Special Chapter I

1.1K 28 2
                                    

#MHEBEternity

(After 5 years....)

Ella's POV

Kinuha ko ang unan ko sa tabi ko at binato si Dale, Sapul sa Ulo! Bwahaha. "What the eff?" Iritado niyang mura sa akin. Aba't minumura ako?!

Tumingin ako sa kanya ng malungkot at nagsimula na namang pumatak ang luha ko, Ba't ba sobrang emosyonal ko?! Anong nangyayari sa akin? "I HATE YOU!! ANO HIHIWALAYAN MO NA AKO?! AYAW MO NA SA AKIN?! SIGE DON KA SA KABIT MO!" Pagtataboy ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at nilapitan ako hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at siniil ako sa isang halik.

"How many times do i have to tell you, that i love you? Hinding-hindi kita ipagpapalit"

"ANONG HINDI! K-KAHAPON, NAKITA KITA KASAMA MO YUNG SECRETARY NG DADDY MO! TAPOS KUNG MAKATINGIN KA SA KANYA PARANG LULUSAWIN MO!" Mangiyak-ngiyak kong bulyaw sakanya napa-kamot ulo lang siya. Hahalikan niya sa ulet ako pero tinulak ko siya. Ewan ko bwisit na bwisit ako sa kanya.

"TIGILAN MO NGA AKO DALE JOHN RAMIREZ! NAKAKAINIS KA TALAGA KAHIT KAILAN?!" Napa-iling na lang siya at kinuha ang bag niya ano? Hindi niya ako susuyuin?! Makapal talaga ang mukha nitong lalaking toh! Grr "Call me if you need something.." Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ang noo ko pero umiwas ako sa kanya. Nakakadami na siya ng halik sa akin ah! Ano tingin niya sa akin kiss lang madadali niya na ako?! Ano ako marupok? Siguro oo, pero medyo lang. Pero kahit na!

"Che."

"I love you..bye" Huli niyang sambit bago isara ang pinto, Naknang! Hindi niya talaga ako sinuyo! Ano siya pa yung galit?! Tama naman ang sinabi ko, ang landi-landi nung secretary ng Daddy niya! Akala mo naman kagandahan!

*knock-knock

"Come in.." Tumakbo papasok si Ethan at niyakap ako ng mahigpit, Ethan Reyes-Ramirez he's 3 years old halata namang sigurong anak namin siya ni Dale diba? Nung araw na lalabas na si Ethan sa sinapupunan ko ang saya-saya namin ni Dale pero sobrang hirap pa lang manganak jusko halos mawalan na ako ng hininga.

"Bakit my little boy?"

"Mame, where ish Dade?" [Is] Kumunot ang noo ko dahil naalala ko yung nangyari kanina, bwisit talaga yung lalaking 'yon. "Uhmm.. He's working nak' let's go? Baba na tayo?" Ngumiti siya sa akin, binuhat ko siya at bumaba na kami.

Pagkababa namin ay naka handa na ang almusal inupo ko si Ethan sa tabi ko para masubuan ko.
"Kain na.."

"Ahh.." Binuka ni Ethan ang bunganga niya buti nalang masunurin ang anak ko, hindi katulad ng Daddy niya sobrang tigas ng ulo! Hmmm.. Ang baho? Inamoy-amoy ko yung paligid.

"Yaya!" Lumapit si Yaya Coring kaya tinuro ko yung ibang mga ulam sa hapag-kainan. "Hindi ko gusto yung mga amoy niyan!"

"Ma'am paborito niyo nga po yang soup na yan" Napa-iling na lang ako, inilagay rin ni Yaya Coring yung mga ulam sa refrigerator. "Kainin mo nalang yang sopas" Tumango si Yaya Coring kaya sinenyasan ko siyang umalis na.

Alam kong paborito ko yon' pero all of the sudden nangiba yung pang-amoy ko, nababahuan ako. Tinitigan lang ako ni Ethan. "Mame, arsh you okay?" [are] ngumiti lang ako kay Ethan telling him that I am okay, Obviously I am not. It's weird.. parang naramdaman ko na ito nung ipapanganak ko pa lang si Ethan. Pero, parang mas lumala ata ngayon?

Napatayo ako at tumakbo papuntang sink, at sumuka ako ng sumuka. May narinig ako pagbukas ng pinto pero hindi ko na ito pinansin until someone caressed my back. "Hon, are you okay?" Naghilamos ako at tinitigan si Dale.

My Heartthrob Ex-Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now