Chapter 2: The Missing Color

124 11 4
                                        

Pumasok si Jan sa gate. napansin niya ang kulay puting sasakyan sa garahe. Himala, nasa bahay ang mama niya.

"Magandang gabi Jan, paghahain ba kita ng dinner mo?" tanong ni manang Rosie.

"Good evening din po. Kumain na po ba si mama?"

"Naku Jan, kumain na daw sa labas ang mama mo." Paliwanang ng kasambahay.

"Ganun po ba? Sige po manang, bukas na lang po ako ng umaga kakain. Salamat po."

"Oh sige. Magpahinga ka na." Umalis na ito at nagtungo sa kusina.

Akmang aakyat na si Jan nang hagdan nang biglang magsalita ang mama niya. Hindi niya alam kung saang bahagi ng bahay ito nanggaling.

"How's school Jan?"

"Fine. How's business?" tanong ni Jan.

"Having some troubles with some branches but kaya naman i-manage. You know, doing my best para kapag naka-graduate ka na, wala ka nang problema sa company." Ngumiti ito.

"Good to hear that. I understand Mom. " Pilit ang ngiting kanyang pinakawalan.

"I talked with your dad earlier. He was asking if you're still running for summa cum laude. I said yes. So study hard okay? Make us proud. Alam mo naman ang magiging mga responsibilities mo sa future" paliwanang ng ina.

Future, huh?

Tumango si Jan.

"Okay, got it Mom. Taas na po ako. Good night." 

Binilisan niya ang pag-akyat ng hagdan. Hindi na niya hinintay ang magiging sagot ng ina. Pagkapasok niya ng kanyang kawrto ay agad tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Halos isang buwan silang hindi nagkita ng ina. Alam niyang ganito ang magiging pag-uusap nila ngunit kahit papaano ay umasa pa rin siyang kakamustahin siya ng ina hindi bilang estudyante, kundi bilang isang anak.

Galing si Jan sa isang sikat na pamilya pagdating sa business. Nasa China ang kanyang ama upang mangasiwa ng kanilang kumpanya. Ang ina naman ang nagpapalawak ng business nila dito sa Pilipinas.Simula pagkabata ay itinatak na sa isipan niya na kailangan niyang maging pinakamagaling. Alam niya ang kanyang mga responsibilidad bilang isang Tan. 

Simula nang mag-aral ay siya ang laging nangunguna sa klase. Siya lagi ang pinakamatalino. Marami na siyang napatunayan pero alam niyang may kulang. Alam niyang may nawawalang kulay sa buhay niya. Parang hindi siya masaya.

Buong buhay niya, sumusunod lamang siya sa kung anong pinapagawa ng magulang. Lagi lamang siyang tumatanggap ng ibinabato sa kanya. Bilang sa daliri ang pagkakamali niya. Masyado siyang matalino at kaya niyang i-sort out ang dapat gawin at kung ano ang hindi dapat. Ganito ang pag-iisip niya.

Bukod sa gabing iyon.

Hindi gumana ang utak niya. Sadyang mas malakas ang tulak ng kanyang puso. Sa kauna-unahang pagkakataon, alam niyang may nagawa siyang hindi tama pero sigurado rin siyang hindi mali.

Paano niya ipapaliwanang sa magulang niya ang nangyari sakali ngang buntis siya. Paano ang nakatakda niyang gawin pagkatapos niya ng kolehiyo? Maiintindihan ba siya? Susuportahan ba siya? O ipagtatabuyan ba siya dahil kahihiyan siya ng pamilya?

Nagsisimula na siyang balutin ng takot, ng lungkot. Napalingon siya sa piano sa loob ng kaniyang kwarto. Alam niyang sa ganitong pagkakataon, ito lamang ang karamay niya. Ito lamang ang makakaramdam ng lahat ng sakit niya.

Nagsimula siyang tumugtog. Bawat nota, unti-unting lumilipad ang isip niya. Pakiramdam niya ay nakikipag-isang dibdib siya sa musika. Ipinikit niya ang mata at hinayaang tangayin siya ng alaala sa lugar king saan ay naging ligtas siya.

"Ang galing mo naman tumugtog. Bakit hindi kita nakikita sa mga school competitions?"

Nagulat siya at napatigil sa pagtugtog. May lalake na nakatayo sa pintuan ng music room ng kanilang paaralan. Sampung taong gulang siya noon.

"Hindi ako pinapayagan. Gusto kasi ng mga magulang ko ko na mag-focus lang ako sa pag-aaral." Malungkot na wika niya.

"Eh 'di wag mo ipaalam. Sayang naman ang talent mo." Lumapit ito sa kanya. "Simula ngayon, fan mo na ko ha? Ang galing galing mo. Tumugtog ka lang ha? Susuportahan kita." Ngumiti ito.

Nakaramdam siya ng init sa buong pagkatao niya. Parang may lumilipad na paru-paro kanyang tiyan. Mabilis ang tibok ng puso niya. Ano itong nararamdaman ko?

Walang paglagyan ang banyagang emosyon na iyon. Sa unang pagkakataon ay may naka-appreciate ng pagtugtog niya. Pagtugtog? Oo nga pala. Musika, musika ang kaligtasan ko mula sa buhay na meron na ako.

At nandito, may isang tao na sinabing tumugtog pa siya. Isang tao na sinabing magaling siya kahit hindi siya nakakuha ng pinakamataas na marka sa klase. Isang tao na tinanggap siya hindi bilang si Jan na ang alam lamang ay mag-aral, kundi si Jan na sa kabila ng expectations ng mundo, at the end of the day, ay isa pa ring bata. Isang bata na nangungulila sa pagmamahal. Isang bata na iniisip kung saan ang lugar niya sa mundo. Isang bata na hinahanap ang nawawalang kulay. Isang bata na nangangarap.

Pangarap?

Oo, ngayon ay alam na niya ang pangarap niya. Tumugtog. Musika.

"Salamat." Hindi na niya napigilan ang luha.

"Hala! Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ng lalake.

Umiling siya. "Masaya ako., sobra."

Nagpunas siya at ngumiti. Ngumiti din ang lalake. 

"Anong pangalan mo?" tanong nito sa kanya.

"Janna..Janna Tan. Grade 5, section 1."

"Ang ganda ng pangalan mo, kasing-ganda mo." Tumawa ito ng bahagya. Namula ata siya. Nilahad nito ang kamay sa kanya.

Inabot niya ang kanyang kamay. Nagkamay sila. Nagtagal ng limang segundo. At ang limang segundong iyon ay ilan lamang sa mga segundo kasama niya ang lalakeng ito na kailanman ay hindi niya makakalimutan.

"Nathaniel...Nathaniel Guevarra, grade 5 din, section 2."

Parang tumigil ang oras. Nakita siya ng iba't-ibang kulay sa ngiti ni Yel. Alam niyang sa oras na iyon ay natagpuan na niya ang nawawalang kulay na matagal niyang hinanap.

Tumigil siya sa pagtugtog. Nagmulat siya ng mata. Napalitan na ng saya ang lungkot na nabuo kanina. 

Naligo siya at nagbihis. Pagkahiga sa kama ay tinignan niya ang kanyang cellphone. May text galing kay Yel.

Saturday na bukas. See you at around 8am. Good night. Sweet dreams. :)

Napangiti siya. Ipinikit niya ang kanyang mata. Alam niyang hindi dapat pero excited siya sa kung ano ang ihahain sa kanya ng bukas.

Can We Fall?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora