PROLOGUE

94.9K 1.1K 30

Naalimpungatan si Reona nang maramdaman nya ang mabilis na pag alis ni Jake sa Kama nila kaya agad din syang bumalikwas ng Bangon,

Nakita nya si Jake na nagsisimula nang suotin ang mga hinubad na Damit kanina na basta na lamang nito hinubad at hinagis kung saan saan sa kwarto.

"Jake aalis ka agad? Kararating mo lang ah, dito ka na muna" malambing na sabi ko dito.

Pero gaya nang madalas mangyari wala na naman etong kaimik imik.
Napabuntunghininga na lang ako,

Ano pa nga ba ang dapat asahan ko dito sa mahal ko na eto, sa isip isip ko lamang at tinignan na lang ang pormal na mukha nito.

Malamig ang pakikitungo nito sa akin,
Miminsan lamang magpakita nang emosyon ito at yun ay pag nasa kama na kaming dalawa.

Pagkaraan matapos yun dapat na mangyari ay eto daig pa ang bato sa kawalan nang expression sa mukha.

Para na lang akong hangin na di nya pinapansin,

Nakakaasar man na Aminin pero kahit na parang fubu lang nya ako ay okey lang sa akin,

Basta kasama ko lamang sya kahit sa kama lang kami nagtatagpo,

Nagulat pa ako nang tapos na pala etong magbihis at paalis na,
Kaya agad na napatayo ako at kipkip ang kumot para itago ang kahubdan ko ay pinigilan ang braso nito.

"Wait Jake! Kailan ka babalik ipaghahanda kita nang paborito mo na Adobo" alanganin ang ngiti na sumilay sa labi ko.

Pormal ang mukha nito na humarap sa akin.
Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan sa klase ng tingin nito.

"Reona" tawag nito sa pangalan ko na nagpatalbog nang puso ko.

"Jake?" I asked then he sigh and stare at me.

"This is the last time na magkikita tayo, let's end this affair" anito at di ko na napigilan na umiyak at ilang sandali pa ay humagulhol na ako nang tuluyan.

"No Jake, anong ibig mong sabihin mo tell me may mali ba ako? May ayaw ka ba sa akin tell me please I change it, but please don't leave me" napasubsob ako sa dibdib nito pero nilayo ako nito at marahan na tinulak palayo dito.

"It's not you, ako, ako ang may gusto na makipaghiwalay sa iyo, Reona"

"Pero bakit?" Nanlalabo na ang paningin ko sa dami ng luha na walang tigil na pumapatak mula sa mga mata ko.

"Reona...." he sigh and then look at me in my eyes. "Lucille and me are getting married, finally napapayag ko na din sya after many years na pag ungot ko sa kanya na magpakasal na kami, kaya dapat maghiwalay na tayo" sagot nito na nagpabingi sa mga tenga ko.

Lucille?

"P--pumayag na siya?" At tila pinangapusan ako nang hininga nang tumango ito.

"T--then make me your mistress, I swear di ako magdedemand nang kahit ano sa'yo basta wag mo lang akong itapon na parang basura, please Jake" pakiusap ko dito.

"Stop it Reona, walang tayo baka nakalilimutan mo na Fubu lang tayo at mahal na mahal ko si Lucille at di ko magagawang saktan sya" matigas na sagot nito at mababakas sa gwapong mukha nito ang galit sa akin.

"Jake please..." umiiyak na pakiusap ko ulit dito pero basta na lang akong tinalikuran nito at lumabas na sa unit na tinitirahan ko.

Dahan dahan na napaluhod ako at gigil na sinuntok ang sahig pero wala akong maramdaman na sakit kahit pa nagdurugo na pala ang kamao ko,

Mas lamang pa din ang sakit nang puso ko na walang pagdadalawang isip na pag iwan sa akin ni Jake,

Na minahal at sinamba ko mula pa nun unang magkita kami sa isang party na kapwa namin dinaluhan,

Di ko na sya tinantanan dahil sa tinamaan ng lintek na palaso ni Kupido ang puso ko pagkakita dito kahit alam ko na may kasintahan na ito at nasa ibang bansa lang,

Inakit ko siya at binigay ang lahat lahat nang akin, puso, katawan, pati na buhay ko handa kong ialay sa kanya pero.....

Si Lucille pa din ang pinili nya at dahil magpapakasal na sila ay basta na lang nya akong iniwanan,

Si Jake na mahal na mahal ko,

Si Jake na iniikutan nang mundo ko,

Si Jake na Ama ng batang dinadala ko....

A REBOUND WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!