CHAPTER 15

57.3K 1K 33
                                    

"Mira pakiayos yun files ha, para bukas handa na pag hiningi ng client may maibigay tayo" utos ko sa sekretarya ko.

"Yes Mam" anito at saka lumabas na nang office ko.

Naiwan naman ako na abala pa din sa pagrereview nang ipiprisinta ko bukas sa kliyente.

Excited talaga ako sa meeting na mangyayari bukas dahil pag nagkataon yun ang unang project na ako ang head ang maipapasok ko sa kumpanya at masesemento ang mga agam agam ko sa sarili ko.

Na kaya ko pala na gawin ang mga akala ko na di magagawa ko.

Napapitlag pa ako nun biglang tumunog ang intercom malapit sa akin.

Agad na dinampot ko yun at saka sinagot.

"Hello?" Tanong ko agad.

"Mam may naghahanap po sa inyo dito, papapasukin ko po ba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Client ba natin?"

"Nope, pero po Mam, interested daw po sya sa mga product po natin" anito at di ko napigilan na mapangiti sa sinabi nito.

"Okay papasukin mo na Mira and please prepared us coffee"

"Yes po Mam"

"Thanks Mira" nagagalak na sabi ko dito at inayos na ang sarili ko at ilang saglit pa ay may kumatok na sa pinto kaya agad na tumayo na ako para pagbuksan ito.

"Hel----" nawala ang ngiti sa labi ko pagkakita ko sa tao na napagbuksan ko.

"Reona?" Kabaligtaran naman nito na napangiti pagkakita sa akin.

"J--jake?!!" Biglang sumalit sa isip ko yun huling beses na nagkita kami at inaway away ko siya.

"I...." napalapit ito sa akin at sa pagkabigla ko ay niyakap ako nito.
"I can't believe na makikita kita dito" nanlalaki ang mga mata ko na napatingala dito na malaki pa din ang pagkakangiti nito sa akin.

"Yeah...." di ko napigilan na basain ang labi ko dahil ramdam ko na parang dry ang mga ito. "A--ako din"

Ramdam na Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.

"So Reona interesado ako sa mga product nyo, so can you brief me on that?" Tanong nito at napakurap ako dito at saka lumayo dito at pumunta sa desk ko para kunin ang mga folder na naglalaman ng mga detalye ng mga produkto ng kumpanya namin.

"W---well Mr. Montecarlo please have a seat and let me discuss to you o--our product" alanganin na ngumiti ako dito at tinuro dito ang loveseat para upuan nito.

Agad naman na umupo ito sa tinuro ko at saka kinakabahan na sumunod dito.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Mira dala dala ang kapeng pinatimpla ko.

Good thing na Coffee ang pinahanda ko dahil alam ko na gusto ni Jake ang kape kaysa sa tea or juice.

After na makaalis si Mira ay hinarap ko na si Jake at kinakabahang man ay prinisinta ko na dito ang mga produkto ng kumpanya namin.

At tila nagustuhan naman ni Jake ang mga sinabi ko dahil madami itong mga tanong na agad na sinasagot ko naman.

"So what did you think Mr. Montecarlo? Did you like it or want to think about it?"

"Let's see, kakausapin ko pa ang mga Executives ko if gusto din nila na mag switch na sa kumpanya nyo.
Tutal mas mahal na kasi sa pinagkukunan namin, kaya mas makakatipid kami pag sa inooffer mong prize ako pumayag,
Mind you bukod sa mas mura ang mga product nyo, maganda din kalidad ng mga ito, pero ang concern ko lamang kasi if kaya nyo ang demand nang kumpanya namin"

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon