GOMP 30 - Picnic

12.2K 208 7
                                    

Chapter 30

"Mom, faster. Ang bagal mo po,"sigaw ni Summer mula sa labas. Halatang excited na sya sa picnic. Simula pa kaninang niyaya sya ng Daddy nya, gusto na nya agad umalis. Pati sina Tita Mary kinulit pa nya. Pero dahil masakit daw ung rayuma ni Tito Joseph, hindi na lang sila sumama. Alam kong nagdadahilan lang si Tita. Kumindat kasi sya sa kin kanina. May pinagmanahan talaga ng kakulitan si Summer.
Ako ung nagprepare ng picnic basket namin. Si Aidan naman ung nag-ayos ng mga kailangan ng mga bata tulad ng damit. Para talaga kaming isang pamilya.

Lumabas na ko ng bahay nang masiguro kong wala na kaming nakalimutan.

"You're too excited, baby,"nakangiting puna ko kay Summer.

"Of course, Mom. Winter is also very excited,"

"I'm not,"sansala ni Winter.

"Then how come you're first to get out of our house?"tudyo ni Summer.

Namula si Winter sa sinabi ng kapatid at sumimangot.

"Got you, kuya,"natatawang sabi ni Summer. Kapag nasa mood talaga si Summer, inaasar nya si Winter. Hindi naman napatol si Winter sa kapatid kaya malakas ang loob ni Summer.

Tawa kami ng tawa nina Aidan dahil sa pag-aasaran ng mga bata. Pero natigil ang tawa ko nang masulyapan ko si Aidan. Saktong napatingin din sya sa kin. Unti-unting nawala ung ngiti nya at mataman akong tinignan. He has this look that makes my heart beat so fast and make me gasp for air. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa. Parang walang gusto magbawi ng tingin sa aming dalawa.

"Mom, Dad, hindi pa po ba tayo aalis or magtititigan na lang po kayo?"untag ni Summer sa min.

Napaigtad tuloy kaming dalawa. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin at binaling kay Summer ung tingin ko. Ang susme, nakapameywang pa sya at animo isang matandang dalawa na naglelecture sa mga kabataang naliligaw ng landas.

Si Winter nasa tabi ni Summer at nangingislap ang mata.

'What's with this two?' Tanong ko sa sarili ko.
Binuhat ni Aidan si Summer. Humalik naman agad si Summer sa ama at bumulong.
Ano kaya un?

***

"Daddy, sa inyo po ba ito?"tanong ni Summer kay Aidan habang nag-aayos kami ng blanket para sa picnic namin.

"Yes, princess. Do you like it?"

Sa isang farm kami huminto. Malawak sya. Puro puno ng mangga ung nakita kong tanim. Pagkakita ko dun sa mga hilaw na mangga, para akong naglilihi. I always love eating green mangoes. Mas maasim, mas masarap.
Sa ilalim kami ng isang mayabong na puno nagset-up. Sa harap nun, may sapa.

"I love it, Dad. Pero gusto ko po ng mango. Ung hilaw. Pwede po tayong umakyat?"hiling ni Summer. Kaagawan ko yan sa hilaw na manga eh.

"Dad, I want the ripe ones,"sabi naman ni Winter. Si Winter ang may sweet tooth sa min. Mahilig yan sa matatamis lalo na sa manga.

"Sure. Pero hindi tayo ang aakyat ha? Magpapakuha na lang ako,"nakangiting sagot ni Aidan. Pagkatapos, humarap sya sa kin.

"Hilaw rin sa 'yo, hindi ba?"

"Yes. Thank you,"nag-iinit ang pisnging sabi ko. He still remembered it.

***Start of Flashback***

"Ayoko nga yan. Hindi masarap,"reklamo ko kay Aidan. Sinamahan ko syang maggrocery. Nagstay na kasi sya sa condo nya simula nung nagkaroon kami ng relasyon. Dun rin ako kadalasan pumupunta kaya para sa min 'tong binibili namin. Pero itong lalaking 'to, gustong bilhin ripe mangoes.

Getting on my PantsWhere stories live. Discover now