Chapter 18: The Token of Death

Start from the beginning
                                    

Binigyan pa siya nito lalo ng masamang tingin. Yeah, as if she's scared. Maaaring malakas na itong babaeng ito ngayon, pero hindi iyon sapat para talunin siya nang gano'ng kadali.

Maya-maya pa'y huminga ito ng malalim. Kapagkuwa'y naging maamo ang mukha. "Look, I'm not here to argue with you, three."

Humalukipkip si Jamie at nagsalita, "Anong kailangan mo naman, aber?"

May tiningnan ito sa likod na sila ring kinalingon.

Isang babaeng naka-manang outfi; naka-malaking eyeglasses; naka-doll shoes at may mga hawak na libro sa braso nito. Napansin niyang pilit nitong kinakausap ang isang gwapong lalaki.

Medyo napangiti pa siya nang makilala 'yung lalaki. Si Xavier, si Xenon.

Yeah, kilala niya ang binata. Nakakausap niya ito no'ng assassin pa ito. Inaamin niya, naging crush niya 'yan. Pero no'ng napapansin ng lalaking ito na nahuhulog na siya sa binata ay binantaan siya nitong h'wag raw niyang subukan ang mahulog sa kanya ng tuluyan dahil papatayin siya nito kaagad.

At first, hindi siya natinag no'n pero nang isang araw na nabwisit na ito ay do'n niya napatunayan na malakas ang binata at nakakatakot. Kung kaya't tinanggap na lamang niya na hanggang kaibigan na lang sila. Anong magagawa niya? E malakas ang lalaking 'to at kaya nitong totohanin ang banta nito sa kanya. Mahal pa niya ang kanyang buhay. Kaya naman mas maganda na iyong naging desisyon niya.

Ang huling balita na lamang niya kay Xenon ay tumiwalag na ito sa pagiging Assassin. Mas lalo nga siya nito napahanga dahil sa lahat ng pagsubok na binigay sa binata ng Assassin Organization ay napasa nito at inutakan pa. Tapos nalaman niya na sumali ito sa GVA Battle noon at nanalo. Sumali ito kasama ng mga kaibigan nito at sumali sa gang category. Doon nakilala ang binata bilang si Xenon ng Warlords Platoon at sumikat.

Ok. Fine until now, she's madly in love with him ngunit hanggang doon na lamang iyon.

Nilingon niya si Jessa at nagtanong. "Anong mayroon?" tanong niya sa dalaga habang napabalik sa pagtingin sa dalawang iyon at tila nagbabangayan pa.

Nahulog nung manang ang mga libro nito pero hindi man lang ito tinulungan ni Xavier. Nakatingin na rin ang halos lahat ng tao sa kanila dahil sa panghahabol na ginagawa nung babae.

"I want you to kill that bitch." Mariin pero halos galit na tono na sabi ni Jessa na kinalingon nilang tatlo.

"Hindi na kami nakakontrata sa inyo remember?" pagpapaalala ni Jamie kay Jessa.

Ngumisi ito sa kanila. "Pero may isang misyon ang mayroon sa Token of Death hindi ba?"

Mas lalo silang napaseryoso sa sinabi nito. Oo tama si Jessa. May misyon pang kailangang gawin ang mga nakatanggap ng Token of Death.

Once you received this token, aside from the good news that you will finally a contestant in the said event ay kailangan mo munang pumatay ng tao.

From its name— Token of Death,ito ang bagay na ma-r-receive ng mga invited participants ngunit nangangailangan ito ng kompirmasyon. At iyon ay ang pumatay ng tao at bahiran ang patalim nito ng dugo mula sa pinatay. Kapag nagawa na iyon ay saka lamang silang magiging official contestant. Kaya sila binibigyan ng tatlong araw para gawin ito.

"Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa imbes na kami?" mataray na tanong ni Lianne.

Napailing naman si Jessa sa sinabi ni Lianne. "Mukhang nakakalimutan niyo yata ang advantages ng mga high ranked gangsters sa GVA Battle. Nakalimutan niyo bang once you are qualified in the gangster category and you are ranked in a high position ay pupwede kaming magdecide kung kami ba o ipapagawa namin sa iba ang pagpatay na kailangan sa token of death?"

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now