Chapter 3: Not A First Date

111 6 0
                                        

Nagising siyang nang dahil sa liwanag na nagmumula sa papasikat pa lamang na araw. Isang gabi na naman ang lumipas. Maaliwalas ang umaga na iyon. Bumangon siya at ngumiti. Sabado ngayon. Pagtingin niya sa orasan, pasado alas sais na ng umaga. Dumeretso na siya sa banyo upang maligo.

  Ramdam niya ang lamig ng tubig mula sa shower. Hindi niya maiwasan na mag-isip kung ano kayang mangyayari sa araw na ito. Nakaramdam siya ng kaba. Ngunit sa kabila ng walang kasiguraduhan na magaganap, nakakaramdam siya ng saya. Bakit? Dahil ba makakasama niya si Yel?

     Napailiing siya. Hindi, hindi dapat siya makaramdam ng saya. Pupunta lamang ngayon si Yel dahil obligado ito, at hindi dahil nais rin siyang makita nito. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib.

     Pagkatapos maligo ay binuksan niya ang cabinet upang maghanap ng isusuot. Ano kayang isusuot niya? Ano kayang bagay sa kanya? Saan kaya siya magiging pinakamaganda?

     Pagkatapos magsukat ng ilang damit ay hindi pa rin siya makapagdesisyon kung ano ang susuotin.

Teka.

     Anong nangyayari sa kanya? Bakit bigla siyang naging conscious sa kaniyang itsura? Dati-rati ay nagsusuot lamang siya ng damit batay sa kung anong unang mahawakan niya, bakit bigla niyang nais na mapansin ni Yel?

     Habang nagiisip ay bigla siyang nakaramdam ng tensyon sa sikmura. Tumakbo siya pabalik ng banyo upang sumuka. Bakit pa ba siya magtataka? Araw-araw niya itong nararanasan mula nung ikatlong linggo matapos ang gabing iyon, wala nang bago.

     Magpupunas sana siya ng labi nang mapansing wala nang tissue ang holder.

     Nang akmang kukuha niya ng panibagong roll ng tissue mula sa lalagyan ay may napansin siyang pamilyar na kahon. Binulsa niya nito at hinawakan ang bestidang laman nito. Napapikit siya.

“Para saan ‘to?” tanong ni Jan na may halong pagtataka.

“Malamang, para sa’yo”, ngumiti si Yel.

“Pero ba..bakit? Anong..”, napatigil sa pagsasalita si Jan nang idampi ni Yel ang hintuturo nito sa kanyang labi.

“Shhhh. wag ka nang magtanong. Suotin mo ‘yan kung kailan mo gusto. Alam kong paborito mo ang kulay violet. Isa pa, nakita kong napatingin ka dyan nang madaanan natin. Bagay na bagay sa’yo yan…” Tumingin ito sa malayo. “Jam kahit naman anong suotin mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko. Kahit na hindi na’ko makakita, kahit pa may ilang milyong babaeng hubad na sa harap ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko.” Tumingin ito sa mga mata niya at ngumiti.

     Sinalubong niya ang mga tingin nito. Alam niyang namumula na siya nang mga oras na iyon pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga lamang ay si Yel at ang sayang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Ngumiti din siya.

“Sa-salamat.”

“Pero kung nagsawa ka na dyan sa damit na yan, I would love to see you naked, You know.”

     Nagulat siya at binatukan si Yel. Nagtawanan sila. Sobrang saya ng oras na iyon, saya na binawi sa kanya ng panahon

Nagmulat siya ng mata at isinuot ang bestida.

Naglagay siya ng lipstick at ilang pang make-up Hindi siya palaayos ngunit iba ang araw na iyon. Masyado itong epesyal para sa kanya. Pinabayaan niyang nakalugay ang tuwid niyang buhok na hanggang bewang. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Bumagay sa kanya ang pulang lipstick. Singkit ang kanyang mga mata dahil na rin sa dugong chinese. Lalong lumabas ang pagkaputi ng kanyang kulay dahil sa violet na bestida.

Katamtaman lamang ang hugis ng katawan niya, hindi siya mataba ngunit hindi rin naman siya payat. Katamtaman din lamang ang kanyang taas. Maraming nagsasabi na maganda siya. Katunayan ay marami nang nanligaw sa kanya pero kahit isa, wala siyang pinagbigyan ng kanyang puso at atensyon dahil kahit baliktarin man ang mundo, nakalaan lamang ito para sa isang tao.

Lumabas na siya ng kwarto at bumaba na ng hagdan.

Nakita niya si Manang Rosie at agad itong binati.

“Good morning po Manang. Kamusta po ang umaga?” napatingin nito sa kanya. May ilang segundo bago ito sumagot. Halata ang pagkabigla sa mukha nito ngunit agad ding ngumiti.

“Good morning din Janna. Hindi kita nakilala ah!” Biro ng kasambahay. Tumawa si Jan. Lumapit ito sa matanda at inakbayan ito. Close siya kay Manang Rosie. Halos nasubaybayan na nito ang kanyang paglaki. Ito ang nagalaga sa kanya simula pagkabata. Mas matagal pa niya itong nakasama kaysa sa tunay na magulang. Mabait ito at parang anak na ang turing nito sa kanya. Ganun din naman ang turing niya sa matanda.

“Mukhang maganda ang gising natin ah. Ayos na ayos ka ah. Naku, ‘tong batang ito, may ka date ata. Sino ba ang maswerteng lalake?” tanong ni Manang Rosie.

“Manang naman eh. Hindi naman date. May pupuntahan lang kami.”

“Kami?” kumunot ang kilay ng matanda ngunit nakangiti pa rin, naghihintqy ng sagot.

“Ni…Yel”

Nagulat si Manang Rosie. Napawi ang ngiti sa mga labi nito.

“Yel? Yel ba kamo?

Tumango si Janna.

“Janna, sigurado ka ba? Sigurado ka ba sa gagawin mo?”

“Opo”, maikling tugon ng dalaga.

Napabuntong hininga ang matanda.

“Janna, ayokong masaktan ka. Ayoko na ulit na bumalik ka sa dati, sa mga araw na wala kang ginawa kundi umiyak.” May pag-aalala sa tinig nito.

Ngumiti si Janna. "Alam ko pong nag-aalala kayo pero alam ko po ang gagawin ko. Gusto ko pong maging masaya.”

“Alam kong matalino ka. Hindi ako nagdududa sa desisyon mo. Alam mo na ang tama at mali. Basta mag iingat ka. Wag ka magpapagabi at baka tumawag ang mama mo.”

Niyakap ni Jan ang matanda.

“Salamat po sa pag intindi. Salamat po talaga.”

“Magandang araw para sa himala Jan. Sige na, baka tanghaliin ka pa.”

“Sana nga po. Sige po, alis na po ako.” Nagmano ito. Lumabas siya ng pinto at huminga ng malalim.

***********************************************************************************

Habang papalapit sa lugar ng pagtatagpuan ay palakas rin ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Parang may naghahabulan na daga, parang na pupulit na sumabog. Paano kaya pag nagkita na sila. Paano niya babatiin si Yel? “Kamusta” ba? o “Hello” ba? Ano kaya kung simpleng “Hi”? Mas maganda ba kung iintayin na lamang niya na ito ang unang bumati sa kanyua? Parang gustong sumuko ng utak niya. Mas mahirap pa yata ito sa lahat ng mahihirap na exams sa buong buhay niya. Walang numbers, walang computations, walang formula. Hindi niya maaasahan ang calculator at textbooks. Lalong walang maitutulong si Einstein, Phythagoras, Plato o si Obamma sa kanya. Isip! Isip! Panay ang practice niya ng sasabihin kahit na mahirap. Excited siya dahil sa pagkakataong iyon, nagkaisa ang utak at puso niya. Nasa ganito siyang pag-iisip ng magsalita ang driver ng taxi.

“Ma'am, nandito na po tayo.”

Nagbayad siya at bumaba ng sasakyan Pagtingin niya sa relo, 8:15 na

Luminga-linga siya sa paligid. Hinahanap ng mga mata ang mukhang iyon. Nasaan na kaya?

“Hi Jan!”

Pamilyar ang tinig na iyon mula sa kanyang likuran. Nakaramdam siya ng panlalamig sa buong katawan. Tumayo yata ang balahibo sa kanyang batok. Nilamon siya ng kaba. Lumingon siya at ang nakangiting mukha ni Yel ang sumalubong sa kanya. Nabigla siya at muntikan nang papanganga. Sigaw ng isip niya…

"bakit naman sobrang gwapo niya?”

Can We Fall?Where stories live. Discover now