Part1

4.3K 70 9
                                    


Ulilang lubos si Mai Lomibao,ang nagpalaki sa kaniya ang kaniyang lola Agatha na namatay may dalawang taon na.

Ang tumatayong ina ngayon ng dalaga ay si Tita Jeanne.

Ito ang tumatayong handler slash ina at kaibigan na rin ng dalaga.

Isa si Mai sa mga model na kinuha nila Sandro at Jorge para sa kanilang travel and tour agency,bukod pa sa tourist spot na kanilang idedevelop ang bagong discover ng group na Fantasy Destination.

Bukod pa sa liblib na lugar na nabili nila Sandro sa dulo ng Quezon province.Pinarinovate nila ang lugar pwera sa mga nature na sobrang enchanted sa pagiging natural.

Kalahating oras bago makarating sa waterfalls na para kang naengkanto sa sobrang ganda at mala fairy ang dating ng mga butterfly at ng mga bulaklak na ibat ibang laki at kulay.

"Mai okay na ba lahat ng mga dadalhin mo?"tanong ni Tita Jeanne sa dalaga.

"Yes Tita kagabi ko pa naayos lahat ng mga gamit ko."ani Mai sa 45 year old na mabait na ginang.Kaibigan ito ng lola Agatha nya.

Outing ng grupo nila Sandro at invited ang lahat ng employee ng agency bukod sa mga model at crew.Syempre hindi mawawala ang mga kaibigan nila Sandro at Jorge sa lakad.

Bukod sa outing at anniversary ng agency maiiwan ang group nila Mai para sa Pictorial nito na ishoot sa waterfalls na pinagmamalaki nila para sa Fantasy Destination ng tourist attraction ng kanilang agency.

Habang tahimik pinagmamasdan lang niya ang mga kaibigan nila Kim.

Magugulo pero masaya ang mga ito.

Napangiti siya ng makitang kasama ni JL ang yaya nito este maid nito na madalas nilang asarin.

Si João a.k.a JL ang magiging photographer niya para sa shooting/pictorial na gagawin nila.

"Wow Tita Jeanne ang ganda pala dito."ani Mai

"Enchanted na enchanted ang dating nitong place.Kaya naman pala Fantasy Destination ang pangalan nitong lugar."anang babae.

Narinig nila excited na tumili si Celine ng makita ang kagandahan ng lugar.

Ilang log cabin pa lang ang natatapos at ang Resthouse na tutuluyan ng grupo.Ang ibang crew naman mas trip ang magtayo ng tent.

Hindi na sumama si Mai kina Verna para pasyalan ang lagoon na sinasabi ng mga ito.

Kahit gusto niyang sumama hinayaan niya muna ang mga kaibigan nito ang magsaya total gusto rin niyang magpahinga.

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon