Chapter 18: The Token of Death

Start from the beginning
                                    

Napatiimbagang sila sa paliwanag nito. Yeah, she's right. Since ito pala ang leader ng Black Lily Gang at nasa 2nd spot pa. Talagang may advantage silang ganito.

"At bakit kami naman ang pinili mo na gumawa niyan?" tanong ni Lianne.

Humalukipkip naman si Jessa. "Kayo ang unang naisip kong pwede gumawa nito 'e."

"Pagpapasalamat ba namin iyan o maiinis kami sa sagot mo?" tugon niya sa dalaga.

Jessa shrugged her shoulder. "Ewan ko. Bahala ka."

"At bakit mo naman napili ang babaeng iyon ang maging target mo, huh?" tanong niyang muli.

Sa pagkakataong ito, nagtatagis ang bagang nitong nakatingin sa malayo. "Dahil inaagaw niya ang atensyon ni Xavier sa akin. Malandi ang babaeng iyon para landiin ang mahal ko. Akin lang si Xavier. Akin. Akin!"

Napailing na lamang silang tatlo sa dahilan nito. Nagagawa nga naman ng love na 'yan. Sabi na at tama ang kanyang desisyon kalimutan na lamang ang nararamdaman niya kay Xavier. Baka maging lokaret pa siya gaya nitong babaeng ito.

"Fine. As if naman na may magagawa pa kami." Pagsang-ayon niya.

Napalingon naman sa kanya ang dalawa niyang kapatid. "Hey!"

Tiningnan niya ang mga ito ng mariin. "Isipin niyo nalang na karaniwang misyon lang 'to, okay?"

Ewan ba niya kung bakit rin siya pumayag. Basta parang may iba kasi doon sa babaeng manang na iyon at medyo familiar siya rito.

"Really? I'm so touched na gagawin niyo 'yun para sa akin." Akmang makikipagbeso na si Jessa sa kanila nang harangan niya ng kanyang kamay ang mukha nito.

"Well, FYI. Hindi namin siya papatayin for you. Papatunayan lang namin sa iyo kung gaano ka kaduwag at hindi nalang mismo ikaw ang gumawa ng bagay na pwede mo namang gawin mag-isa."

Then with that, sinenyasan niya ang kanyang mga kapatid na sumunod na sa kanya. Pag-iisipan pa niya kung paano nila papatayin ang babaeng gusto nitong ipapatay sa kanila.

* * *

Xyrene Coltrane

HINDI na niya maipaliwanag ang galit at inis na nararamdaman niya ngayon nang dahil lang kay Xavier. Bakit ba hindi nito sinasagot ang mga text at tawag niya? Kapag naman naabutan niya itong sumagot sa kanya na hinuha pa niya'y sinagot lang dahil hindi tiningnan kung sino tumawag ay papatayin nito bigla 'pag narinig na ang kanyang boses.

Hindi sana siya mag-eeffort na gambalain ang gagong ito kung hindi dahil sa ama nitong tumawag pa sa kanyang tiyahin kaninang umaga. Asikasuhin na raw nilang dalawa ang kasal nila at pag-usapan ang ilang detalye. Aba'y kailangan niyang sumunod dahil binantaan na naman siya ni Tita Genevieve na hindi siya nito bibilhan ng latest model na kotseng gusto niya kung hindi siya susunod.

Actually, ang pag-uusap na gagawin nila dapat ay tungkol sa kasal nilang the day after tomorrow. Ang tindi ano? Ang bilis. Akala mo tatakasan niya ang anak nitong Howie Villareal na iyon. At kung anong dahilan kung bakit pinamamadali ay iyon ang 'di niya alam. At ayaw na niyang mag-effort na alamin pa. Sayang sa enerhiya.

At ang kinaiinis pa niya ay sa huwes lang muna raw sila ikakasal. Aba nga naman, matinde talaga oo! Minsan lang siya ikasal ta's doon lang? Gusto rin naman niyang kahit paano ng isang magarbong kasalan. Babae pa rin naman siya, nangangarap ng isang magandang wedding. Pero wala! Sinira lahat iyon ng lalaking itong ayaw siyang kausapin man lang!

Akala ba niya na masaya siya at atat siya kung malaman nito ang dahilan ng pangungulit niya? Aba! Ang kapal!

NASA may parking lot siya ng school at hinihintay ang pagdating ng kotse ng punyetang, Xavier na 'yan. Kapag talaga siya ay hindi nakapigil ay talaga nga namang babayagan niya ang lalaking iyon ng walang pag-aalinlangan.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now