GOMP 5 - Dinner

23K 294 19
                                    

Chapter 5

Nang medyo mahimasmasan ako, itinuloy ko ung pagmamaneho. Siguro naman, hindi na ako maaaksidente nito.

Habang daan, unti-unti pa ring bumabalik ung mga alaalang pinilit kong kalimutan sa loob ng limang taon. Pinilit pero hindi nagawa.

***Start of Flashback***

"Bruu, san ka uuwi ngayon?" tanong sa kin ni Elenny. Nasa office kami ngayon. May meeting kasi ako with my handler. Ifefeature daw kasi ako sa magazine, wearing my own design dito sa company namin.

Si Elenny naman, nagpasa ng designs for the next fashion show ng company. Quarterly kasi ginawa ang fashion show.

"Condo. Mas malapit kasi sya sa photoshoot ko bukas," sagot ko kay Elenny.

Bukod kasi sa bahay na namana ko kina Lola, may condo unit din ako. Pero, minsan lang ako pumupunta dito. Pag malapit ung trabaho ko dun, dun ako nagstay. O kaya, pag may problem ako. Ayoko rin kasing mag-alala sina Tatay Gener at Nanay Lita eh.

"I didn't bring my car so can I hitch?" tanong ni Elenny.

"Sure. Along the way lang naman ung bahay nyo eh. Can we have a dinner first? I'm starving to death,"

"Oo naman. Gutom na rin ako eh," pagpayag ni Elenny.

***

Napili naming magdinner sa Italiani's. I'm craving for pasta.

"So, ano nangyari sa inyo ni kuya Aidan nung isang linggo?" nang-iintrigang tanong agad ni Elenny pagkabigay namin ng orders sa waiter.

Hearing Aidan's name brought back the image of us in my house. Nag-init ang pisngi ko dahil dun. Pero kasabay nun, nandun ung sakit. Talagang hindi na sya kinontak ni Aidan. Talagang ginawa nito ung sinabi nya. Hindi tuloy nya alam kung tama ba ung desisyon nyang sabihin un o ano. Akala nya mas okay ung ganun para hindi sya umasa. Pero akala lang pala. Kasi, mas masakit pala un. Lalo na at naranasan nyang mahalin din ni Aidan kahit isang gabi lang.

"Bruu, you're blushing," puna ni Elenny.

>>>Elenny's POV

"Bruu, you're blushing," puna ko kay Paige. Gusto ko lang naman magtanong sana kung anong nangyari nung isang linggo. It seems something really happened. Namumula kasi si Paige eh, which is unusual.

"Ha, eh. Wala. Sa bahay na namin dinala si Aidan kasi wala kaming susi nung condo nya. Ayun, nakatulog agad pagdala namin sa guest room," sagot ni Paige. Malikot ung mata nya. Hindi rin sya makatingin ng diretso sa kin which means na nagsisinungaling sya. Hindi kasi talaga ito marunong magsinungaling eh.

"What really happened?" seryosong tanong ko, hinuli ko ung mata nya. Pero ayaw talagang tumingin sa kin.

Something really happened, that's for sure.

"Ma'am, here's your orders," singit ng waiter.

Tinignan ko ng masama ung waiter. Wrong timing kasi eh.

Mukhang nailang namin ung waiter sa tingin ko kaya dali-dali nyang nilapag ung mga inorder namin at umalis din.

"Paige?" untag ko ulit kay Paige. Minsan ko lang syang tawagin sa pangalan nya. Pag seryoso na talaga ako at alam un ni Paige.

"Pwede bang hindi muna ako magkwento?" nag-aalangang tanong ni Paige sa kin.

Tinignan ko syang mabuti.

"Alright. I won't force you to tell me now. But, when you're ready, I'm willing to listen," pagpayag ko sa kanya.

As bestfriends, we're sensitive enough kung ano gusto ng isa't isa. Nirerespeto namin kung ayaw pang magkwento ang isa. In time kasi, magkekwento rin kami.

Getting on my PantsWhere stories live. Discover now