.

10270171127DDonde viven las historias. Descúbrelo ahora