Kabanata 5

10 1 0
                                    

Say Sorry

Pagka-uwi ko sa bahay nag-isip agad ako kung anong magandang ibigay kay Arra para sana peace offering dahil sa katangahang ginawa ko.

Alam ko na, magpapatulong nalang ako kay Mama na gumawa ng favorite cake ni Arra na Black Forest flavor.

Pumunta ako sa kusina at sakto naman na nakita ko si Mama na nagbe-bake ng Cookies para siguro sa meryenda namin dahil alas tres na ng hapon.

"Mama, pwede po bang magpatulong sa paggawa ng cake?" Saad ko.

"Bakit naman Miggy? May pagbibigyan ka ba?" Naguguluhang tanong ni Mama sakin.

"Ano po kasi-- ahh bibigay ko po sana kay Miggy, peace offering ko po sana." Saad ko.

"Ah ganon ba? Ikaw ah! Ligawan mo na kasi." Kantiyaw ni Mama sakin.

Yun na nga, tinulungan nga ako ni Mama sa paggawa ng cake mahigit isang oras namin iyong inihanda naging matagumpay naman ang aming paggawa pagkatapos agad akong pumunta sa bahay nila Arra tatlong bahay lang naman ang agwat nito sa bahay namin.

Nang makarating ako sa bahay nila agad kong pinindot ang Door bell button sa pangalawang pindot bumukas ang pinto saka lumabas ang kanilang katulong na si Ate Marie, nginitian ako nito at sinuklian ko naman din ng isang matamis na ngiti.

"Ate nasaan po si Arra?" Tanong ko kay Ate.

"Naku Dudong, ayun nasa kwarto nya nagmu-mukmok." Saad ni Ate Marie.

Kasalanan ko to eh, kung nagtanong lang sana ako. Pinairal ko na naman kasi ang kabaliwan ko sa kanya.

Pagkatapos 'yon sabihin ni Ate Marie agad na akong umakyat sa kwarto ni Arra. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot at wala ring nagbukas ng pinto. Nagsalita na ako dahil nagbabaka sakaling pag buksan nya ako ng pinto pag narinig niya ang aking tinig.

"Arra... Nandyan ka ba sa loob? Pwede ba akong pumasok?"

Walang anu-ano'y mabilis na bumukas ang pinto at sumilay sa'kin ang maliit na ngiti ni Arra.

Parang lalo akong nakonsensya ng makita ko ang malungkot na ngiti sa kanyang mukha na alam kong ako ang dahilan.

"Kamusta..?" Malungkot n'yang tanong sa'kin.

"I'm sorry." Tugon ko sa kanya sabay abot ng cake na dala ko.

Naguguluhang tumingin siya sa akin.

"Para saan 'to? Dapat nga ako mag sorry sayo." Saad niya

"Basta tanggapin mo nalang." Tugon ko sa kanya.

"Ibig sabihin ba nito Bati na tayo?" Masayang tanong niya sa akin.

"Syempre.. Matitiis ba kita?" Taas babang kilay na tanong ko sa kanya.

Matapos ang inkwentro naming dal'wa magkasama naming pinagsaluhan ang cake na dala ko.

Masaya ako't muli kaming nagkaayos. Hindi ko Siguro kakayanin kung tatagal pa ang aming hindi pagpapansinan dahil kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang tiisin at makitang malungkot.

Maya-maya pa'y namataan ko na ang papalubog na araw. Napaka bilis ng oras pag magkasama kaming dal'wa, hinihiling ko na sana huminto ang oras pag kasama ko siya. Kailan kaya mangyayari 'yon?

"Huy! Natulala ka na naman d'yan? Ano na namang iniisip mo? Tanong niya sa akin na nagpabalik sa aking huwisyo.

"Ha? Wala no! Sabi ko uwi na ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Pagkasabi ko n'yan ay hinatid na nya ako sa gate.

Lumilipas ang oras at araw, hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang katotohanan. Hanggang ngayon, natatakot pa rin ako sa kahihinatnan. Saka na lang siguro. Hahanap muna ako ng tiyempo.

Hidden LoveWhere stories live. Discover now