"Ikaw ba ang final walk ngayong upcoming fashion show?" tanong ko sa kanya habang nakain.

"I don't know. Wala pang sinasabi ang management eh," sagot nya pagkatapos sumubo nung pasta.

"Sure namang ikaw na yun eh. Ikaw kaya ang most wanted model ng companya ngayon,"

"Para naman akong convict nyan. Most wanted talaga?" natatawang sagot nya sa kin.

"Oo nga no?" nakangising sabi ko.

Maya-maya, naging mailap ung mata nya habang nakatingin sa may pintuan.

"Hmmm, Bruu, punta lang akong wash room," paalam sa kin ni Paige.

Nagtataka man umoo na lang ako.

Pagkaalis nya, binalingan ko ung sa may entrance.

There, I saw, Aidan in flesh. May nakaangklang babae sa braso nya.

"Ahh, Kaya pala," nakangiting sabi ko sa sarili ko.

>>>Paige's POV

"Hmmm, Bruu, punta lang akong wash room," paalam ko kay Elenny.

Nakita ko kasing papasok ng restaurant si Aidan. May kasama syang isang babae na nakahawak pa sa braso nya.

Halatang nagtaka si Elenny sa kin pero pinayagan naman ako.

Dali-dali akong pumunta sa wash room ng restaurant to compose myself.

Pumasok ako sa cubicle at tahimik na umiyak. Ang sakit. Bakit kailangang may bago na naman sya? Kahit na sabihing hindi seryoso un, the fact na may iba syang kasama, masakit pa rin isipin. Bakit hindi na lang ako? Sana pala, sinabi ko na lang nag magkaroon kami ng relationship. At least dun, akin sya. Kahit na hindi nya ko mahal. Siguro naman kaya ko syang paibigin di ba?

After ilang mins, lumabas ako ng cubicle. Tinitigan ko ung sarili ko sa salamin. I saw myself at hindi ko nagustuhan, hilam ang mukha ng luha, namumula ang ilong.

"You're pathetic," kausap ko sa salamin.

Mabuti na lang walang ibang pumasok dun kaya solo ko ang buong wash room.

Napagpasyahan kong lumabas na. Baka hinahanap na ko ni Elenny.

Naghilamos muna ako at nagretouch para pagtakpan ung mga luha ko.

Pinilit ko ring ngumiti pero halatang ang bahaw nung ngiti ko, walang sigla.

Paglabas ko, nagulat pa ko na nasa table namin umupo sina Aidan at ung babaeng kasama nya.

Naglakad ako papunta sa table namin.

Si Elenny ung nakaharap sa kin kaya tinignan ko sya na nagtatanong kung bakit nandun sa table namin sina Aidan.

Tinignan nya rin ako nang makahulugan.

"she's here," sabi ni Elenny sa mga kasama.

"Good evening," bati ko sa kanila pagkaupo. Tinanguan lang ako ni Aidan. Nanlalalim pa ung mata nya. At may stubbles din sya na ngayon ko lang nakita. Lagi kasi syang nagseshave eh. Dinibdib talaga nya ung break-up nila ni Erris.

"Bruu, she's Rikki, cousin ni Aidan. Rikki, si Paige, bestfriend ko," pagpapakilala ni Elenny sa min. Napatigil tuloy ako sa pag-analisa kay Aidan.

Cousin? Pinsan lang? Sayang lang pala iniiyak ko.

"Hi, Paige, nice meeting you. I hope you don't mind sharing your table with us. Nakita namin kasi si Elenny. Matagal na kaming di nagkikita kaya naexcite ako," masayang sabi ni Rikki sa kin at inabot ung kamay nya.

Napahiya ako sa inisip ko.

Inilahad ko rin ung kamay ko, "nice meeting you, too. I don't mind at all," sabi ko na may tipid na ngiti.

Masayang nagkwentuhan sina Elenny at Rikki habang kumakain. Panaka-naka lang akong nagsasalita. Naiilang kasi ako kay Aidan. Nakatitig kasi sya sa kin. Bakit kailangan nya kong titigan? At bakit kailangang katapat ko sya. Hindi tuloy ako makakain nang maayos.

Maya-maya, may tumunog ung cellphone ko.

Binasa ko ung message.

From: Mom

Baby, how are you? I miss you. Care for a chat? :)

Napangiti ako sa text message ni Mommy. Kahit kasi nasa ibang bansa ito at may sarili nang pamilya, hindi pa rin nito nakakalimutang kamustahin sya. lagi rin silang magkachat.

Nagreply ako sa kanya

To:Mom

I miss you too, Mom. Sure. But I'm still with Elenny. I'll PM you when I got home. :)

Pag-angat ko nang mukha ko, I saw them staring at me.

"Guys, I have to go. May kailangan lang akong gawin," paalam ko sa kanila.

"Boyfriend?" tanong ni Rikki

"Nope, my mom,"

"Ohh, sure," ---RIkki

"Pano? Una na ko," paalam ko sa kanila.

"paano ako uuwi?"pigil ni Elenny sa kin.

Hindi kasi nagcocommute itong babaeng 'to.

"Ay oo nga. I'll ask Tatay Gener to pick you up," sagot ko sa kanya.

"No need. I'll take you home. Ipahiram mo na lang muna ung kotse mo kay Elenny," singit ni Aidan na ngayon ko lang narinig na nagsalita.

Napatingin ako sa kanya.

"That's better," natutuwang sabi ni Elenny. I know she's up to something. My ever wicked bestfriend. :3

"Hindi na. Ganito na lang. Ako na lang magcommute," tanggi ko. Hindi ko pa kasi alam kung kaya kong makasama sya na kaming dalawa lang. Nahihiya pa kasi ako eh.

"Paige, gabi na. Hayaan mo nang ihatid ka ni Kuya," pag-eencourage naman ni Rikki.

Pinaglipat-lipat ko ung tingin sa kanila. 3 vs 1.

"Fine," pagsuko ko.

Binigay ko ung susi ko kay Elenny. Tumayo na rin si Aidan.

Ung tingin ni Elenny sa kin, nanunudyo.

Tinignan ko sya nang masama pero balewalang nilipat nya ung tingin kay Aidan.

"Kuya, ikaw na bahala sa bestfriend ko ha? Ingat kayo,"

"Thank You. Nice meeting you again, Rikki. I'm sorry I can't stay," sabi ko kay Rikki

"May next time pa naman eh. Ingat kayo pauwi,"

"Okay. Kayo rin,"

Naunang umalis si Aidan kaya sinundan ko na lang.

Pinagbukas nya ko ng pinto bago sya lumingid sa kabila.

Ang awkward ng buong byahe dahil hindi kami nag-iimikan pwera na lang nung tinanong nya ko kung saan ako uuwi.

Nagulat pa ko na tumigil ung sasakyan.

"Thank you for driving me home. Ingat pauwi," pagpapasalamat ko sa kanya at akmang bubuksan ko na ung pinto nang pigilan nya ko.

"Can we talk?" seryosong tanong nya.

Nagdalawang isip pa ko kung dapat nga ba kaming mag-usap.

"sure. Ano ba yun?" tanong ko sa kanya para matapos na.

"This is not the proper place. Pwede bang sa unit mo na lang?"

Sa unit ko? Bakit dun pa?

>>>tnx for reading... ^_____^

---till next time... ^_____^

Getting on my PantsWhere stories live. Discover now