CHAPTER 17

1.6M 32.7K 9.6K
                                    

CHAPTER 17

ANG SASAKYAN ni Haze ang ginamit nila ni Lath patungo sa bahay ng pinsan nito. Napag-alaman nila kahapon na walang paalam na ginamit ni Lash ang sasakyan ni Lath, and Lath didn't seem to mind.

Medyo naiinggit siya sa relasyong mayroon sina Lath at Lash. Oo nga at close sila ng nakababata niyang kapatid pero hindi ganoon ka-close na kahit murahin pa nina Lash at Lath ang isa't isa, ayos lang.

"Nandito na tayo," imporma ni Lath nang ipasok nito ang sasakyan sa isang mataas at malapad na iron gate na may nakasulat na "Phoenix Martinez' Kingdom."

Natawa si Haze sa nakasulat sa gate. "Kingdom talaga?"

Lath chuckled. "Medyo may pagka-weird ang pinsan kong 'to. Pagpasensiyahan mo na."

Napailing-iling siya at nanatiling tahimik hanggang sa itinigil ni Lath ang sasakyan sa harap ng malaking mansiyon.

"Wow." Napaawang ang mga labi niya. "Lahi ba talaga kayo ng mayayaman?"

Lath rolled his eyes. "Ang mga magulang namin ang mayaman, until we, my cousin, Phoenix, made a name for ourselves. Itong malaking bahay na 'to ay masasabing galing sa dugo at pawis niya."

"Ano'ng trabaho niya?"

"He invents things and sells it to the highest bidder, but the patent still belongs to him."

Binasa niya ang nanunuyong mga labi. "Wow."

"I know."

Sabay silang lumabas ng sasakyan ni Lath at nang magkalapit uli sila, pinagsalikop nito ang kanilang mga palad at iginiya siya palapit sa pinto ng bahay.

Sa halip na doorbell, isang malapad na screen ang nasa gilid ng pinto. Inilapat lang si Lath ang hintuturo sa screen, 'tapos biglang bumukas ang pinto.

Napaawang ang mga labi niya. "What the..."

"It's fingerprint locked," paliwanag ni Lath sa kanya nang makita ang gulat sa mukha niya. "Iilan lang ang puwedeng magbukas ng pinto. Sa magpipinsan, tanging kami lang ni Lash ang kinunan niya ng fingerprint. Maybe because he trusts us, I don't know. Phoenix is weird, I tell you. If your fingerprint is not registered..." Itinuro nito ang kisame. "May lalabas na mga baril diyan at siguradong mamamaalam ka kapag nagpilit ka."

Napalunok si Haze. "At hinahayaan lang siya ng gobyerno?"

"Why wouldn't they?" Lath shrugged. "Phoenix Martinez is the man who supplied their military guns and that kind of stuff."

"Oh."

"Yeah. Oh." Lath tugged her hand. "Come on."

Pumasok sila ni Lath sa loob ng bahay at mula sa sala, naririnig ni Haze ang mga lalaking nagtatawanan. Habang palapit sila nang palapit ni Lath, mas kinakabahan siya. Sa kuwento ni Lath, mukhang close ito at si Phoenix. What if Phoenix didn't like her for his cousin? What if Lath's other rich friends didn't like her too?

Ang daming what ifs sa isip niya at kinakain n'on ang confidence niya sa katawan.

Nang makapasok sila sa pinto kung saan magmumula ang tawanan, Haze just gaped at the scene in front of her.

Four handsome men were joking and laughing with each other. Ang dalawa sa apat ay nakaharap sa stove at nagluluto, ang isa ay naghahain sa hapagkainan at ang isa naman ay parang gumagawa ng inumin.

Lath cleared his throat.

All eyes were on them... and on her. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. Hindi niya kaya ang kaguwapuhan ng mga nilalang na nasa harap niya. Para siyang naso-suffocate.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanWhere stories live. Discover now