GOMP 12 - Move On

12.7K 228 8
                                    

Chapter 12

"Mommy!!!" Hyper na sigaw ni Summer pagdating nila galing sa school. Nandito ako sa sala ngayon.

Nakangiting sinalubong ko silang dalawa ng yakap at halik.

"I miss the both of you. How's school?"

"Miss you rin po. I've got 5 stars. Winter only got 4," pagmamayabang ni Summer at pinakita ung notebook nya na may 5 stars.

"It's because I let you---" naputol ung sasabihin ni Winter nang takpan ni Summer ung bibig nya.

"Kuya, our deal," bulong ni Summer kay Winter pero rinig ko naman.

"What is it, Summer?"nagtatakang tanong ko kay Summer. Binalingan ko naman si Winter pero nag-iwas lang sya ng tingin pero namumula.

"It's a secret, Mom," pilyang sagot ni Summer sa kin.

"Bawal magsinungaling,"

"Mom, keeping a secret is different from telling a lie," paglelecture sa kin ni Summer.

Oo nga naman. Matalino talaga 'tong mga anak ko.

Hmmm...

"But keeping a secret from your mother means no lullabies, no cakes, no ice creams, no other sweets. What do you think?" pilya ko ring sabi sa dalawa. Un kasi ang weakness nitong dalawang 'to.

Nagsikuhan ung dalawa pagkasabi ko nun. Nakangiting tinignan ko sila. They can't resist their cravings for sweets.

"We should spill it out,"bulong ni Winter.

"We can't tell her about this. It's a secret, remember?"Bulong naman ni Summer.

"She can be our accomplice,"

Napaisip si Summer sa sinabi ni Winter.
Ako naman, nagtataka kung anong pinag-uusapan nitong dalawang 'to. May accomplice pang nalalaman.

"Fine," sagot ni Summer kay Winter. Bumaling si Summer sa kin at hinila.

"Sasabihin na po namin. Pero secret lang natin ha?"

"Sure," seryosong sabi ko pero naaaliw ako sa kanila. Ang seryoso kasi ng itsura nila.
Hinila nila ako sa kwarto nilang dalawa tapos pinaupo nila ako sa kama. Nilock pa talaga ni Summer ung pinto.

"So? What is it all about?" seryosong sabi ko sa kanila.

"It's Lola Lita's and Lolo Gener's wedding anniversary this coming Friday. We want to give them a surprise gift," sagot sa kin ni Winter.

"Really? Ang sweet naman ng babies ko," natutuwang sabi ko sa kanila at niyakap sila. Pero may naalala ako. "What's with the stars?"
Humiwalay sa kin si Summer at tinignan si Winter.

Tumango naman si Winter.

"Kasi po, we decided na kung sino may mas onting stars this day, sya ung mag-iisip ng gift for them. Winter actually got 5 stars, I've got 4 for today. But, Mom, I'm not good with giving proper gifts for them. So, I asked Winter to exchange stars with me. But I'm still going to help him making it," paliwanag ni Summer.
Natawa naman ako sa paliwanag ni Summer. Sana hindi na lang sila nagpataasan pa ng stars kasi si Winter pa rin ang nagparaya. Lagi kasing pinagbibigyan ni Winter si Summer. Pero kahit sino naman, pagbibigyan si Summer eh. She's a natural charmer.

"Why are you laughing, Mom?"

"Kasi po, nagpataasan pa kayo ng stars pero si kuya pa rin ang gagawa,"

"Mom, you know how persistent Summer can be," singit ni Winter.

Napalabi si Summer tapos ngumiti sya, "That's charm,"

Natawa kami ni Winter sa kanya.

"So, I'm an accomplice? Ano gagawin ko?" tanong ko sa kanila.

Napaisip si Summer. May patingin-tingin pa sya sa kisame at hawak sa sintido nya.

Maya-maya,
"Hmmm... Mom, bake po tayo ng cake for them," suggest ni Winter.

"Pero makikita nila pag nagbake tayo," sagot ko.

"Mom, we can just act as if I'm craving for a cake," sabi ni Summer.

"Okay,"

Etong mga anak ko, parang hindi bata ang nag-iisip eh. Pero ang sweet.

***

"Summer, Winter, I've got something to tell you but don't forget that Mom will always love you," panimula ko sa kanila. Katatapos lang naming magbake ng cake. Nandito na kami sa swing na nasa garden. Buong gabi kong pinag-isipan kung dapat ko na bang sabihin sa kanila ung tungkol kay Aidan.

"Ano po un?"inosenteng tanong ni Summer.
Huminga muna ako nang malalim.

"About your dad,"

"Our dad is already here?" Nanlalaki ung matang tanong ni Summer. Halata din ung saya sa boses nya.

Sinabi ko kasing nasa Pilipinas ung dad nila dahil sa trabaho kaya hindi na sila masyadong nagtatanong about dun. Alam rin nila ang ilang bagay about kay Aidan. Alam nilang hiwalay kami ng dad nila.

"Anytime, pwede syang dumating. Are you ready to meet him?"

"Yes, yes. Marami po akong kwento sa kanya," natutuwang sagot ni Summer.

"How about you, Winter?" Tanong ko sa kanya. Hindi kasi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sa kin na parang inoobserbahan ako.

"I don't know, Mom,"simpleng sagot nya pero halatang may gusto syang sabihin.

Niyakap ko na lang silang dalawa. Sana tama ang desisyon ko. Sana hindi maapektuhan ang mga bata.

***

"Winter, can I talk to you, baby?" Tanong ko kay Winter. Naabutan ko syang gising pa sa kwarto nila. Si Summer, tulog na. Gusto ko lang tignan sila habang natutulog. Pero dahil gising pa si Winter, might as well ask him about his dad.

"Opo," sagot nya sa kin.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ung buhok nya.

"Do you want to meet your dad?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Honestly, Mom, I want to meet him but I don't know if I can accept him,"

"Why?" nagtatakang tanong ko. Mag-aapat na taon ba talaga 'tong anak ko?

"Because he already hurt you. I saw you crying one night while looking at his picture then I heard you talking to Tita Ninang over the phone. You're also crying while mentioning his name. I swore to our angel that I'd be our family's savior and I'll protect you and Summer. Baka po pag nandyan na ulit sya, masaktan ulit kayo. Okay lang po kahit wala akong Daddy basta po hindi kayo masasaktan ulit,"

Napaluha naman ako sa sinabi ng anak ko. Hindi ko alam na may idea pala sya tungkol sa nangyari samin ng Daddy nya.

Niyakap ko sya at sa gumagaralgal na boses,"Okay lang ako, baby. I want you to experience having a dad. I'm ready to face him so you can meet him. May karapatan din ang daddy nyo na makasama kayo. Give him a chance, will you?" tanong ko sa kanya.

Eto ang napagdesisyunan ko kagabi. Kahit na nasaktan ako, ayaw ko nang ideprive ang mag-aama ko na makilala ang isa't isa. Kailangan ko na ring harapin ung sakit para makapagmove on na ko. Nakakapagod ding lagi na lang nasasaktan at nagagalit. 5 years were already long enough. Kailangan ko nang tanggapin na kahit kelan, wala nang "kami". I want to do this right, for me, for River and of course, for my children.

"Okay po but are you really sure, Mom?" Paninigurado nya.

"Of course, baby. Kaya sleep ka na ha?"

"Okay po. Good night," sabi nya at humalik sa kin.

Pinahiga ko sya at kinumutan. Pagkatapos, hinalikan ko silang dalawa at bumalik sa kwarto ko.

"I can do this,"bulong ko sa sarili ko. Sana lang kayanin ko talaga.


>>>tnx for reading... ^_____^
---till next time... ^_____^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon