#23

2K 37 3
                                    

Bato Spring

"Please review all the hand outs na ibinigay ko sainyo. It will help guys!" Baritonong saad niya sa harapan.

Buong period lang akong walang imik at pinag mamasdan siya. Sa buong period ding iyon ay hindi niya man lang ako tinapunan na kahit isang tingin man lang. Hindi siya ngumingiti sa klase at seryoso niyang ginagampanan ang pagiging SP niya saming lahat.

"Psst? Lq kayo no?" Pabulong na sabi ni Denise.

Bumuntong hininga ako sa sinabi niya. Paano naman kami magkakaroon ng Lq? Gayong   hindi naman kami. Mas malala nga lang sa Lq ang nangyari saming dalawa noong nakaraang araw.

"Please guys also the boys! Don't underestimate this subject. Hindi ako biro mag bigay ng grades. Sana maipasa niyo ang gagawin kong exams. Goodluck!"

Pinapaikot ko lang ang aking ballpen saking kamay habang nakatingin sakanya na merong seryosong mukha.

Nagtaas ako bigla ng kamay. Batid ko ang tingin sakin ng mga kaibigan ko sa gilid ko. Ito lang ang paraan ko para naman sulyapan niya ako. Tangina! Ano ba itong ginagawa ko? Tinaboy ko siya pero ito ako nagpapapansin sakanya! What the fuck Lucia?!

"Yes Ms. Natividad?" Baritonong saad niya at nakataas ang kilay at ngumuso. I remembered that face gesture of him! Pero damn! Hindi ko matandaan.

"Uhhm...." Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. Ano bang gusto kong sabihin? Na bakit di niya ako tinitignan? Na bakit di niya ako pinapansin? Damn! Sempre Lucia! Pinagtulakan mo nga diba? Shunga ka?

Narinig ko ang mahinang bungisngis nila Denise sa gilid ko. Napairap ako sa kawalan at tinignan muli si Jared na ngayon ay tinalikuran na ako.

"Yung coverage sa exam ano?" Sabi ko.

"You're not listening again Ms. Natividad! Okay class, good luck sa preliminary exam niyo bukas. Dismiss!" Aniya at mabilis na lumabas ng classroom.

Lumabas siyang hindi sinagot ang tanong ko. Ugh! Bwisit naman oh. Ako pa ngayon ang hindi nakikinig? What the fuck is wrong with him?!

Bumungisngis ang lima kong kaibigan sa gilid ko. Sinimangutan ko lang sila at niligpit na ang mga hand outs na nakasabog sa arm desk ko!

"Ano?" Irita kong sabi sakanila na ngayon ay lalong mga nagtawanan.

"Girl! Anong drama yung kanina? Lq ba kayo?" Natatawang sabi ni Abi.

Inirapan ko siya. "Hindi kami para magkaroon ng Lq."

"So kailan magiging kayo?" Hirit naman ni Miley.

"Ewan....."

"Uyyy umaasa." They said in unison.

"Hindi ah!" Tanggi ko.

Wala akong sinabihan ng pag-uusap namin ni Jared noong nakaraang araw. Para kasing hindi ko kayang ikwento iyon sakanila. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, pero kasi parang ang hirap ikwento. Ayoko nalang mag alala pa sila sakin---samin ni Jared.

Makalipas ng ilang araw na pag-uusap namin ni Jaoqs noon. Tatlong araw ang dumaan nagulat ako ng nagbobonding na ang boys kasama si Jared! Nagna night out na sila. Okay din sa girls. Well kay David hindi ko alam pero kay Joaqs, okay na sila! Hindi ko alam kung bakit. Wala din naman silang sinasabi sakin. Ayoko narin magtanong pa. Kaya naman ayoko narin magkwento sakanila kung anong nangyari sa pagitan namin ni Jared. Maayos ang tunguhan nila sa isa't isa, ayokong ng dahil sakin magkanda-away away na naman ang mga boys!

I'm Still Waiting for my Ex Boyfriend [Completed] #Wattys2017Where stories live. Discover now