X. In Like?

616 10 7
                                        

X.                 In Like?

*************************************************************************************

[ CALVIN’S POV ]

“Ilipat mo sa NBA. Malapit ng magsimula ang laro ng Spurs at Miami.” utos sa akin ni Patrick kaya sinunod ko na lang siya

Nakahiga lang kami ni Patrick dito sa may sala namin habang hinihintay ang laro ng Miami.

“Asan na ba si kuya? 8:30 na wala pa rin siya?” tanong ko habang nakatingin sa wall clock

“Baka di pa tapos kumain?” sagot sa akin ni Patrick

“Di pa tapos kumain eh kaninang alas-syete sinabi niyang paalis na siya.” sabi ko

“Yaan mo. Matanda na yun. Di naman siguro siya maliligaw pauwi sa atin.” si Patrick na di nakatingin sa akin

“Nga pala, seryoso ka talaga dun sa nililigawan mo noh?” tanong ko sa kanya

“Oo. Kaya back off dude.” sabi niya sa akin ng seryoso

“Chill bro. Di ko naman aagawin sayo eh. Ano na nga ba ulit ang pangalan nun?” ako

“Dianne Sanchez” sabi niya ng may ngiti sa labi

“Nak ka ng? Tinamaan ka talaga nung batang nakadiaper na may pakpak at may hawak na pana?” ako

May pagkaplayboy din naman si Patrick pero syempre mas lamang ako. *smirk*   Pero mukhang ibang usapan na ata to. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng ganyan dahil sa isang babae.

( Calvin on the right side --------------> )

“Siguro nga napana na ako.hahaha” sagot niya

“Mahal mo na?” ako

“Magseseryoso ba ako sa kanya kung hindi ko siya mahal? Utak naman bro.hahaha” siya

“Sige na! Ikaw na matalino satin! Ako naman pinakagwapo.” ako sabay smirk

“Dude di ka ba nabibigatan?” tanong niya sa akin

“Nabibigatan sa alin?” takang tanong ko

“Magbuhat ng sariling bangko?hahaha” siya na tawa pa rin ng tawa

“Ulol! Manahimik ka na nga diyan -__-!” asar na sabi ko

“Asar ka na agad dude?hahaha” siya

Di ko na lang siya pinansin. Bakit ba lagi na lang akong barado sa kanya. Di bale na gwapo naman ako. Nanood na lang kami ng napansin namin na dumating na si kuya.

~la la la la la la la la la~

~la la la la la la la la la~

~la la la la la la la la la~

~la la la la la la la la la~

(tune of Crush by David Archuleta - chorus)

O_O

Nagkatinginan kami ni Patrick at yan ang reaksyon namin. Dahil pagkapasok niya ay naghu-hum siya ng isang kanta at parang tuwang-tuwa pa siya. Ni hindi man lang ata kami napansin ni kuya dahil dire-diretso siyang pumasok sa may kusina.

The Best Actor + The Drama Queen = LOVE [On-going]Where stories live. Discover now