Kabanata 4

28 3 0
                                    

Maling Akala

Pasukan na bukas, first ship pa naman ako kaya mukhang kailangan ko ng matulog.

Pero ang nakakainis ayaw akong patulugin ng mga nakita ko kanina sa Italian Restaurant sa Makati.

"Bakit ako nakararamdam ng ganito? Ano ba nya 'ko? Kaibigan lang naman nya ako, kaya wala akong karapatan...Wala akong karapatang mag selos."

Yan ang mga bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan, naiinis ako sa sarili ko dahil sa maling inaasal ko.

Mag-aalas dose na, pero heto ako't gising na gising pa rin.
Ilang minutong pagmumuni-muni pa ang aking ginawa hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok.

Kinaumagahan puyat na puyat ako, alas kwatro pa lang ginising na ako ni Mama, ginawa ko muna ang lahat ng Morning rituals ko bago tuluyang bumaba para sa agahan.

***
"Ma, una na po ako sa inyo."
Saad  ko sabay halik sa pisngi ni mama. Tulog pa kasi yung dalawa kong kapatid samantalang si Papa naman ay kasalukuyang naliligo pa.

Agad-agad akong lumabas sa bahay dahil walking distance lang naman ang aming school dito sa village na tinitirhan namin.

***
"Migz! Ba't di mo ko sinabay sa pag pasok?" Nakasimangot na tanong sakin ni Arra. Pagkarating ko sa school boses nya agad ang narinig ko hangggang sa pag-upo ko sa silya.

Di ko nalang sya pinansin, medyo nagtatampo lang kasi ako sa kanya.

"May problema ba tayo?"
Nag-aalalang tanong nya, pero di ko pa rin sya pinansin.

"Sorry na..kung di ako nakapag simba, may importante lang akong ginawa, wag ka nang magtampo, di rin ako nakapag text kasi nawala ang phone ko."
Mahaba niyang litanya. Halatang defensive. Tss

Hindi ko pinansin ang mga sinabi nya sakin, nanatili lang akong tahimik hanggang sa dumating na ang teacher namin sa first subject.

Nakita ko s'yang may sinusulat sa likod ng kanyang notebook dahil pasimple ko syang tinitignan.

"Miggy! Bati na tayo. Kausapin mo na ako, wag ka nang magtampo." Yan ang mga salitang nabasa ko ng kalabitin nya ako na may kasama pang pout.

Sa halip na tumugon sa kanyang isinulat nanatili lang akong tahimik kahit ang totoo wala na akong maintindihan sa itinuturo sa amin ni Mrs. Baltazar dahil naukupa nya na ang aking isipan.

Hindi parin siya tumitigil sa pagkalabit sa akin. Pero hindi rin ako tumigil sa hindi pagpansin sa kanya. Pero sa huli di ko rin sya natiis. Naiinis ako dahil napaka bilis kong bumigay pagdating sa kanya.

"Ano?" Impit kong tugon sa kanya

"Sorry na kasi.." Pagsusumamo nya sa akin.

Kriiiinnnggg, Kriiiinnnggg, Kriiiinnnggg, Kriiiinnnggg...

Save by the bell ika nga nila.
Agad akong tumayo at lumabas, pero nagulat ako ng sumalubong sa akin ang mukha ng lalaking nakita kong kasama ni Arra noong linggo.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang sya sakin na lalo kong ikinainis.
Lumabas na si Arra at ngayon ay nasa harapan ko na siya kasama ang lalaking iyon.

"Miggy!" Sigaw ni Jin sa harapan ko. Muli, di ko siya pinansin at nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Miggy, pinsan ko... si Justine." Pagpapakilala nito sa akin na lubha kong ikinagulat.

"Huy, Miggy!" Hindi na ako nakapag salita, nginitian ko lang sila at agad na umalis.

Grabe, nagseselos ako sa taong hindi ko naman dapat pinag seselosan. Naiinis na naman ako sa sarili ko, masyadong napaka kitid ng utak ko, sarili ko lang ang iniisip ko. Kailangan kong humingi ng tawad kay Arra.

Palagi ko na lang pinapairal ang kakitiran ng utak ko. Napaghahapataan tuloy ako. Buti na lang nakaalis agad ako. Nakakahiya. Maling akala lang pala. Jusko.

Hidden LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora