CHAPTER 8

52.9K 992 44
                                    

"Thank you Manang" sabi ko sa kasambahay namin ni Jake at inabot na ang lunch na ginawa ko para kay Jake.

Ilang sandali pa nasa kotse na ako at sinimulan ko nang paandarin ito at saka umalis para pumunta sa opisina ni Jake.

Makalipas ang wala pang isang oras ay nasa tapat na ako nang opisina nito.
Pinag iisipan ko pa kung bababa na ako at pupunta agad kay Jake o tatawagan ito at sasabihin na nandirito ako sa labas ng building.

Pagkaraan ay ilang sandali pa ay nagdesisyon na ako na sorpresahin ito.
Kaya agad na bumaba na ako sa sasakyan ko at kinuha ang dala kong lunchbox para kay Jake.

Natigilan ako pagkakita kay Jake na papalabas naman sa building kaya agad na napangiti ako at sisigaw sana ang pangalan nito,

Pero tila na freeze ang galaw ko nang makita ko na ngumiti ito at sinalubong si Johanna na kasama si Lucille,
Tila nadurog ang puso ko nang makita ko na niyakap nito sina Johanna at Lucille saka inakbayan ang huli at kinarga naman si Johanna saka pumunta na sa Starrex Van na naghihintay sa mga ito at umalis na sa opisina.

Nanghihinang pumasok na lang uli ako sa kotse ko at marahan binaba ang lunchbox sa likod at umupo na ako sa may harap nang manibela.

Mahapdi na ang mga mata ko sa pagpipigil na umiyak pero kailangan na ikalma ko ang sarili ko.

Nanginginig na kinuha ko ang cellphone ko sa clutch bag ko at saka dinayal ang number ng telepono ng opisina ni Jake.

Agad naman na may sumagot sa tawag ko.

"Hello, may I help you?"napalunok agad ako pagkadinig sa boses ng secretary ni Jake.

"Ahm...si Reona ito" pagpapakilala ko at agad na napapapikit ako sa pasasalamat na di pumiyok ang boses ko.

"Ay Miss Reona kayo po pala" wika nito at ramdam ko agad ang tensiyon sa boses nito.

"Napatawag lang ako para sana tanungin kung nandiyan si Jake yayain ko kasi siya na mag lunch" tanong ko dito.

"Eh Miss Reona nasa meeting po kasi sya" nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil na sigawan ito at tawagin na sinungaling.

Dahil alam nya na ginagawa lamang nito ang trabaho nito.

"G--ganon ba? Pakisabi na lang na tumawag ako ha" sa halip ay pakiusap ko dito.

"Opo Miss Reona makakarating po" anito at ramdam ko na nakahinga na ito nang maluwag sa sinabi.

Pagkaraan na tapusin ko ang tawag ko dito ay sunod na tinawagan ko naman ang cellphone ni Jake.

Ilang sandali pa ay sinagot din nito ang pagtawag ko.

"Nasan ka?" Di ko na hinintay na tanungin nya ako at sa halip ako na ang naunang magtanong dito.

Ilang sandali na natahimik ito tila nililimi ang dapat na isagot sa akin.

"I'm in the middle of the meeting"sagot nito.

Liar!!! Sigaw nang isip ko.

"Oh I'm sorry kasi nasa labas na ako nang opisina mo at gusto sana kitang yayain na mag lunch di ko naman alam na nasa meeting ka" malambing na wika ko dito.

"Yeah I'm so sorry to hear that wala pa naman ako dyan sa opisina" anito.

"How about I wait for you na lang and then saka tayo mag lunch?"

"No!" Sigaw nito pagkaraan ay tumikhim ito. "I mean is matatagalan pa ako kasi dito sa meeting at baka mainip ka lamang maybe some other time na lang" malumanay na sabi nito.

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon