Kabanata 6

12 2 0
                                    

Ang iyong mukha

Pag ka-uwi ko sa bahay mga alas nueve na ata 'yon kaya si Mama nalang ang nadatnan ko sa baba na naghuhugas ng pinggan.

Agad akong lumapit kay Mama at binigyan ito ng matamis na halik sa pisngi na siyang ikinagulat nito.

"Oh Miggy, akala ko dun ka na matutulog eh, mukhang napasarap ang pag-uusap n'yong dalawa ah." Mahabang litanya nito sa akin na may pang-aasar pang mababakas sa mukha.

"Ma naman eh! Baka mahalata na ko ni Arra sa kakatukso nyo sakin." Kunwaring nagtatampo kong saad dito.

"Aysus! Kunwari pa ang anak ko oh, pero kinikilig na yan. Binata na talaga ang anak ko." Sabay kurot nito sa aking pisngi.

"Kailan mo ba balak sabihin? Miggy, ilang buwan na lang.. Ilang buwan na lang luluwas na tayo, patungo sa Amerika." Malungkot at naluluhang saad ni mama.

"Ma.. Hindi ko po kayang sabihin. Ayoko pong masaktan siya. Ayoko pong umasa siya." Seryoso kong saad kay mama.
Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Mama nagpaalam na ako para umakyat na sa aking kwarto at para narin makapagpahinga at makapag isip-isip.

Ilang oras na ang nakalilipas ngunit hindi parin ako makatulog tila ata aabutin na ako ng liwanag dahil alas dos na ng madaling araw . Sinubukan ko munang magbasa ng libro ngunit tila nang-aasar talaga ang tadhana dahil walang kahit anong pumapasok sa isip ko kundi ang kanyang pangalan at kung paano ko sasabihin halos ata lahat ng letrang nakikita ko pangalan nya ang nabubuo at ang malala pa d'yan lahat ng litratong nakikita ko mukha nya ang lumalabas.
"Aghh! Nakakainis!" Bulalas ko sa aking sarili, dahil mag aalas tres na. Itinigil ko na ang pagbabasa at muling bumalik sa paghiga. Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinatong ang braso sa aking ulo, tila ata naging kumportable ako sa ganoong pwesto at walang anu-ano'y nakatulog na ako.

***
Kinaumagahan alas onse na ako nagising, tinanghali ako ng gising dahil nga sa nangyari kagabi mabuti nalang at second shift ang pasok namin ngayon dahil pumunta sa Main campus ng paaralan namin ang aming mga guro, kaya ayos lang dahil ala una pa ang pasok ko.

Pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni pumasok na ako sa C.r para maligo habang nasa loob ako narinig kong kumatok si mama at sinabing bumaba na raw ako dahil nakahanda na ang aming tanghalian.
"Opo Ma, susunod na po ako."
Pagkatapos ng lahat bumaba na ako para kumain naabutan ko pa sila ni Papa na naglalambingan. Haha ang saya lang na makitang ganyan ang pamilya ko.
Pagkatapos kong kumain umalis na ako at nagpaalam sa kanila.
Dumaan ako sa bahay nila Jin para sana sabay na kaming pumasok.

Nag door bell lang ako ng tatlong beses at agad na lumabas si Arra.
"Arra! Tara alis na tayo." Pag-aaya ko sa kanya.
"Taralets!" Masayang tugon nya sa akin. At ilang sandali pa, sabay na naming tinatahak ang daan patungo sa aming paaralan.
Habang naglalakad hindi namin naiwasan ang magkwentuhan tungkol sa bagay-bagay at napahinto ako saglit sa paglalakad nang sabihin sakin ni Arra ang tungkol sa isa pa naming kaibigan.

"Miggy, pauwi na daw sila Trisha ah." Saad ni Arra sa akin.

"Ahh ganon ba. Kailan daw? Ilang taon na rin sila sa Amerika ah, buti uuwi na sila sa pilipinas." Mahaba kong tugon sa kanya, pero parang may nabakas akong kalungkutan sa kanyang mga tingin ng magtama ang aming mga mata.
"Haha oo nga eh, ang saya naman makukumpleto na rin tayong tatlo." Saad nya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng marating namin ang paaralan. Sabay kaming pumasok ni Arra sa room at pagdating namin sakto namang pagdating ng guro namin sa Math Algebra na si Mr. Romasanta.

Nagsimula ang klase namin at antok na antok ako, habang nagsasalita si Sir hindi ko mapigilang ipikit ang aking mata, habang si Arra seryosong nakikinig kay Sir.

"Mr. Miguel Alvarez!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Sir.
"Quadratic Equation Sir."
Biglang sambit ko sa harap ng mga kamag-aral ko pati kay Sir.
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
Nagtaka naman ako kung bakit nagtawanan ang lahat ng mga kaklase ko kasama si Arra na kanina pa rin ako kinakalabit dahil nga sa simpleng pagtulog ko.
Tumingin ako kay Sir at nakita kong ang sama ng tingin nya sa'kin.

"Please get out of my sight!"
Bulyaw sa akin ni Sir, at ako naman ay nakayukong lumabas.
"Sorry Sir."
Hinintay ko sa labas ng room na matapos ang oras ni Sir bago ako muling pumasok sa loob. At ilang oras pa ang nakalipas, uwian na namin, sabay na kaming umuwi ni Arra, dumaan muna kami sa Italian restaurant bago kami tuluyang nakauwi at naghiwalay.

Hays panibagong araw na naman para bukas. Nasabi ko sa isip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden LoveWhere stories live. Discover now