Umayos ako ng tayo atsaka umiwas ng tingin.

"Uwian na, ginigising lang kita" sagot ko habang nakatingin sa kabilang direksyon.

"Eh bakit mo ko tinititigan kanina?" mapanukso niyang tanong na nagpamula sa aking mga pisngi.

"H-hindi kita tinititigan" nauutal kong tugon atsaka naglakad na ako paalis sa klaseng ito ng nahawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.

Napalunok ako ng laway ng mapansin iilang sentimetro lamang ang layo namin sa isa't isa. Tinitigan niya ako sa mga mata na unti na lamang ay malusaw ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Bakit mo ko tinitignan?" tanong ko.

"Hanggang ngayon, maganda ka parin sa paningin ko Hara" mahina niyang sabi ngunit malinaw iyon sa pandinig ko.

"Lumayo ka. Baka may makakita satin dito." utos ko sa kanya ngunit hindi siya umimik.

"Uuwi na ako. Hinihintay pa ako ni Sean" at sa sinabi kong iyon ay nakakita ako ng kalungkutan sa mga mata niya.

"Ano bang meron kay Sean? Lagi mo nalang akong nire-reject" mahina at malungkot niyang pagkakasabi.

Humakbang siya paatras kaya nagkalayo na kaming dalawa. Tumalikod na ako ng marinig kong muli siyang nagsalita.

"Mahal kita Hara"

"Hanggang ngayon parin ba?" mahina kong tanong na halos ako lamang ang nakarinig. Muli ko siyang nilingon at nakita kong naglakad siya papalapit sakin.

Sa hindi malamang kadahilanan, hinaplos ko ang mukha niya.

Siguro nga.. kung wala si Sean sa buhay ko, baka sa kanya na ako nagka-gutso...

Nagulat naman ako ng bigla niyang inilapit ang kanyang labi sa akin.

H-hinalikan niya ako....

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa ginawa niya.

"S-sorry. Hindi ko sinasadya Hara. Pasensya na" sabi sakin ni Eron.

Nanatili akong walang imik dahil gulat parin ako sa ginawa niya. Tumalikod nalang ako at lumabas sa classroom na iyon.

Bakit ganito? Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?

Pagpunta ko sa carpark, tanging si Sean na lamang ang nandun. Agad akong lumapit sa kanya at ng mapansin niya ako ay agad siyang ngumiti.

Para namang tinusok ng milyon milyong karayom ang puso ko ng makita ko ang mga ngiti niya. 

10270171127DWhere stories live. Discover now