Special Chapter III

Start from the beginning
                                    

"I don't know maybe a few months later, they will find a marriage planner and discuss many details" Nakaka haggard naman talaga ang pagpapakasal pero worth it naman, dahil makakasama mo na ang taong pinakamamahal mo.

"Alam mo bago ko makalimutan, mag dadalawang buwan na it means manganganak na si Crisha" Nag pa ultra-sound na sina Kevin babae yung anak nila. Nag ring ang phone ni Dale at si Kevin ang tumatawag.

"Hello, yes? Well then congratulations! Yes.. We'll go there okay bye." Binaba ni Dale ang phone niya at ngumiti saakin. "Nanganak na si Crisha" lumiwanag ang mga mata ko.. tumayo ako at nagpalit ng damit "Let's go excited na akong makita ang baby girl nila" Inayos ko ang damit niya, yumuko siya at hinalikan ako sa labi.

Third Person's POV

Sa kabilang dako buhat-buhat ni Kevin ang kanyang anak habang mahimbing na natutulog si Crisha. "Ang cute naman ng baby girl namin" Halatang nanggigil si Kevin sa anak nila ni Crisha dahil ang puti nito at ang ganda-ganda ng mata.

"May naisip na akong pangalan" Sambit ni Kevin, lumapit siya kay Crisha. "Thank you my Queen.." Yumuko si Kevin at hinalikan ang noo ng kanyang asawa.

Dumilat si Crisha at naaninag niya ang mukha ng dalawang taong nagpapaligaya sa kanya..
"M-My baby.." Ngumiti si Kevin dahan-dahan niyang ibinigay ang kanyang baby girl kay Crisha, mangiyak-ngiyak na hinaplos ni Crisha ang mukha ng kanyang anak.

"I-I love you our baby girl" Bumukas ang pinto at pumasok ang buong barkada. "Tangna, kala ko talaga triplets!" Sigaw ni Luis. Inakbayan nila Dale si Kevin at kinausap naman nina Ella si Crisha.

"Anong pangalan bregs?" Tanong ni Luis kay Kevin.

"CORINNE!"

"Kingin* pang matanda ano ba namang utak yan Troy!" Napa kamot ulo lang si Troy at nag peace-sign kaya tumawa ang lahat.

"MIKAELLA!"

"ELLA?!" Napa sigaw si Dale kaya lumingon si Ella. "Ano nanaman bang kabaliwan yan?" Ngumiti lang si Dale at umiling.

"Pre, ibang pangalan.."

"Uhmm.. Angel?"

"Very common.."

"May naisip ka na?" Tanong ni Crisha sa kanyang asawa saktong pumasok ang doktor kaya napa tahimik ang lahat. "So.. Nakapag desisyon na ba kayo kung anong magiging pangalan?"

"Kesha Naomi Fuentes-Delos Santos" [Naomi; Na-yo-mi] Ngumiti ang mag-asawa sa doktor. "Bakit naisipan niyong ganoon ang pangalan?" Interesadong tanong ng doktor.

"Kesha comes from our name Kevin and Crisha yung Naomi naisip ko lang para maiba" Sagot ni Kevin tinapik-tapik ni Dale at Luis ang likod ni Kevin.

"Nice, ganda ng pangalan" Bulong ni Luis. Siniko lang ni Kevin si Luis. "Hindi na ako makapaghintay" Sambit ni Dale.

"Babae rin diba?" Tanong ni Kevin kay Dale. Tumango si Dale nag-iisip na nga ng magandang pangalan si Dale hindi naman halatang excited? Hahaha. "Eh di may playmate pala ang anak ko."

"Oo naman.." Sagot ni Dale habang nakatingin kay Ella na kasalukuyang nakikipag tawanan sa mga kaibigan niya. "Mics, kailan tayo magkakaanak?"

"HINDI PA NGA TAYO NAGPAPAKASAL ANAK KAAGAD?!" Tinakpan ni Luis ang kanyang tenga at nag-asta pang bata. 'Nyenye' siniko siya ni Dale kaya lumapit si Luis kay Micah at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Isa kang malupet na hokage!"

"Ang sweet.."

"Ninja moves!"

"Galawang breezy!"

Napa-iling lang si Dale sa kabaliwan ng barkada niya, maya't-maya ay tumabi sa kanya ang kanyang asawa habang kumakain ng manggang may bagoong. Hinawakan ni Dale ang kamay ni Ella at hinalikan niya ang singsing nito. "Thank you for everything" Ngumiti lang si Ella ipinagdikit niya ang noo nila.

"Salamat din Dale..." Marahang hinaplos ni Dale ang tiyan ni Ella. "I love you my little princess"

Hinagkan niya ng mahigpit si Ella at paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

'Thank you for giving me a wonderful gift Dear Lord, I don't deserve this kind of love because of the terrible things that I've done. But still you gave me something that is priceless my family they are my strength, my fear, and for making me happy I will serve you with all of my heart and soul' Pagdadasal ni Dale nanatili siyang nakayakap kay Ella.

'Salamat po sa lahat-lahat Papa God. Sa munting anghel na paparating sa buhay namin. At sa pagbabantay sa asawa't-anak ko. Thank you for giving Dale to me. 'Yon pa lang malaking blessing na. Maraming-maraming salamat po talaga' Taimtim na wika ni Ella na para bang kinakausap niya si Hesus kumalas sa yakap si Ella hinawakan naman ni Dale ang baba niya at unti-unti siyang yumuko para angkinin ang labi ni Ella.

"I love you so much.." Sabay nilang sabi habang nakatingin sa kanilang mga mata. The way it shines like a thousands of stars when they look at each other it's unexplainable.

Nagsikuhan ang mga magkakaibigan habang tinitignan si Dale at Ella. Ngumiti sila habang pinagmamasdan ang mag-asawa.

'Everlasting love and undeniable feeling people who deeply loves each other is a magic. Magic that flows all over our body that makes us heart tickle and could also break our heart into pieces but in the end love makes us stronger for a better tomorrow. It makes us believe that life is an adventure we must deal and live with it'



My Heartthrob Ex-Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now