PROLOGUE

1.9M 39.4K 6.1K
                                    

PROLOGUE

ISANG MALAKAS na sampal ang iginawad ni Haze sa pisngi ni Lath. Nagpupuyos siya sa galit habang nanlilisik na nakatingin sa kulay-lila nitong mga mata.

"Sana sinabi mo na lang sa akin para hindi ako nagulat sa nakita ko."

Lath didn't move. "I'm sorry, Haze."

Pinigilan niya ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya.

She thought that she and Lath had something special. Kaya naman akala niya ay mahal siya nito. Bakit ba nawala sa isip niya na babaero ang lalaking humalik sa kanya nang walang pahintulot? Ang lalaking inaya siya ng date bilang paghingi "daw" nito ng tawad— which she agreed. And when he asked her to be his girlfriend, she freaking said yes.

Haze was attracted to Lath Coleman. Normal lang naman 'yon. Attraction was healthy for a twenty-year-old woman and a fresh graduate. Pero sa nakalipas na mga araw na magkasama sila, lumalim ang atraksiyong nararamdaman niya kay Lath. Hanggang sa iniisip niya na baka nahuhulog na ang loob niya sa lalaki.

They had been dating for two weeks now. Oh, she was such a fool to believe the lies dripping from his sinful lips. Lath Coleman was nothing but a rake. A ladies' man who enjoyed slicing women's heart in a half.

Lath Coleman romanced her habang nagbabakasyon siya sa Baguio. Akala niya may something silang dalawa, pero mali ang akala niya dahil nahuli niya itong may kahalikang iba, at sa labas pa mismo ng hotel room na inookupa nito.

And not like any men, hindi ito nagdahilan para isalba ang sarili at ang relasyon nila. He accepted her slap with no expression on his face.

"I'm sorry," ulit nito.

She scowled. "Wala ka bang ibang sasabihin maliban diyan?"

Walang emosyon ang mukha ng lalaki. "Wala. I kissed another woman. You saw it. What's there to say other than I'm sorry?"

Pilit niyang binabasa ang emosyon itinatago nito pero bigo siya. "You're not sorry. Ni wala nga akong makitang guilt sa mukha mo." Umiling-iling siya. "I thought we had something. Well, mali pala ang akala ko at assuming lang ako. Ni hindi ka nga nag-explain kung bakit may kahalikan kang ibang babae—"

"Haze, ano ba ang gusto mong sabihin ko?" His voice was cold. "Yes, I kissed another woman. So what? Hindi kita asawa para magalit ka, girlfriend lang kita. I have all the right to kiss other women. You don't own me. Yes, those two weeks with you was fun, but it has to end now. I thought I could get into your pants. Pero dalawang linggo na ang nakalipas, wala pa ring nangyayari sa atin kahit nga inalok kitang maging girlfriend ko. Kaya naman naghanap ako ng iba na willing magpakama—"

Lumipad uli ang kamay niya sa pisngi ng lalaki at sobrang lakas na sinampal ito. She felt so numb of the sudden."The pain I'm feeling right now is my fault, but I still hate you for fooling me."

May nakatakas na isang butil ng luha sa pisngi niya. Agad niya iyong pinahid at tinalikuran ang lalaki. Nakakailang hakbang na siya nang marinig niyang tinawag ni Lath ang pangalan niya.

"Haze."

Like a lovesick fool that she was, she stopped and looked back. "What?"

"Five years."

Tumaas ang kilay niya, nagtatanong. "Ano?"

"Five years from now, hahanapin kita. At kapag wala ka pang asawa, magpapakasal tayong dalawa. Pangako 'yan." Kinindatan siya nito, saka pumasok sa loob ng hotel room na inookupa nito.

Napamaang siya at iritadong nagtagis ang mga bagang.

Ang hinayupak. Akala naman siguro nito ay hahayaan niya itong lokohin uli siya.

Na-ah. You fooled me once, shame on me. But you're not fooling me twice. Sisiguruhin kong sa edad na bente-singko, may asawa't anak na ako.

Umalis siya ng hotel na iyon na paulit-ulit na minumura at pinapatay si Lath Coleman sa isip niya. Sisiguruhin niyang wala nang lalaki na lolokohin siya nang ganoon.

Wala na. Wala!


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon