CHAPTER 4

1.6M 33.2K 5.7K
                                    

CHAPTER 4

NAGPUPUYOS ANG KALOOBAN ni Haze sa sobrang galit. Kumukulo ang dugo niya at tumataas ang presyon niya. Nagising siya sa isang estrangherong kuwarto at wala siyang saplot ni isa!

Gulong-gulo ang isip niya at takot na takot. Hinahalungkat niya ang isip kung saan siya dinala ni Lath, ito lang naman ang kasama niya kagabi... ito ang nag-uwi sa kanya.

Nang halughugin niya ang buong kuwarto, may nakita siyang T-shirt na nakahimlay sa sofa na naroon. Nang amuyin niya ang T-shirt, amoy-Lath 'yon kaya naman napagtagni-tagni niya ang lahat.

Hindi siya inuwi ni Lath kundi dinala sa ibang bahay! Argh!

Itinapi niya ang kumot sa hubad na katawan, saka nagmamartsang lumabas ng kuwarto at ginalugad ang buong bahay pero hindi pa rin niya makita si Lath.

And then the house swayed a little.

Umawang ang mga labi niya. Oh, God! Saan siya dinala ng hinayupak na 'yon?!

Hinanap ni Haze ang labasan at nakakita siya ng hagdanan pataas. Mabilis siyang umakyat at malakas na napasinghap nang makitang nasa isa siyang yate at wala siyang makitang lupa at mga puno.

"Oh, hell no..." Nasapo niya ang nakaawang na bibig. "Oh, God... Oh, God... Oh, God!" Malalaki ang mga mata niya habang tumitingin sa paligid na puro tubig. "Oh, God!"

Haze panicked. Nanlamig ang buong katawan niya nang makita si Lath na paakyat sa isang hagdan na nasa gilid.

"Nasaan ako?!" sigaw niya, puno ng galit ang boses. "Saan mo akong dinalang hinayupak ka?!"

Ilang minuto siyang tinitigan ni Lath, kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito. Naglakad ito palapit sa kanya, saka iminuwestra ang kamay sa loob ng yate. "I'll explain pero pasok muna tayo sa loob. Ang init dito, eh."

Pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin, saka nagmamartsang pumasok sa nilabasan niya.

Nang makapasok sa loob, pinagkrus ni Haze ang braso sa harapan at nanlilisik ang mga matang pinukol ng masamang tingin si Lath na ngayon ay nakatayo na isang metro ang layo sa kanya.

"Ano na?" mataray niyang tanong. "Magsalita ka bago ko buhatin itong rattan chair na malapit sa akin at ibalibag sa pagmumukha mo."

Lath chuckled and raked a hot stare over her body. "Nice outfit."

Mas tumalim pa ang mga mata niya. "Ang bastos mo!" she sneered at him. "Sino'ng naghubad sa akin kagabi? Ikaw? Ang bastos mo talagang lalaki ka!" Sa sobrang inis, binuhat niya ang rattan chair na malapit sa kanya at ibinato iyon sa lalaki.

Nasalo naman nito ang rattan at inilapag iyon sa sahig, saka pinukol siya ng masamang tingin. "Ano ba'ng problema mo?"

Nanlilisik ang mga mata niya. "At nagtatanong ka pang hinayupak ka?!" Dunuro niya ito. "Ikaw ang problema kong hudyo ka! Ikaw!"

"Paanong ako?! I took care of you last night!" Lath shouted back, staring her.

Ang gulat niya ay napalitan ng galit. "Bakit mo ako sinisigawang hudyo ka?! Argh! I hate you!"

Lath just rolled his eyes at her and handed her an envelope.

Nagsalubong ang mga kilay ni Haze. "Wala akong pakialam sa kung ano man ang laman niyan. Just take me home, damn it!"

Lath smirked. "Basahin mo muna ang laman niyan."

Napipilitang binuksan niya ang envelope at binasa ang laman.

Her mouth formed an "O." Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Nabitawan niya ang folder na hawak at nagtaas ng tingin kay Lath.

"A-ano 'yon?" she asked, shocked and dumbfounded.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon