3rd Part

49.4K 782 20
                                    

"Tessa, what are my other appointment today?" Tanong ko sa secretary ko.

Tumingin muna ito sa memo nito.

"Sir wala na po free na po kayo this whole day" anito.

Napangiti ako dahil sa sinagot nito.

Lucky! kasi yayayain ko si Reona na mamasyal kaming dalawa...

"Thanks Tessa!" Wika ko dito tumango ito at nagpaalam na aalis.
Inayos ko na ang mga gamit ko saka masigla na sanang lalabas nang may biglang pumasok na pamilyar na pigura.

Lucille......

"Adam...." malaki ang ngiti na nakabalatay dito.

"L--lucille....." natitigilan na tawag ko din sa pangalan nito.

Patakbong tinakbo nito ang distansiya sa pagitan namin at sa pagkagulat ko ay niyakap ako nito.

"Wait Lucille!" Natatarantang binaklas ko ang pagkakayakap nito sa katawan ko.

"No Adam, I'm sorry nah, alam ko na nabubulagan ka lamang, nagtatampo kaya nasabi mo yun mga nasabi mo last time and don't worry I already forgive you " pero ayaw nitong lumayo at sa halip ay lalo pa nitong niyakap ako nang mahigpit.

"Stop it Lucille, please" sa huli nagawa ko din na mapakalas ito sa pagkakayakap nito sa akin.

"Pero Adam, I'm here because namimiss na kita,Umuwi ako dito kasi I want us to be back together, I love you Adam so much please Adam" naiiyak na tumingala ito sa akin.

Oh great! Shit what a mess! Napapikit ako para mapigilan ang pagtawa ko dahil nagkalat na sa mukha nito ang mascara gawa ng pag iyak nito.

"Lucille kasi....." sumasakit ang ulo na dumilat ako at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

"Why Adam may iba ka na ba ha?!" Naningkit ang mga mata nito. "Pinagpalit mo na ako nang ganun kadali lang! how dare you Adam!" Naiiyak na pinaghahampas nito ang dibdib ko.

"Lucille stop it ano ba!" Agad na hinagilap ko ang magkabilang kamay nito na pinaghahampas nito sa akin at marahan na tinulak ito saka lumayo dito.

"Adam please bumalik ka na sa akin, mahal pa din kita and if you want us to be married then so be it,just be with me again" nakikiusap ang tinig nito na yumakap sa akin.

Naiiling na napatitig na lamang ako dito.
Walang pumapasok sa isip ko.

"Adam...." napakurap ako nang dumukwang ito papaitaas at sa pagkabigla ko ay hinalikan ako ni Lucille sa labi ko.

Napapikit ako nang mariin at kinabig ko na ito palapit sa akin at tinugon na ang paghalik nito.

-----------------------------

"What?!" Napapikit ako dahil sa lakas nang pagsigaw ni Joey.

Nakangiwing tumango ako dito.

"Shit naman pre! Nakawala ka na nga nakipagbalikan ka pa ulit kay Lucille" nagpaikot ikot ito sa harapan ko.

"Binaba na ni Lucille ang pride n'ya handa na s'yang magpakasal sa akin at m--mahal ko pa din sya kaya---"

"Eh pano si Reona Girl mo, makikipaghiwalay ka na sa kanya?" Tanong ni Joey sa akin.

Natigilan ako sa tanong nito at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit na nadama ko sa tinanong nito.

"Bakit naman ako makikipag hiwalay m--may relasyon ba kami?
Kasi ang alam ko malapit na kaibigan ko lamang si Reona, nag eenjoy ako sa pag kasama sya pero si Lucille pa din ang mahal ko" alanganin na sagot ko dito.

Napatitig ito sa akin at lumapit pa lalo na halos ga pulgada na lang ang pagitan nang mukha namin.

"Kaibigan pero kinakama mo?
Kaibigan pero halos kasa kasama mo palagi na halos di na kayo mapaghiwalay, kaibigan pero hinahanap hanap mo palagi, kaibigan lang ba talaga ha Adam?" Naniningkit ang mga mata na tanong nito sa akin.

Napausod ako para makalayo kay Joey.

"Nag eenjoy lang kami sa isa't isa at saka no string attach ang meron kami ni Reona, I'm sure pag nalaman nya na nagkabalikan kami ni Lucille matutuwa pa sya para sa akin" sagot ko dito.

"Then di na sya makikipagkita sa iyo at maghahanap na lamang siya ng ibang ka ibigan right? Kasi di ka na libre"

"Of course not!" sagot ko dito.
Napahingal ako sa biglang pagtigil nang paghinga ko dahil sa pagkabigla ko sa sinabi nito.

Napakunot ang noo nito dahil sa reaksiyon ko saka napapailing na lumapit ito sa akin at tinapik tapik ako sa balikat ko.

"Then Adam I just want to tell you na masamang mamangka sa dalawang ilog lalo't di mo naman gusto ang ginagawa mo at naguguluhan ka lamang sa nararamdaman mo kasi pag dumating ang time na nasira na yang bangka na sinasakyan mo baka ikalunod mo yan kahit pa expert swimmer ka pa kasi tatanga tanga ka" sabi nito at walang paalam na iniwan na ako sa loob ng kwarto na kinaroonan namin.

Naguguluhan na nasundan ko na lamang nang tingin ang papalayong pigura ni Joey.

---------------

"R--really then m--masaya ako para sa iyo so ahm aalis na ako ha Jake may lakad pa kasi pala ako nakalimutan ko b--buti naalala ko" malaki ang ngiti na nakabalatay sa mukha ni Reona na tumayo na agad.

"Wait Reona kahit naman na nagkabalikan kami ni Lucille we can still be friends right?" Tanong ko dito at tumingin dito.

Nag iwas ito nang tingin at di sumagot sa tanong ko.

"Reona?" Tawag ko sa pangalan nito nang di ito tumugon.

"Ayoko" bulong nito na napayuko na.
Kumunot ang noo ko sa binulong nito.

"What Reona can you repeat that again I think I mishear you?"

"Bwiset naman Jake, gusto mo na maging magkaibigan pa tayo after nito Jake? maawa ka naman sa akin!!" Sigaw nito sa mukha ko.

Nagulat ako sa pagsigaw nito sa akin.
Mas lalo na nagulat ako nang mag angat ito ito nang mukha at nakita ko na tigmak na nang luha ang maamong mukha nito.

Tinangka ko na kunin ang braso nito nito pero pinalis nito ang kamay ko.

"Reona?" Nagtatanong ang mga mata ko na natitigan ito.

"Shit naman Jake wag mo akong titigan nang ganyan na para bang di mo alam ang ibig kong sabihin" wika pa nito at pinahid nito nang likod ng palad nito ang mukha nya na tigmak nang luha.

"Pero Reona" tinangka ko ulit na lumapit dito pero umatras na ito papalayo sa akin.

"Eto na ang huling beses na makikipagkita ako sa iyo Jake dahil para mo na akong gustong matrap sa isang swimming pool at hayaan ako sa ilalim nito hanggang mawalan na ako nang oxygen sa katawan sa gusto mong mangyari"

"Reona" naguguluhan na napatitig akn dito habang pigil pigil ko ang sarili ko na yakapin ito at aluin para di na ito umiyak pa.

"Jake Mahal na Mahal kita at para sa akin di ito basta laro na sinimulan nating dalawa" umiiyak na sabi nito na kinabigla ko.
"Mahal na Mahal kita na pag di ko ito pinatay" sabay turo nito sa tapat ng puso nito. "Itong pesteng nararamdaman ko baka dumating ang time na di ko na ito mapigilan pa at makiusap ako sa yo na tanggapin mo ako d'yan sa buhay mo kahit pangalawa lamang ako o panghuli pa ako para lamang makasama ka!" Iyun lang at walang lingon likod na tinalikuran ako nito at iniwan ako sa lugar na iyun.......

A REBOUND WIFEWhere stories live. Discover now