Chapter 14.

985 26 0
                                    

Jon's POV

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kaibigan ko habang walang humpay ang pagtawa nila. "Ano ang sapatos na parang si Dale?!" Nag sign of the cross si Luis at tumingin sa kanilang lahat.

"Eh di.. SHOEpot ! HAHAHAHA!" Nagtawanan silang lahat habang si Dale ay parang sinasakal na si Luis sa utak niya.

"G*go!" Malutong na mura ni Dale kay Luis.

"HAHAHA.. Huwag kang mag-alala Bro parehas tayong G*go!" Halos malagutan na ng hininga sina Luis sa kakatawa nagulat naman ako ng bigla akong sikohin ni Sheena 'Bakit?' Mahina kong tanong.

"Ba't ang tahimik mo?" Tanong ni Sheena.
"Iniisip ko lang si Dale at si Ella.." Bumaling ako kay Dale at Ella na kasalukuyang nagtatawanan. Sana yang kasiyahan nila ay hindi lang panandalian. Alam ko naman ang kwento tungkol sa mga ex may nagkakabalikan pero minsan talaga hindi na. Siguro dahil wala na yung pagmamahal. Kung pwede lang sigurong i-rewind ang lahat siguro sila pa rin ni Ella.. Siguro hindi na naging komplikado ang lahat.

Hindi ako naniniwala na dahil sa amin kaya sila naghiwalay. Hindi lang talaga sapat ang pagmamahal at tiwala nila sa isa't-isa. First boyfriend ni Ella si Dale kaya may posibilidad na nabigla si Ella sa relasyon nila ni Dale minsan kase may 'ganon at unang babaeng sineryoso ni Dale si Ella that's why he can be possessive, siguro 'yon ang naramdaman ni Ella. To put it simply, they are new to love.

Walang alam si Ella kung ano at paano maging perfect girlfriend kay Dale dati, while Dale is seeing her as his future wife. Not thinking na baka nasasakal na si Ella sa kanya but the problem is sinarili nila yung pagkukulang sa relasyon nila walang may alam sa kanila ng tunay na dahilan, too much love to a person who is new to that kind of feeling is dangerous.

Pero hindi ako tanga para hindi mahalata na meron pa ring nararamdaman si Dale kay Ella ayaw lang talagang umamin ni Dale tulad nga ng sabi niya 'I need to clarify my feelings.. I don't want to hurt Princess she's special to me when I am so down she's always there beside me' Hindi ko naman siya masisisi at alam ko kung gaano kalaki yung butas na iniwan ni Ella sa puso niya. But think of it, parehas silang may mali.

They are naive.

That's why, ayokong pumasok sa isang relasyon kapag hindi pa handa ang dalawang panig. In a short period of time, nakita ko kung paano magbago si Dale. Pero kahit ilang beses ng nakipagdate si Dale sa iba wala talaga siyang alam dati kung ano nga ba ang pakiramdam na magmahal sa isang babae. That feeling. Naramdaman niya 'yon kay Ella. But it was too much for Ella, that time she is not yet ready for commitment while Dale is giving his best. Mas minahal ni Dale si Ella, 'yon ang nakita ko.

Or Ella just need enough space for her to know, kung ano ba talaga ang hinahanap niya? Isang bagay na hindi pinaramdam ni Dale sa kanya nung sila pa.

Pero may pagkakataon pa ba sila? Malalaman pa ba nila yung pagkakamali nila? More importantly, maitatama pa ba nila?

'Kapag nagmamahal ka matuto kang magtira para sa sarili mo.. Hindi lahat ibibigay mo'

Sa isang relasyon okay lang naman na maging seryoso ka pero yung magmahal ka ng sobra-sobra hindi pwe-pwede yon'. Sa mundong ginagalawan natin hindi pwedeng masaya lang syempre may sitwasyon sa buhay na masakit. Yung mapapa isip ka na lang kung bakit ka nasasaktan ng ganito ng ganyan. Parte yan ng pagmamahal kung walang sakit at kung hindi ka iiyak hindi 'yan pag-ibig.. Ano 'yan? Kahangalan.

"Tol.. Ayos ka lang?" Tanong ni Kevin. Tumango lang ako at nag-umpisa ng kumain.

*After 2 hours*

My Heartthrob Ex-Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now