Part 8

799 28 2
                                    


Pinag isipan niyang mabuti na iwasan na ng tuluyan ang binatang nagpagulo sa kanyang tahimik na buhay.

Hindi niya na hahayaang paapekto sa karismang taglay nito.

Naisip niya rin na nagmumukha na siyang baliw sa paningin ng iba.

Sino ba namang hindi ang mapag-isipang baliw kung may makakakita sa kanyang nakikipag usap sa hindi naman nakikita ng iba.

Nag aalala rin ang ibang mahalagang tao sa pagkakataong nawawala siya na madalas isama nito sa kung saang lugar.

Pero paano nga ba niya tuluyang maiiwasan si Skinner kung bigla na lang lilitaw o susulpot ito kung saan man siya magpunta?Mas madalas niyang tawaging Skinner ang binata kumpara sa first name nito na Fernando.

Bagay kasi dito ang tawag nyang iyon dahil sa pagiging engkanto nito.

Natigilan si Mai nang maalala ang isang bagay na naibida ng binata, minsang napahaba ang kwentuhan nila.

Napapitik ang kamay niya sa hangin ng magka idea sa naalala.

"How can I get that thing kung hindi ako makikipagkita sa mokong na iyon?"

"Mapipilitan akong makipagkita sa kanya hangga't hindi ko nakukuha ang kwintas na iyon,but the question is paano?

"Paano nga ba?"para siyang timang sa pagsasalita mag-isa.

Ang kwintas na tinutukoy niya at ang laging suot ni Skinner.

Kakaiba ang hugis, tatsulok na may kung anong desinyo at nakasulat sa kwentas na iyon na hindi niya maintindihan.

Ayon sa binata ito ang dahilan kung bakit nagagawang lumitaw nito kung saang lugar siya naroroon.

Ibinigay daw ito ng kanyang Lola upang mahanap ang anak ng kaibigan nitong isa ring engkanto na na in love sa isang tulad niyang tao.So may chance pala, pero hindi niya ipakikipag sapalaran ang buhay niya kahit may nararamdaman na siya sa binata.

Pinag isipang mabuti ni Mai kung paano ito makukuha sa binata ng hindi na ito nakakalapit sa kanya.

At ng tuluyan ng maputol ang ugnayan nilang dalawa.

Hanggat maaga pa ay puputulin na niya ang kahibangan sa isang nilalang na hindi niya kauri ang mundong ginagalawan.

Ito lang ang paraan upang hindi na siya masundan ng binata.

Kung makukuha niya ang kwintas na siyang dahilan kung bakit nito nagagawang lumitaw sa mundo ng tao ay malaking bagay na hindi na nga siya nito guguluhin pa.

Pero ang malaking alalahanin ay ang malaking tanong kung bakit siya na isang pang karaniwang tao ni walang kwintas na tulad ng sa binata ay nagawang makarating sa mundo nito?,gayong ang kapwa nito engkanto lang ang makagagawa nun?

Maaring madala nila sa mundo nila ang isang gaya niya kung isasama ng mga ito.

Naalala niya minsan na siyang nakarating sa mundo nito sa pagitan ng lagusan ng hindi niya nalalaman bukod pa nga sa hindi naman niya kasama ang binata noon.

Hindi kaya namahika siya ng binata?

Hindi nga ba at sinabi nito sa kanya na hindi maaring makapasok sa lagusan na iyon ang mga tao pwera sa babaeng maibigan at dalhin nila patungo sa mundo nilang mga engkanto?

"Hindi kaya may lahi akong engkanto?anang dalaga na kausap na naman ang sarili.

"No....nahihibang na naman ako wala namang ganun sa pamilya ko kaya erase...erase letche na lalaki iyon ginugulo niya ang isip ko aaaahhhh...."

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon